Primavera's
Ilang araw din akong hindi umuwi sa amin dahil nagpagaling pa ako. Hindi rin ako pinayagan ni tita Cy na umuwi kahit medyo kaya ko naman na ang sarili ko at medyo bumaba naman na ang lagnat ko no'n. Ilang araw din akong kinukulit nila Dad sa call na umuwi na. Nakakapagod na rin sila pakisamahan kaya naman ilang araw din akong nag-isip kung anong gagawin ko. Either I'll choose myself over them to be free from them na nag c-cause ng pagbagsak ng mental health ko or mag suffer na lang at pakisamahan pa rin sila? And it made realise that tita Cy is correct. That's why, now, I'm choosing myself over them. I'm choosing my happiness over them. Ilang araw na rin ako dito kina Raven.
Pakiramdam ko nakilala ko na siya and nakilala na namin ang isa't-isa. Nagpaalam si Raven na may errands siya ngayong araw kaya naman kami na lang ni tita Cy ang naiwan sa bahay ngayon. Umupo kami parehas sa mini-garden nila.
"Tita, talaga bang cold si Raven?" Tanong ko rito. Natawa ito at saka natawa.
"Masasabi kong oo, ganoon na iyon simula pa noong bata e pero he's warm." Sagot naman ni tita.
"Tita?"
"Hmm?"
"Marami na siyang nalalaman sa akin e, tas maliban sa fave niyang kanta ay wala na akong alam sa kaniya. Pwede niyo po ba akong kwentuhan tungkol sa kaniya?"
"Okay!" Sabi naman ni tita.
"Hmm, so, noong bata pa siya 5 years old when he started singing. Simula no'n nakahiligan na niya iyon and kapag nakikipaglaro siya sa mga kids sa kapit-bahay, they always play a song which is dugtungan ng lyrics. They enjoyed it a lot and then noong nag 8 years old siya, nakikita ko na siyang sumasayaw-sayaw hanggang sa mag improve siya nang mag improve."
"Aww, he's talented then." Sabi ko rito.
"May kwento rin ako about sa crush niya noong grade 5 siya."
"Ano iyon tita?"
"He used to play with her sa park. Lagi rin niya iyong binibigyan ng pitas na flower sa tabi-tabi. They're always together kaya nga inaasar sila palagi not until the girl rejected Raven kasi mataba siya dati pero hindi naman as in mataba na bata. Sabi ng girl ayaw niya raw sa mga chubby guys so Raven accepted the rejection and started working out until pumayat siya at magkita sila ulit pero he rejected the girl. He lets her taste her own medicine." Natatawang sabi ni tita kaya naman natawa rin ako.
"Kwentuhan kita." Agad kaming napatingin sa likod ni tita at nakitang nandoon si Raven at mukhang kanina pa siya roon. Mukha ngang nairnig niya iyong kinwento ni tita kanina sa akin tungkol sa kaniya e.
"Sige, ano?" Sabi ko rito.
Umupo ito sa upuang nasa gitna namin ni tita at saka tinanggal ang jacket niya. Uminom din muna siya ng tubig at saka tumikhim, tila ba bumwebwelo pa kaya natawa kami ni tita.
"So, okay. Kwentuhan kita." Pag-uulit nito.
"Alright!"
"I feel like I'm being unfair to you because you already shared a lot of stories about yourself to me and I didn't tell any of my stories to you, so okay. Let me share this one. Let's start with this one."
"Uh-huh,"
"You know, I don't know how to start pero please don't feel any negative. Gusto ko lang itong ikwento para alam mo ang nangyari sa amin ng ex ko. But I swear, wala na akong any feelings sa kaniya. I promise." Kabado pang sabi nito kaya natatawa kami ni tita. Hinawakan ko ang kamay nito at saka nagsalita.
"Go ahead. Hindi ako selosa and I can see that you're already healed with her so I don't have any reason to be worried or to be jealous."
"Alright."

YOU ARE READING
Raining In Manila [COMPLETED]
FanfictionThis story will focus finding an answer to the question which is, "will you call it love if two broken people are together?" It also includes the different perspectives about love and life, pain, healing of the two different people.