Umiwas ako ng tingin sa kaniya at hindi na rin ako umimik pagkatapos ng sinabi niya. Siguro nga kaya lang ako nahihirapan ng ganito dahil after all those years hindi ko pa rin talaga natututuhang bumitiw sa mga bagay-bagay na nagpapahirap naman talaga sa akin. Nagulat ako nang hawakan nito ang kamay ko kaya napatingin ulit ako sa kaniya. Ngumiti ito sa akin at saka tinapik ang balikat ko.
Para bang sinasabi niyang okay lang kung hindi ko pa iyon kayang bitawan. Okay lang if I'll take a step forward slowly and take it easy. Slowly but surely na makakausad ako from my past. Hanggang sa mapakapit ako sa kamay nito ng mahigpit. Kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.
"Anong meron? Bakit?" Sunod-sunod nitong sabi. Hanggang sa hindi ko na makaya at mapahawak ako sa may bandang puson ko. Pakiramdam ko ay pati pagsasalita ay hindi ko magawa. Nanginginig din ang mga labi ko dahil sa sakit ng puson ko.
"M-Masakit." Iyon na lang ang nasabi ko. Inalalayan ako nitong tumayo at saka biglang nagtanong.
"Wala akong dalang sasakyan, kaya mo pa bang maglakad?" Tumango na lang ako bilang sagot sa tanong niya. Kahit na sa totoo ay hindi ko naman na talaga kaya dahil masakit na ang puson ko. Gusto ko nang umiyak dahil sa sakit pero pinipigilan ko. Ayaw kong makita niya akong umiiyak dahil lang sa sakit ng puson. Akala ko ay aalalayan ako nitong maglakad pero binuhat ako nito.
"Tiisin mo na lang muna. Uuwi na rin tayo." Malamig pero mararamdaman ang pag-aalala nito dahil sa tono. Hindi na rin ako nagsalita. Pakiramdam ko ay unti-unti akong pinapatay sa sakit. Ilang minuto pa kaming naghintay ng jeep o ng taxi na dumaan sa amin para makauwi agad mabuti nalang at pinasakay kami ng isang taxi driver kahit sinabi nitong pauwi na siya dapat.
"Isandal mo muna sa balikat ko ang ulo mo, mag rest ka muna." He said. Ginawa ko na lang din. Bago pa ako pumikit dahil sa sakit ay nakita ko pang tumitingin-tingin si manong driver sa amin.
—
RAVEN'S
"Manong, pwedeng tumigil muna tayo sa may pharmacy? Bibili lang po sana ako ng pain reliever para sa sakit ng puson ng kasama ko?" Tanong ko kay manong driver.
"Sige po, sir. Mag jowa po ba kayo?" May halong pang-aasar ang tono nito. Imbes na makaramdam ng kahit na ano ay napangiti pa ako at napatingin dito.
"Hindi po e." Kita ko ang gulat sa mukha ni manong.
"Bagay po kayo ni ma'am." Aniya at tumigil sa harap ng pharmacy store. Inayos ko muna ang pwesto ni Prima bago bumaba ng taxi.
"Ate, may pain reliever ho kayo para sa sakit ng puson?" Agad kong tanong sa pharmacist.
"Opo, wait lang." Aniya at saka muna umalis para kunin ang gamot na binibili ko. Hindi naman nagtagal ay bumalik na siya dala ang gamot na binibili ko. Binayaran ko na rin ito at saka kinuha pero bago ako umalis ay nagtanong pa ako rito.
"Ate, pwede po bang magtanong?"
"Ahh, oo naman. Ano iyon?"
"Sumasakit din po ba ang puson ninyo minsan?"
"Oo, bakit?"
"Itatanong ko po sana kung ilang minuto o oras tumatagal iyong sakit?"
"Minutes lang ang itinatagal no'n pero sa loob ng minutong iyon ay inuubos nito ang lakas ng katawan kaya mas maigi kung magrest after uminom ng pain reliever." Sagot nito.
"Salamat ho."
"Walang anuman." Aniya. Umalis na rin agad ako at bumalik na sa sakayan.
"Tara na po, manong." Agad naman nitong pinaandar ang sasakyan at hindi rin naman nagtagal ay nakarating na kami sa bahay. Nagbayad na ako rito at saka dahan-dahang binuhat ito papasok ng bahay. Sakto naman ang pagbukas ni kuya ng pintuan. Gulat pa ito nang makitang buhat-buhat ko ang tulog na si Prima. Agad akong pumasok at pinahiga muna siya sa kwarto ko at saka bumaba. Nakita ko na si kuya na nasa sala at naghihintay ng paliwanag ko.
"Sumakit bigla ang puson niya. Iyon lang." Sabi ko rito. Tumango-tango naman ito.
"Okay," Aniya.
"Matulog ka na rin. Mag lapag ka hindi naman kayo pwedeng magtabi sa iisang kama." Tsaka ako nito tinignan nang masama.
"Alam ko." Iyon na lang ang nasabi ko. Umakyat na ito sa kaniyang kwarto at ako naman ay dumiretso muna sa kusina. Uminom lang ako ng tubig.
Kumuha ako ng isa pang baso at pinuno iyon ng tubig, pinunasan ko rin ang tray at nilagay doon ang baso at ang gamot na nilagay ko lang sa mangkok para hindi sa mismong tray nakalagay pagkatapos no'n ay umakyat na ako ng kwarto at kitang hindi pa rin siya gising. Masakit pa rin kaya ang puson niya?
Napatingin ako sa kamay niyang nakapatong sa puson niya kaya naman napasuklay ako sa buhok ko gamit ang daliri. Hinanap ko sa drawer ko ang hot compress mabuti nalang at nahanap ko kaagad kaya naman agad akong bumaba at hinugasan muna at pinunasan at nilagyan na ng mainit na tubig at saka umakyat. Maingat kong ipinatong ang hot compress sa puson nito at saka ito kinumutan. Nagdadalawang-isip pa ako kung gigisingin ko siya para uminom ng gamot. Bahala na nga. Tinapik ko ito sa balikat ng tatlong beses at dahan-dahan nitong iminulat ang mga mata. Inalalayan ko itong makaupo at saka inabot ang gamot at tubig.
"Maraming salamat." Halos pabulong na nitong sabi. Ngumiti lang ako. Aalis na sana ako bitbit ang tray nang magsalita ito.
"Maaari mo ba muna akong samahan?" Hindi ako umimik kaya naman nagsalita siya ulit.
"Please?" Humarap ako dito at saka tumango, ipinatong ko ulit ang tray sa bed table. Umusog ito ng kaunti para magkasya ako. Humiga ako sa tabi niya.
"Masakit pa?" Tanong ko rito. Umayos ako ng higa at umunan ito sa dibdib ko.
"Medyo."
"Sige na, matulog ka na."
"Sige, goodnight. Salamat ulit."
"Hmm." Iyon na lang ang naging respond ko. Nakatitig lang ako sa kisame. Ilang araw pa lang kaming magkasama pero pakiramdam ko ay napakatagal na.
"Gusto kitang makilala."
"Gusto kong malaman ang lahat sayo."
"Prima."
Bulong ko rito. Nang makasiguro akong tulog na nga ito ay dahan-dahan akong umalis sa tabi niya at inayos ang pagkakahiga nito. Kumuha ako ng extra kumot at unan at lumipat sa couch. Hindi pa rin ako makatulog. Alastres na rin pala ng madaling araw.
Pinakiramdaman ko ang puso ko, ang lakas ng tibok nito pero hindi ko na iyon pinansin baka kasi pagod lang.
Ipinikit ko na ang mga mata at sinubukang matulog pero bago pa man ako tuluyang makatulog ay may naisip ako bigla.
What are we really, Primavera?
YOU ARE READING
Raining In Manila [COMPLETED]
FanfictionThis story will focus finding an answer to the question which is, "will you call it love if two broken people are together?" It also includes the different perspectives about love and life, pain, healing of the two different people.
![Raining In Manila [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/347342328-64-k984892.jpg)