07: Her Past

40 1 0
                                        

Raven's

Anong oras na ako nakatulog kagabi pero maaga pa rin akong nagising. Nang magising ako ay tulog pa rin si Prima. Agad akong naghilamos at bumaba na, magluluto na lang muna ako ng breakfast. Hindi ako nag b-breakfast pero may bisita ako kaya kailangan. Patapos na ako sa niluluto ko nang may bumati mula sa likod ko.

"Morning." Kahit hindi ako tumalikod ay alam ko na kung kaninong boses iyon. Kay Prima.

"Morning." Pabalik kong bati. Lugaw at sopas lang naman ito kasi malamig. Pagkatapos ko ngang iluto at ilagay sa table ay nagpaalam akong gigisingin ko muna si kuya para sabay-sabay na kaming kumain. Hindi rin naman nagtagal ay bumaba na rin si kuya. Halatang nag hilamos lang din siya.

Tahimik lang kami habang nakain. Para bang walang may balak na bumasag sa nakakabinging katahimikan hanggang sa hindi na yata makaya ni Prima kaya siya na lang ang unang nagsalita.

"Salamat ho sa lahat, aalis na rin po ako mamaya." Aniya.

"Uuwi ka na?" Tanong ni kuya.

"Opo."

"Sige, mag-iingat ka mamaya." Saka ito tumingin sa akin at nagsalita.

"Ihatid mo 'to mamaya." Sabi niya sakin. Tumango na lang ako dahil puno pa ang mouth ko. Ayoko maging bastos sa harap ng bisita ko baka kasi ma-off siya sa akin. Mahirap na.

"Anyway, tapos na rin ako. Mauuna na ako, may work pa." Paalam ni kuya at dumiretso na pabalik ng kwarto niya para mag ready. Kami na lang ulit naiwan.

"Dahan-dahan baka mabulunan." Sabi nito sabay inom ng tubig.

"Narinig ko lahat ng sinabi mo kagabi." Pagkasabi niya no'n ay nabilaukan nga ako kaya agad akong napainom ng tubig. What the hell? Siniguro ko namang tulog siya bago dumaldal.

"Namumula tenga mo, how cute." Pang-aasar pa nito. Halos hindi na ako makatingin sa kaniya ng diretso. Ni pati paglunok ay parang nahihirapan ako.

"Ano nga iyon? Hmm?" Sabi nito nang puno ng pang-aasar.

"Hey!" Lakas loob kong pagsuway dito na ikinatawa niya lang.

"Gusto mo akong makilala?"

"Lahat ng tungkol sa akin ay gusto mong malaman, Raven?" Natatawa nitong sabi. Halos mag close na ang mga mata ko dahil sa pinanliliitan ko siya ng tingin.

"Ang cute mo, siguro magaling lang talaga ako magpanggap." Aniya habang natatawa pa.

"Eh, tama na nga iyan. Ano naman kung narinig mo?" Pagsusungit ko rito.

"Relax ka lang, malalaman mo rin naman." Natatawa pa ring sabi nito. Napailing ako at kinuha na ang mga pinagkainan namin at nilagay sa lababo.

"Ako na, nakakahiya e." Sabi nito at kinuha sa akin ang sponge. Pinagmamasdan ko lang ito habang naghuhugas ng pinggan.

"What's your favourite song?" Bigla nitong sabi.

"Bakit?"

"Ilalagay ko sa playlist ko."

"Marami."

"Edi ibigay mo sa akin ang list."

"Marami iyon." Ulit ko.

"Edi isa lang, magbigay ka ng isa lang."

Magsasalita na sana ako pero bigla itong nagsalita.

"I'm done." Aniya at lumapit sa akin.

"Ano nga?" Tanong ulit nito. Napangiti na lang ako dahil sa kakulitan niya.

"My Treasure by Treasure, iyan na." Sabi ko rito.

Raining In Manila [COMPLETED]Stories to obsess over. Discover now