20: EPILOUGUE (Truth Revealed)

43 2 0
                                        

Raven's

Katatapos lang ng performance namin. Kabilang kasi kami sa mga group na naimbitahan para magconcert dito sa bansang China. Maayos din itong natapos.

Mabuti na lang at may foreign language na subject sa college, so may mga alam na rin kaming basics before pa kami turuan ulit pagkalipad namin ng Korea and studied hanguel and other basic languages para kahit papaano ay hindi kami mahirapan makipag communicate sa mga sumusupporta sa amin. I still remember kung paano kami nagsimula. Ang sarap lang ding balikan ang mga alaala dahil doon ko nakikita o makikitang ang laki na rin ng improvements at pinagbago ng fanbase ng grupo namin. 

Ngayon nga ay pauwi na kami. Makakapagpahinga na rin kaming lahat sa wakas. Ilang oras rin kami sa venue para mag perform and to support other artist. Habang patagal nang patagal kami sa industry na ito ay natututuhan naming we should always cherish wlthe moments that give us happiness. Maliit man na bagay o malaki. Natututuhan naming palaging magpakumbaba and mas maging professional. Marami na rin kaming na-improve.

Maya-maya nga ay sinabihan na kaming nakarating na kami sa aming destinasyon. Ay ganern, yes ganern! Anyway, I sounded like a girl but anyways, sabay-sabay kaming pumasok, and luckily wala nang mga nakaabang na fans dahil natatakot din kaming baka may malagpasan kaming hindi mapasalamatan at ikasama pa ng loob nila. Sa wakas ay nasa dorm na. May sarili rin kasing dorm ang mga artists kapag pumupunta kami rito para magperform or umattend ng activities and such. Kahit na alam ko rin sa sarili kong marami na akong na-achieve and I must be proud of it, pakiramdam ko hindi ko pa rin naaachieve iyong pinakamalaking goal ko.

"Finally! Makakapagpahinga na rin tayo!" Ani ni Lyle.

"Right!" Sabay-sabay naming sabi.

Pagkabukas ng room ay agad kaming pumunta sa mga kaniya-kaniya naming pwesto at humiga. Ramdam na ramdam namin ang pagod namin pero pare-parehas din kaming hindi makatulog.

"Inaantok na ba kayo?" Tanong ni Lyle.

"No." Sabay-sabay naming sabi.

Matagal bago ulit may bumasag sa katahimikan. Sa pagkakataong ito, si Lyle ulit.

"Give me a minute, i-la-loud speaker ko na ha?"

"Sino bang tumatawag?" Tanong ni Macky.

"Kylie."

"Alright."

Sinagot naman iyon ni Lyle. At first, kinamusta muna ni Kylie kung kumusta ang performance namin and Lyle said na it was fine. Smooth ang naging daloy nito. Sinabi niya ring nakauwi na kami sa dorm at nagpapahinga, hindi nga lang makatulog. Natuwa naman si Kylie dahil doon and even congratulate us sa succesful na performance namin.

"Ehh, so when ang balik niyo sa Korea?"  Tanong ni Kylie.

"Next week pa."

"Alright. May gagawin kayo bukas or this week?"

"Wala naman, bakit? Binigay itong week na ito para makapagpahinga kami since tuloy-tuloy din ang pagpeperform namin." Paliwanag ni Lyle.

"Great!" Nagulat pa kami sa sigaw nito. Halata ang tuwa sa boses nito. May naririnig pa kaming bulungan mula sa kabilang call pero hindi rin namin masyadong maintindihan.

"A-Ahh, hi?" Lahat kami ay napabalikwas ng pagkakabangon dahil sa boses na iyon. Agad na pinasa sa akin ni Lyle iyong phone.

"P-Primavera?" Kinakabahan pero deep inside natutuwa ako.

"Raven, hey." Aniya.

"Kumusta?" Aniya. Hindi ako makapagsalita.

"I miss you so much, Prim." Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.

Raining In Manila [COMPLETED]Stories to obsess over. Discover now