Raven's
Ilang oras na kaming nakakulong sa museum. Maraming dugo na rin ang nawala kay Prim. Unti-unti rin kaming inuubos sa loob. Walang mararamdaman kung hindi puro takot at pangamba sa kung anong pwedeng mangyari sainyo.
"Let us go, this is enough." Kalmadong sabi ko. Umiling ito at muling itinutok sa amin ang baril, ganoon din ang ginawa ng mga kasamahan niya.
"Kung hindi tayo makakaisip ng paraan para makalabas dito ay hindi malabong mamatay ang mga kasamahan natin or worse pati tayo madamay sa mga mamamatay." Rinig kong bulong ng isang babae sa kasamahan nito na nasa tabi ko lang din. Nagpalabas ako ng malalim na hininga. Ibibilin ko muna si Prim sa babae at saka dahan-dahang tumayo at lumapit sa lalaki.
"Dyan ka lang!" Aniya. Pero hindi ako nakinig at wala akong balak makinig.
"Sabing dyan ka lang! Titigil ka o sabay-sabay tayong mamamatay dito sa loob?" Galit nitong sabi. Tumigil ako at pinagmasdan ang kamay nito. Nanginginig siya. Alam kong natatakot din siya pero wala siyang choice dahil nasimulan niya na.
"Pakawalan mo kami." Mahinahong sabi ko rito.
"Bakit?"
"Ayaw pa naming mamatay." Deretsong sabi ko.
"Itigil mo na ito. Tama na ang mga ilang nakahilata riyan." Tumingin ako sa paligid. Nang masiguro kong medyo kalmado na ang taong nasa harap ko ay dahan-dahan akong lumapit dito at kinuha sa kamay niya ang baril nito.
"Pakawalan mo kami." Pakiusap ko rito.
Agad itong nakipag-agawan sa baril. Hindi ko pwedeng hayaang makabalik ulit ang baril sa mga kamay niya. Hanggang sa maputok namin ito pareho.
"Labas na!" Sigaw ko sa mga kasamahan naming nasa loob. Tumingin pa ako sa babae at tinanguhan ko ito. Kailangan ko silang mailabas dito nang sa ganoon ay may makahingi ng tulong. Patuloy pa rin kami sa pag-aagawan ng baril. Hanggang sa kami na lamang ang natira dito sa loob.
"Bakit mo ito ginagawa?" Tanong ko rito.
"Gusto kong ipaghiganti ang kapatid ko." Nanggagalaiting sabi nito.
Patuloy pa rin kami sa pag-aagawan hanggang sa aksidenteng maiputok ang baril dahilan para mapasalampak ito sa sahig. Kita ko kung paano ito sumigaw sa sakit at kung paano ito mahirapan dahil sa sugat.
"Ikaw ang bumaril sa sarili mo. Itigil mo na ito." Pagkatapos no'n ay umalis na ako rito sakto naman ang dating ng mga pulis at ang ambulansya. Napailing ako. Kahit kailan ay napakabagal nilang kumilos. Mapasadrama man o sa totoong buhay. Tinanong pa ako ng isang pulis kung wala akong kahit ni isang sugat. Tumango ako at sinabing maayos lang ako. Nagpaalam din akong aalis na dahil kailangan kong pumunta sa pinakamalapit na ospital.
Pagkarating ko nga ay nakita ko agad ang babaeng pinagbilinan ko kay Prim kasama ang lalaking sa tingin ko ay karelasyon niya. Lumapit ako agad sa kanila at tinanong kung maayos lang ba sila.
"Hindi pa lumalabas ang doctor." Sabi ng babae.
"Maraming salamat." Iyon na lang ang nasabi ko.
"Maraming salamat dahil nakalabas tayo sa museum." Sabi ng lalaki.
"Nga pala, ito iyong mga gamit niya." Sabay bigay sa akin ng bag ni Prim. Kinuha ko naman iyon at nagpaalam.
"Mauuna na kami ha?" Paalam sa akin ng babae.
"Sige. Mag-iingat kayo."
Umalis na rin agad sila pagkatapos no'n. Kinalkal ko agad ang bag ni Prim. Napabuntong-hininga ako nang makuha ang phone nito sa loob ng bag. Mabuti na lang at alam ko ang password nito.
Kanina pa ako nagpapalakad-lakad ng back and forth dahil kinakabahan ako at nag-iisip pa kung tatawagan ko ang unang makikita ko sa contacts ni Prim. Ayoko na sana pero ayoko rin namang magsinungaling sa kanila lalo pa at may karapatan naman silang malaman kung ano ang nangyari kay Prim. Bumuga ako ng hangin at saka napasuklay ng buhok.
"Bahala na!" Iyon na lamang ang nasabi ko at saka dinial ang unang tao na nakita ko sa contacts ni Prim. Kylie. Iyon ang unang bumungad sa akin kaya siya na nadial ko.
"Hello?" Bati nito.
"Ahh, hello." Panimula ko.
"Si Prim? Nasaan? Bakit?" Sunod-sunod nitong tanong sa akin. Matagal bago ako sumagot pero bahala na.
"Hindi ko alam kung sino ang pinakamalapit kay Prim pero number mo ang unang nakita ko sa contacts niya kaya ikaw na ang tinawagan ko. Ang totoo niyan ay nasa ospital kami. Mahabang kwento, isa siya sa mga nabaril."
"What the hell?!" Gulat nitong sabi.
"I-text mo kung saang ospital. Papunta na ako." Aniya at saka pinatay agad ang tawag. Agad ko namang tinext sa kaniya ang location.
Tinawagan ko rin si Jude, Wins at Macky para may kasama ako. Pakiramdam ko ay mababaliw ako dahil anong oras na pero hindi pa lumalabas ang doctor. Hindi rin naman nagtagal ay nakita ko na sila Jude.
"Kumusta?" Bati agad nito na ikinailing ko.
"Tumigil ka na kakalakad ng back and forth. Naduduling na kami e." Sabi naman ni Wins.
"Tubig oh." Inabutan ako ng tubig ni Macky at kinuha ko naman iyon saka uminom. Hindi pa rin ako mapakali.
"Hindi pa rin ako mapakali." Sabi ko sa kanila.
"Magiging okay din siya, dude." Sabay tapik ni Jude sa balikat ko.
Gusto kong mag mura pero ni isang mura ay walang lumalabas sa bibig ko. Habang patagal na patagal ay hindi ako pinatatahimik ng kaba at takot na nararamdaman ko. Maya-maya pa'y may nakita na ako mula pa sa malayo na tumatakbo palapit sa aming babae.
"Raven/Lyle!" Sabay naming sabi ni Lyle. Siya pala iyong kasama ng Kylie.
"I'm Kylie. We already met before sa sm. Kumusta siya?" Tanong agad nito.
"Kanina pa sila sa loob. Hindi na rin ako mapakali." Sabi ko rito.
"Dude, magiging okay din siya." Sabay tapik ni Lyle sa balikat ko.
Magsasalita pa sana ako nang lumabas na ang doctor mula sa E.R. Agad akong lumapit dito at tinanong ang kalagayan ni Prim.
"Ligtas na siya, pero marami ring dugo ang nawala sa kaniya kaya natagalan ang proseso. Mabuti na lamang at may nahanap agad kaming ka-blood type niya but for now, kailangan nating hintayin kung kailan siya magigising." Aniya.
Nagpaalam din agad ito. Sinabihan din kaming ililipat si Prim sa private room maya-maya lang.
"It's okay, dude. She's already safe." Sabi ni Lyle.
Nang mailipat sa room si Prim ay agad kaming tumabi rito. Hindi ko maiwasang matakot pa rin. Pakiramdam ko ay parang may mali pa rin pero hindi ko na iyon inisip pa.
"Thank you for coming, guys. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko. Pakiramdam ko kanina noong wala akong kasama ay mababaliw na ako kakaisip ng kung anu-ano." Pagtatapat ko sa mga ito.
"It's okay, maliit na bagay."
"She'll wake up soon, bro." Sabi ni Wins. Tumango na lang ako.
Nakakapagod ang araw na ito. I just want to spend some time with her amd make another happy times with her but shit happens. Damn it.
YOU ARE READING
Raining In Manila [COMPLETED]
Fiksi PenggemarThis story will focus finding an answer to the question which is, "will you call it love if two broken people are together?" It also includes the different perspectives about love and life, pain, healing of the two different people.
![Raining In Manila [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/347342328-64-k984892.jpg)