Raven's POV
A year and 4 months had passed. Marami na ring nagbago, natapos na rin ang survival show na masasabi ko rin namang inaabangan ang mga bawat episodes. Nakauwi na rin ako. I used to doubt myself kung maaabot ko ba ang sarili ko, kung may mapapatunayan ba ako o kung maaabot ko ba ang expectations ng mga tao sa akin and when the final episode happened and was aired, doon ko lang narealise na as long as you believe in yourself, worked and prove yourself and doing your very best, may it not be that early to achieve your goals and aim and dreams in life, you will have it. It will come true.
Iyon na yata iyong pangalawang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. After how many self doubt, ilang practice and accidents ang napagdaanan namin sa loob ng camp at sa pag peperform namin sa stage, at the end, napatunayan ko iyong sarili kong may maaabot ako. May patutunguhan ako. Kinakabahan ako noong inaannounce na sino ang mga hindi makakapagdebut at makakapagdebut. Fortunately, ako ang pinakahuling natawag na kasali sa magdedebut.
"Nak, may isang buwan ka pa bago kayo tuluyang lumipad pa-korea." Agad akong bumalik sa wisyo nang marinig ko iyon. Bumuntong-hininga ako at inilagay sa gilid ang phone ko.
"Mom?"
"Hmm?"
"Tell me the truth, hindi pa rin ako mapakali. Nasaan siya?"
"Nak, sa palagay ko, gamitin mo muna itong binigay ng agency niyo na time para magpahinga dahil magiging busy kayo ulit kapag nakarating na kayo sa Korea." Aniya habang tinatapik ang nalikat ko. Bumuntong-hininga ako.
Ilang araw, linggo at buwan din simula nang matapos ang show at malaman kong hindi na pala sa bahay nakatira si Prim. Walang nakakaalam kung saan siya nagpunta. Pati sariling mga magulang nito ay walang balita sa kaniya pero hindi rin ako pwedeng magkamali na sa final episode ng show, nakita ko siya mula sa malayo, nakangiti at pumapalakpak sa akin.
Kaya kong ihiwalay ang personal problems ko sa work ko, kaya hindi rin ako nahihirapan at nasanay na akong ganoon pero sa tuwing mag-isa na naman ako ay hindi ko maiwasang isipin kung nasaan siya, anong ginagawa niya at kung maayos ba ang kalagayan niya. Marami akong gustong itanong sa kaniya pero hindi ko alam kung papaano ako makakukuha ng kasagutan sa mga tanong na nasa isip ko.
"I miss her so bad, mom." Sabi ko rito.
"I want to be with her again, I miss her hugs, her voice. Everything that is related to her. I miss everything, mom." Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na napigilan pa ang sarili kong umiyak sa harap ng mama ko.
It's just that. . .
I hold these emotions for too long and I can't just take it anymore. I can't just hide it anymore. I am in pain and I can't just do anything to at least ease it. Hindi ko aakalaing kung sino pa iyong naging dahilan ng pagtawa, pag ngiti at nagbigay ng kulay sa buhay ko ay siya rin pala ang magiging dahilan para makaramdam ako ng pain, pag-iisa, lungkot. Ilang buwan ko rin siyang hinahanap pero wala. Hindi ko siya makita, hindi ko siya mahanap.
"I just hope and wish that one day, mag cross ulit ang landas namin." Bulong ko. Ngumiti lang si mom sa akin at saka ginulo ang buhok ko.
"Mom, punta na muna ako sa room ko."
"Alright." Aniya.
Agad akong pumunta sa room ko at tumambay muna saglit sa veranda. Napakaganda ng view. Wala iyong buwan, pero marami na ang mga bituin.
"Saan ka na? I've been waiting for you at patuloy pa rin ako sa paghihintay sayo."
Pagkatapos ko sabihin iyon ay bigla na lang humangin, dinama ko ang pagdampi nito sa balat ko. Para bang may yumayakap sa akin. Pumasok na rin agad ako at kinuha ang gitara ko. Kapag nalulungkot ako at namimiss siya, I always play my guitar at kumanta na lang para maibsan ang pagkamiss ko sa kaniya.
Mag strum na sana ako pero Bumuntong-hininga ako at ibinalik ang gitara. Mag sasoundtrip na lang ako. I just feel like not doing anything. May mga times ding inaaya ako nila Jude para lumabas pero dinedecline ko. Hindi muna sa ngayon. I just want to spend this rime for myself.
Ni-search ko na rin sa youtube ang kantang gusto kong pakinggan.
It's been raining in manila, hindi ka ba nilalamig,
It's been raining in manila, hindi ka ba nilalamig,
But if it's raining in manila, hindi kita maririnig,
Nakahiga, mag-isang nanginginig,
So, I'll be waiting in manila kahit di ka na babalik.
Yes, i'm still here waiting for you at hihintayin pa rin kita kahit alam kong malabo kong bumalik ka pa. Naghihintay pa rin ako kahit na alam kong hindi ka na nga babalik.
Maulan ba sainyo pag bumubuhos dito?
Paumanhin at mukhang hindi ko masasabayan ang 'yong yapak, sa pag ngiti at pag-iyak,
Sa paglipad at pagbagsak ng araw-araw,
Sa pagpikit na lang kita matititigan sa mata,
Sa panaginip na magpapaligaw,
Kumusta ka na? Kahit wag nang sagutin,
Di ba nawala ang kintab ng bituin,
Sana ganon ka pa rin.
Sana nga ganon ka pa rin, sana ikaw pa rin iyong babaeng nakilala at minamahal ko hanggang ngayon. Katulad nang sinabi sa kanta, ganoon din ang nararamdaman at gusto kong sabihin sa kaniya.
Kumusta ka na? Marami akong gustong itanong sa kaniya pero mukhang hindi ko na matatanong dahil hindi ko alam kung mag c-cross nga ba ulit ang landas naming dalawa.
Manila, this place hold so much memories sa amin ni Prim and now, nandito pa rin ako sa lugar kung saan niya ako iniwan.
We didn't talk for months pero siya pa rin at pinapangako kong kahit saang sulok man iyan ng mundo, titiyakin kong mahahanap at makakausap ko ulit siya. Hindi man ngayon, hindi sa susunod na buwan, hindi sa susunod na taon, pero titiyakin kong magkikita ulit kami at sa pagkakataong iyon, hindi ko na hahayaang mawalay pa ulit siya sa akin.
Damn I miss you so much pero kaya ko pang magtiis. Mananatili akong sayo hanggang sa marinig ko na mismo galing sa bibig mo na itigil na natin kung anong meron sa atin.
YOU ARE READING
Raining In Manila [COMPLETED]
FanfictionThis story will focus finding an answer to the question which is, "will you call it love if two broken people are together?" It also includes the different perspectives about love and life, pain, healing of the two different people.
![Raining In Manila [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/347342328-64-k984892.jpg)