Tapos na ang dance class namin, nauna na ring umuwi ang mga kaibigan ko dahil may mga susunod pa silang errands. Ayaw ko pa rin namang umuwi kaya naman ay tumambay muna ako sa Mcdo. Umorder na rin agad ako para hindi nakakahiya. Fries and sundae lang ang inorder ko dahil hindi naman ako magtatagal dito. Nang matapos na akong kumain ay niligpit ko ang mga kalat at umalis na rin. Hindi ko alam kung saan na ang susunod kong punta pero ayoko pa talagang umuwi kaya naman bahala na si batman.
Hanggang sa mapadpad ako sa isang parke. Tahimik at maaliwalas, may mga batang naglalaro. May mga iilan na sa tingin ko ay mga high school na nagchichikahan at nagpapahinga. Lumapit ako sa may swing at laking gulat ko nang may babae pala sa katabing swing nito. Napakibit-balikat na lang ako at lumapit dito. Ayoko naman na maging bastos at kung sakali ay mapahiya kaya nagtanong muna ako.
"Miss, may kasama or may hinihintay ka ba?" Tumingin naman ito sa akin at saka umiling.
"Dito muna ako ah?" Tanong ko ulit dito. Akala ko ay tango o iling ang isasagot nito sa akin pero hindi pala. Mabuti naman.
"Sige lang." Ilang segundo pa kami nagkatitigan after niya sabihin iyon bago siya umiwas ng tingin at umupo nga ako sa jatabing swing nito. Nanibago lang ako sa boses niya. Hindi kasi iyon iyong ordinaryong boses ng babae. May pagkamalalim ang kaniya pero hindi naman masakit sa tenga.
"Thank you," Ang nasabi ko pagkaupo ko sa swing.
"Okay," Iyon na lang ang nasabi nito. Ang awkward pero okay na ito.
"Pwede bang magtanong?" Aniya.
"Yeah, ano iyon?"
"Are you clean?" Matagal bago ako sumagot dahil inisip ko pa kung ano iyong tinutukoy niya. Marami naman kasing ibig sabihin iyon, hindi ba?
"Yes, why?" Balik kong tanong dito.
"Nothing." Maikling sagot nito.
"Here," Sabay bigay ko sa kaniya ng panyo. Ngumiti ako rito at saka in-insist na kunin na niya ito. Mukhang malalim ang pinagdadaanan niya kaya hindi niya pa namalayang lumuluha na pala siya.
Maliit din naman ang mata niya, cute nose, and maganda rin ang labi niya. Chinita siya and shoulder level ko lang siya. Short hair din siya. Tahimik lang kami pero kahit gusto ko nang umalis ay hindi muna ako umalis. Siguro naman mapapagaan ko pa rin ang loob niya kahit papaano dahil hindi ako umalis agad. Hindi ko rin kasi alam kung paano ba mag comfort. Pasulyap-sulyap din ako rito. Nagtataka ako kung ano kayang dahilan ng pag luha niya.
"Matutunaw ako niyan," Sabay tawa nito. Napangiti ako dahil sa sinabi nito at natawa rin lang kalaunan.
"Sana gumaan na kahit papaano ang nararamdaman mo." Iyon na lamang ang nasabi ko.
"Salamat!" Sabi niya. Mabilis ding lumipas ang oras pero hindi ako naiinip tumambay dito, sa palagay ko ay ganoon din sa kaniya.
"Saan?"
"Dahil hindi ka umalis agad." Maikli nitong sabi sabay tingin sa akin at ngiti. Tumango naman ako at ngumiti rin pabalik.
"Maliit na bagay." Iyon na lamang ang nasabi ko.
"Anyway," Sabay tayo ko at pumaharap sa kaniya.
"I got'ta go. Nice meeting you!" Sabay lahad ko ng kamay ko. Tumayo rin ito mula sa swing at saka tinanggap at nakipagkamay sa akin.
"Nice meeting you, ingat!" Tumalikod na ako rito at saka inangat ang kanang kamay ko at naglakad na palayo sa kaniya.
Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam kapag kahit papaano ay may nacomfort kang isang tao. Nakakapagod ang araw na ito pero hindi ko masyadong naramdaman dahil siguro sa sinabi nito sa akin. Nakakatuwa lang na na-appreciate ng ibang tao ang maliit na ginawa mo kahit na hindi ka naman sure kung gets nila ang maliit na bagay na ginawa mo lalo na kung they're in their lowest.
Masyado na yata akong maraming iniisip ngayong araw kaya naman mabuti na rin kung makakauwi na agad ako at makapagpahinga. Lalo na at maaga ako bukas. Well, I'm not sure and i'm expecting na magkikita ulit kami. Bahala na kung mag cross man ang landas namin someday. It's just that, i'm feeling good.
YOU ARE READING
Raining In Manila [COMPLETED]
FanficThis story will focus finding an answer to the question which is, "will you call it love if two broken people are together?" It also includes the different perspectives about love and life, pain, healing of the two different people.