Raven's
Apat buwan na rin simula noong mag air ang survival show na Chasing Dreams under SBA-NBC Ent at Korea Kamp at LMD Ent. Sa loob ng dalawang buwan na iyon ay marami na rin kaming napagdaanan sa loob. May mga naging kaibigan na bago, natuto rin kaming magkaroon ng mas maingat at malalambg communications sa isa't-isa dahil kailangan iyon sa tuwing nagpeperform at kapag nag-uusap kami tungkol sa lines na kakantahin. So far, maayos kaming lahat dito pero iyon nga lang, may mga ups and downs din naman kaming nararanasan dito sa loob ng camp. Kagaya na lamang sa tuwing inaanunsyo na kung sino ang matatanggal sa amin. Masakit pa rin dahil may mga pinagsamahan kami pero wala kaming magagawa kung hindi ang tanggapin iyon dahil iyon ang dapat gawin. Two days from now is a christmas day kaya naman pinayagan muna kaming umuwi para makasama ang mga pamilya namin sa pag celebrate ng christmas at ang i-i-ere muna ay ang mga masasayang activities na nangyari sa loob ng camp. Ayaw nilang i-celebrate ng mga sumusupporta sa show na malungkot ang christmas kahit papaano kaya naman nag decide silang iyong mga masasayang activities muna ang i-air hanggang sa matapos ang christmas. Kaniya-kaniya na kaming nag pack ng mga gamit para makauwi pansamantala. Sa loob ng apat na buwan, marami na rin ang nalagas sa amin. Masaya pa rin kahit papaano lagi akong naililigtas dahil sa boto ng madla at syempre nalulungkot kapag may mga natatanggal na.
Anyway, as long as nandito ako, gagawin ko pa rin ang best ko just to prove at them na hindi sayang ang botong nilalaan nila sa akin para lang hindi ako matanggal sa show. Ayoko rin pang umuwi dahil hindi pa ako handa. Gusto ko itong abutin at hangga't nandito pa ako aabu5in ko ito kagaya na lamang ng ipinangako ko sa kaniya bago ako pumasok ng camp.
Sumakay na kami sa van, ihahatid kasi kami sa mga kaniya-kaniya naming bahay para masiguro nila ang safety namin. Bale anim din yata o higit pa ang gamit naming van. Mahaba-haba rin ang byahe kaya naman sinabihan kami ng isang staff na pwede pa naman kaming matulog kung gusto namin pero hindi talaga ako makatulog. Ilang buwan din iyon na hindi ko siya nakasama, madalang din kaming magkausap sa phone call o sa chat dahil istrikto ang mga staffs sa camp. More on like, gusto nila kaming mag focus at hindi madistract pero may mga times din namang pinapayagan kaming mag phone lalo na kung kabilang pa rin kami sa school activities. Katulad namin nila Jude, nag a-attend pa rin kami ng klase through online. Mahirap dahil minsan ay hindi agtutugma ang schedule ng trabaho at ng school pero kinakaya naman.
Anyway, malapit na nga ako sa amin kaya naman nagpaalam na rin ako da mga kasamahan ko hanggang sa mag stop na nga ang van sa harap ng gate ng bahay. Sinabihan ko silang umuwi nang safe at mag drive safe si manong bago tuluyang bumaba at pumasok sa bahay. 9 na rin ng gabi kaya karamihan ay tulog na. Mabuti na lang at may spare key ako ng bahay kaya naman hindi ko na kailangang kumatok.
Nang makapasok na sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto. Kita ko si Prim na mahimbing ang pagkakatulog sa kama ko, napangiti na lang ako. Dahan-dahan kong iniwan ang bag ko sa may couch at pumasok sa banyo para mag shower. Pagkatapos ay umalis din ako agad dahil baka magising ko siya. Sa guest room muna ako matutulog since natulog na si Prim sa kwarto ko.
Namiss ko rin ang bahay dahil apat na buwan din akong wala rito.
"Meow," Tumingin agad ako sa kama nang may marinig akong mag meow at makitang nandoon si Alex. mukhang natutulog na rin yata ito bago ako pumasok sa kwarto at nagising lang noong buksan ko ang ilaw at sa pagpasok ko. Lumapit agad ako rito at binuhat siya.
"Kumusta ka?" Tanong ko rito na akala mo ay tao ang kausap.
"Namiss kita. Lalo na iyong paglalambing mo, Alex." Sabi ko rito at saka niyakap at hinalikan. Maya-maya pa'y nipwesto ko na rin ito sa tabi ko. Inaantok na rin kasi ako gawa na rin siguro ng pagod ko. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod ko dahil sa training namin sa camp at sa mga nangyari sa amin sa loob. May ilang araw din akong natitira para i-check ang social medias ko kahit hindi naman ako gaanong adict sa social medias.
YOU ARE READING
Raining In Manila [COMPLETED]
Fiksi PenggemarThis story will focus finding an answer to the question which is, "will you call it love if two broken people are together?" It also includes the different perspectives about love and life, pain, healing of the two different people.
![Raining In Manila [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/347342328-64-k984892.jpg)