Raven Ishiraz POV
Alas dose na nang hating-gabi pero buhay na buhay pa rin ang kaluluwa ko. Kung tutuusin ay dapat bumabawi ako ng tulog ngayon dahil halos tatlong araw din akong walang maayos na tulog pero ewan ko ba sa sarili ko at parang wala na namang balak matulog kahit dama ko naman ang pagod ko. Bumangon muna ako at saka nagpasyang pumunta muna sa terrace. Kinuha ko ang jacket na nakapatong sa upuan at saka pumunta na sa terrace. Maganda pagmasdan ang kalangitan.
Hanggang sa nag pop up ang tanong sa akin ng babae kanina.
"Are you clean?" Am I really clean? Hindi ko alam. Hindi ako sigurado. Napapaisip ako bigla. Hindi ko alam kung bakit masyadong na-stuck ang tanong niyang iyon sa isip ko.
Maybe I am clean or maybe I am not." Bulong ko sa hangin at saka napabuntong-hininga. Tao lang din ako, normal lang ding magkaroon ng mga dramas and such sa buhay pero bakit ganoon ang impact ng tanong niya sa akin? Maybe because it's different sa mga common na tinatanong ng ibang tao. Nakakaramdam na ako ng unti-unting patak mula sa kalangitan. Mukhang uulan na naman.
Maybe I am clean kasi never ko naman sinaktan ang sarili ko everytime na nasa lowest part ako ng buhay ko. Kinakaya kong i-handle ang mga emotions ko, nahahandle ko nang maayos. Ipinilig ko ang ulo ko at saka umiling-iling. I'm thinking too much na yata to the point na hindi na ako makatulog nang maayos dahil lang sa tanong sa akin ng babae.
"Hindi ka rin ba makatulog?" Hindi na ako lumingon dahil boses pa lang ay kilala ko na ito. Si kuya.
"Hindi." Iyon na lang ang nasabi ko. Hindi ko pa rin naaalis sa isip ko angtanong nito sa akin kanina.
"Ang lalim yata ng iniisip mo. Pwede mo namang i-share mukha kasing lahat ng problema ng tao sa mundo ay pinasan mo." Saka kami natawang dalawa. Kahit kailan talaga.
"Are you clean, kuya?" Tanong ko rito, halata sa mukha niya ang pagkagulat pero saglit lang naman iyon. Matagal din ito bago makasagot.
"Hmm, oo, sa palagay ko. Hindi ko naman sinaktan kahit kailan ang sarili ko e. Kaya ko naman i-handle ang emotions ko, kaya siguro oo, I'm clean. Bakit mo bigla natanong?"
"Nothing. Nacurious lang." Tumango-tango ito at hindi na muling nagsalita pa.
"Kilala kita, hindi ka basta-bastang nagtatanong ng ganyan. What happened?" Aniya. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko pa ang nangyari kanina pero kilala ko rin ang kapatid ko. Hindi ako niyan tatantanan kung hindi ko sasabihin ang bumabagabag sa akin. Hay, bahala na nga.
"Kanina, someone asked me if I'm clean. So, I answered the question directly na I'm clean." Sabi ko rito.
"Sa tingin mo, bakit niya natanong iyon saiyo?" Tanong nito.
"Maybe because that person isn't sure if she's really clean or not?" Hindi pa siguradong sagot ko rito. Akala ko ay mang-aasar pa ito pero nagulat ako sa sunod nitong sinabi.
"Do you know why people ask someone that kind of question? It's because they're in their lowest for a long time. They wanted to get out from there but they don't know how." Malalim pero sapat na para maintindihan ko ang punto nito.
"Tama ka naman, kuya. She even shed a tear while asking me that kind of question a while ago."
"Maybe because she's been holding those mixed emotions for a long time and suddenly realised that it's already too much and she can't hold to it anymore." Aniya.
Word per word ay inintindi ko. Hindi ako mabilis na maapektuhan sa emotions ng ibang tao pero sa babaeng iyon, iba.
"Anyway, inaantok na ako. Matulog ka na rin." Sabi nito at tinapik ang balikat ko. Tumango ako rito at saka nagpasalamat sa mga sinabi niya.
Malalim ang pag-iisip ko nang biglang mag vibrate ang cellphone ko. Muntik pa akong mapamura dahil sa gulat. Tinignan ko ang screen at hindi naka-save ang number nito sa contacts ko.
I-e-end ko na sana pero mas sinunod ko ang gut feeling ko-sinagot ko ang tawag mula sa hindi ko naman alam kung kanino.
"Hello?" Casual na sagot ko rito. Nagulat pa ako sa boses ng kabilang linya. Boses iyon ng babaeng nakausap ko kanina, hindi ako pwedeng magkamali.
"Hey," Aniya.
"Ahh, hey, ikaw iyong girl kanina 'diba?"
"Yes, natatandaan mo pa pala ang boses ko." Sabi nito. Malamig ba talaga ito magsalita?
"Oo naman, bakit? Paano mo nakuha number ko?"
"May maliit na card na napaipit sa pagkakatupi ng panyo mo e." Aniya ng sa tigin ko ay natatawa pa.
"Oh, I see." Sabi ko na lang.
"Pasensya na kung tumawag ako ng ganitong oras. Gusto ko lang kasing i-make sure kung ito nga iyong number mo para kung matuyo na iyong panyo mo e, madali na lang isauli saiyo." Tuloy-tuloy nitong sabi na ikinangiti ko naman.
"Sayo na iyan." Walang pag-aatubiling sabi ko.
"H-Huh?"
"Sayo na iyan." Pag-uulit ko dito.
"Bakit? May sarili akong panyo." Sabi niya.
"Sayo na." Pagpupumilit ko.
"Fine! Thank you!" Aniya.
"Uhm, wait!" Naramdaman ata niyang ibababa ko na rapat ang tawag kaya niya iyon sinabi. Hindi ako nagsalita at hinintay siyang mag salita.
"Ano kasi." Natatawa ako dahil mukhang nahihiya siya at nagdadalawang isip kung itutuloy niya ba iyong sasabihin niya o huwag na lang.
"Ano?" Tanong ko rito.
"Argh! Paano ba kasi sabihin ito?" Bulong lang iyon pero rinig ko kaya hindi ko na napigilan pang tumawa.
"Sabihin mo na, hindi naman ako nangangain o nangangagat."
"Kasi ano." Hindi niya talaga masabi-sabi pero may kutob akong alam ko na kung ano ang itatanong niya kaya naman sinagot ko na ito kahit hindi ko sure kung iyon ba ang itatanong nito sa akin.
"Raven Ishiraz, that's the name."
"Holy fudge! Paano mo alam?" Gulat na tanong nito dahilan para matawa ulit ako.
"Instinct." Iyon na lang ang naisagot ko.
"Primavera Forelsket here. Nice talking to you, goodnight!" Aniya sabay baba ng call.
Hindi ko alam pero ang lapad ng ngiti ko. Sa palagay ko ay makakatulog na ako nang mahimbing nito.
YOU ARE READING
Raining In Manila [COMPLETED]
FanfictionThis story will focus finding an answer to the question which is, "will you call it love if two broken people are together?" It also includes the different perspectives about love and life, pain, healing of the two different people.
![Raining In Manila [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/347342328-64-k984892.jpg)