Raven's
The day after christmas ay bumalik na ako ng camp. I already miss her pero wala akong magagawa, alam ko namang mahihintay ko siya. After that incident ay hindi na upit kami lumabas pa ulit, lagi na lang kami sa bahay dahil natatakot akong baka may mangyari ulit na masama at baka madamay na naman siya at lalo na ng ibang tao. Tahimik lang ako noong makabalik ako ng camp. Hindi mawala sa isip ko iyong nangyari sa kaniya. Sa tanang buhay ko ay hindi pa ako nakaramdam ng ganoong takot not until mapahamak kami at matamaan siya ng bala.
"Hey, bro! You okay?" Tanong sa akin ni Lyle.
"Yeah, okay lang ako." Sabi ko rito. Tinapik ako nito sa balikat at saka tumabi sa akin.
"Kumusta si Prim?" Tanong nito.
"Maayos na, nagpapalakas na rin siya."
"That's good." Aniya. Napabuntong-hininga na lang ako.
"Anyway, tara? Practice?" Pag-aaya nito.
"Sige, tara!" Tinulungan ako nitong tumayo at saka pumunta na kami ng practice room.
Out of 62 ay 26 na lang kaming natitira. 7 ang kukunin at magdedebut sa bansang Korea under LMD Entertainment. Pupusan na rin ang pagpapractice ngayon dahil hindi namin alam kung hanggang kailan kami rito. Kung sino-sino ang matitira. Lahat kami nakasalalay sa votes ng mga madla. Aaminin ko ring kinakabahan ako pero hindi ako pwedeng panghinaan ng loob ngayon. Lahat kami ginagawa ang effort namin para mapatunayang deserve naming mag debut.
Alam kong habang inaabot ko ang pangarap ko rito ay busy din si Prim para maabot ang pangarap niya sa labas. I'm just lucky to have her and I'm lucky na siya ang naging kasintahan ko dahil hindi ko kailanman na-feel na napipilitan lang itong supportahan ako sa mga bagay na gusto kong gawin.
Maya-maya pa'y dumating na nga rin sila Miguel. Mukhang nirecruit din ni Lyle para sumali sa aming mag practice. Every saturday at sunday pinapalabas ang episode ng show na ito. Nakakatuwang marami na ring tumututok na sa amin. Sa susunod na linggo na nga rin ay malalaman kung sino-sino ang matatanggal at matitira kaya hindi rin maiwasang kabahan kaming lahat ngayon pa lang.
"Tara na, tara na. Iyan, the more the merrier." Sabi ni Lyle. Natawa lang kami.
Pumwesto na kaming lahat at saka ni-play na nito ang kantang sasayawin namin. Actually, nahati-hati kami sa group.
Busy kami sa pagpapractice nang biglang may pumasok at nakita naming isa iyon sa mga pinakastriktong mentor. Hindi na rin kami tumigil muna sa pagpapractice dahil tumango ito senyales na ipagpatuloy lang namin ang pagpapractice. Hanggang sa matapos na nga ang kanta. Lahat kami ay lumapit dito.
"Perfect, guys! You made me impressed again this time!" Pumapalakpak pang ani nito. Natuwa naman kami.
"Raven?"
"Yes?"
"Are you the one that's in the center?"
"Ahh, yes." Magalang na sabi ko rito. Kalmado lang naman ako pero hindi ko mapigilang kabahan dahil sa ritig nito na akala mo pati iyong kaloob-looban at kaluluwa mo ay hinuhusgahan nito. Tumingin din ako sa mga kagrupo ko at mukhang pare-parehas kami ng nararamdaman.
"Great job! It suits you being the center!"
Doon kami nakahinga nang maluwag.
"Your faces can't be paint." Natatawa nitong sabi na ikinatawa rin namin. Sa pagkakataong ito ay wala kaming nakuhang any negative feedbacks sa mga mentors namin. Nakakatuwa lang.
Malayo pa pero malayo na.
Iyan ang sabi sa amin ng isang mentor. Sa tuwing nakakaramdam kami ng doubt sa sarili ay tumingin lang kami sa mga pinanggalingan namin. From the very first episode until today. We're still here, fighting and chasing and achieving our dreams.
Pinayagan din muna kaming gumamit ng phone para makipagusap sa mga panilya namin. I started dialing her number pero walang nasagot. Laging unattended kaya naman tinawagan ko si Mommy. After ilang dial ay sumagot din ito.
"Anak, kumusta? I miss you so much!" Bungad nito. Napangiti naman ako dahil doon.
"I miss you too, mom. Maayos lang ako dito. Kayo?" Balik kong tanong.
"Okay lang din kami."
"Si Prim po?"
"Ay 'nak, pasensya na pero naka-off kasi ang phone ni Prim at busy pa mag aral. May oral recitation daw kasi sila bukas about law." Aniya pero hindi nakatakas sa akin ang kaba sa boses niya. Itatanong ko pa sana pero pinili kong huwag na lang at sinabing ako ang napiling maging sentro ng group para sa performance namin.
"Great! I know you'll do great! Congrats 'nak!" Aniya.
Marami pa kaming napagkwentuhan at nasabi ko ring nagkataong kagrupo ko ngayon ang mga kaibigan ko, dahilan para matuwa ito lalo. Maya-maya pa'y nakarinig ako ng kalabog dahilan para makaramdama ako ng kaba. Hindi ko alam pero parang nabuhay na naman ang takot at kaba ko nang marinig iyon.
"Nak? kailangan ko na munang ibaba ang tawag. Ingat ka riyan ha? Mahal na mahal kita!"
"I love you too, mom! Pasabi kay Prim tumawag ako ha? I miss her."
"Sure nak! Miss ka na rin no'n."
Sabay baba nito ng tawag. Napabuntong-hininga na lang ako at saka pumunta sa room. Kami rin ang makakaroom mates nila Lyle since mas mabuti na raw iyon at least mabilis makipagcommunicate sa mga kagrupo.
Pagpasok ko pa lang ay nakita ko na dilang nakahiga sa kaniya-kaniyang mga kama.
"Hoy, ano nangyari?" Tanong ni Jude.
"May problema?" Segunda pa ni Miguel.
"Nakabusangot ka, ano nangyari?" Sabi ni Lyle at tumango-tango lang sila Macky at Wins.
Nagsiayos ito ng mga upo kaya naman tumabi ako kay Lyle at Jude since iyon ang may mas malawak na space.
"Kwento ka, makikinig naman kami kuya." Ani ni Wins.
"Tumawag kasi ako kay Mommy since hindi nasagot ng tawag si Prim. sa kalagitnaan ng pagkukumusta naming dalawa may narinig akong malakas na kalabog. Para bang may nalaglag na mabigat na bagay. Hindi rin nakatakas sa akin iyong kaba at takot sa boses ni Mommy." Sabi ko sa mga ito.
"Ano kaya iyon? Sa tingin mo?" Tanong ni Miguel.
"Hindi ko rin alam, pero sigurado akong hindi iyon basta bagay lang." Sabi ko.
"Try mo kayang tawagan ulit si Prim?" Sabi ni Macky.
"Sige, subukan ko." Sabi ko at dinial ulit ang number niya. Nakatatlong try na rin ako pero wala talaga. Nagkatinginan kaming magkakaibigan at mukhang iisa lang ang nasa isip namin. Hindi kaya si Prim iyon?
"Hindi kaya si Prim iyon?" Tanong ko sa kanila.
Pati sila ay hindi makasagot. Hay, mas lalo akong nakakaramdam ng kaba at takot.
"Malapit na matapos ang show, dude. Isipin mo na lang kailangan mo munang tapusin at manalo sa show na ito para makauwi ka na agad at malaman kung ano talagang nangyayari kay Prim. Hindi ba't noong nakaraan pa hindi niya sinasagot ang tawag mo?" Tanong ni Jude. Tumango ako at saka bumuntong-hinunga.
"Konting tiis pa dude." Sabi ni Lyle at tinapik ang balikat ko.
Bunalik na rin kami sa kaniya-kaniya naming pwesto dahil maaga pa ulit kami bukas para mag last practice dahil kinabukasan no'n ay performance na.
Bago ako matulog ay tinext ko pa ang isang kaibigan ko at kaklase niya. Gusto kong malaman kung safe ba si Prim pero mas lalo akong kibahan at nakaramdam ng takot pati na ng gulat sa nabasa ko.
"Dude, ilang araw nang hindi napasok si Prim. Pero may time na habang on going ang discussion ay bigla itong natumba. Dude, wala rin siya sainyo, walang nakakaalam kung nasaan siya. Hindi rin namin siya macontact kaya hindi na rin malabong i-drop siya."
Nagpasalamat ako rito at saka kinalma ang sarili.
Isang tanong na lang ang nasa isip ko ngayon.
Where are you, Primavera?
YOU ARE READING
Raining In Manila [COMPLETED]
FanfictionThis story will focus finding an answer to the question which is, "will you call it love if two broken people are together?" It also includes the different perspectives about love and life, pain, healing of the two different people.
![Raining In Manila [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/347342328-64-k984892.jpg)