02: Second Encounter

91 3 0
                                        

Late na akong nakatulog kaninang madaling araw pero maaga pa rin akong nagising. Alas siyete pa lang pero gising na ako. Bumangon agad ako at saka pumasok sa banyo ko. Naghilamos lang muna ako. Mamaya na ako maliligo. Agad akong bumaba at hindi pa nga nagigising si kuya. Tinignan ko kung anong laman ng ref at napailing na lang ako, ham na lang ang natitirang laman ng ref maliban sa mga drinks. Mag g-grocery naman kami mamaya ni kuya kaya pwede na ito.

Nagluto na ako ng ham at ng rice sakto naman ang baba ni kuya dahil tatawagin ko na dapat siya.

"Morning!" Bati nito.

"Morning din. Kain na!" Aya ko rito. Umupo na agad ako at lumantak, gutom na kasi talaga ako. Natawa na lang si kuya at kumain na rin.

"Wala kang pasok or errands today?" Tanong nito.

"Mamaya pa namang 10 ang lakad ko. Ikaw?" Tanong ko rito.

"May pupuntahan din, lalayas na ako agad after ko maligo at kumain."

"Ahh, okay! Wala na pa lang laman iyang ref." Sabi ko na nakaturo pa sa ref.

"Sige, bili na lang ako mamaya." Aniya.

"Okay!" Sabi ko.

Tumahimik na ulit kami after no'n. Bigla akong nabilaukan sa sinabi nito.

"May katawag ka kagabi, ano?"

"Wala." Sabi ko sabay inom ng tubig.

"Sinungaling!" Aniya na natatawa pa kaya naman tinignan ko ito ng masama.

"Oo na, whatever." Sabi nito at sabay roll eyes. Attitude iyan e.

"Ligo na ako, tapos na ako." Paalam nito, tumango lang ako. Natapos din naman agad ako at hinugasan ang mga pinagkainan saka ulit bumalik sa kwarto.

Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko. Mamaya pa ang lakad ko at anong oras pa lang. Napailing ako. Humiga na lang ulit ako at tumunganga hanggang sa magpaalam si kuya na aalis na. Since pakiramdam kong mabagal ang takbo nang oras ay napagdesisyunan kong maglinis dito sa kwarto ko. Mamaya na sa baba. Lahat ng kalat ko ay niligpit ko kahit maliit lang na piece. Tinanggal ko na rin lahat ng hindi ko naman ginagamit na damit at nilagay sa box, idodonate ko na lang iyon, hindi naman iyon mga sira kaya pwede pa magamit. Pinalitan ko rin ang bedsheet ko pati punda dahil pakiramdam ko ay nagkakapimple na ako sa mga ito. Maliit lang naman kaya nag decide na rin akong labhan. Pagkatapos ko magsampay ng isang bedsheet, isang kumot at dalawang punda ng unan ay bumaba na ako. Inumpisahan ko ang paglilinis sa kusina pagkatapos ay sa sala hanggang sa matapos na rin ako. Umupo ako sa sofa at saka pumikit. Napadilat lang nang may sumampa sa akin. Pusa. Si Alex. Tinitigan ko ito dahil parang kakaiba ang tingin niya sa akin.

"Ano na naman?" Tanong ko rito na akala mo naman ay tao lang ang kausap.

"Meow" Natawa na lang ako dahil sumagot pa. Hindi ko naman alam ang sinagot dahil puro meow meow lang siya kapag kinakausap.

"Wala akong magawa kaya naglinis ako." Iyon lang ang sinabi ko rito. Sa ikalawang beses ay nag meow ulit ito. Hinagod-hagod ko ang likod nito at sa leeg nito. Ang lambing ng mga pusa.

"Kain ka na muna bago ka ulit manlambing," Sabi ko rito at saka inalis sa pagkakasampa para makuha ko iyong feeds niya at mailagay sa harap ko nang makakain na siya.

"Iyan, pakabusog ka." Sabi ko sa kaniya at pinanood lang siyang kumain. Busy siyang kumain kaya naman iniwan ko na muna siya sa sala. Maliligo na ako dahil 9am na. May lakad ako mamayang 10am e.

Akala ko ay okay na ang isip ko dahil nakatulog na ako nang mahimbing kanina pero pati sa pag ligo ay bigla-bigla ko na lang iyong naiisip. Maliban sa tanong niya ay iniisip ko rin iyong pag-uusap namin kaninang madaling araw. Hindi ko naman siya iniisip, o kaya naman siya ang nag-iisip sa akin kaya bigla-bigla ko siyang naiisip? Napailing ako. Bahala na nga. Masyado na akong nagiging assuming, hindi na ako ito.

Pagkatapos ay nagpalit na ako. Simpleng white plain shirt ang gamit ko. Hindi na rin ako nagdala ng jacket dahil mainit naman, pati hangin ay mainit din. White shirt plain and black pants ang gamit ko. Malabo rin an mata ko kaya naman nagsusuot ako ng contacts. Minsan naman ay ang glasses ang gamit ko.

Nang makita kong maayos naman tignan ang sarili ko sa salamin ay nagpabango na nga ako, sinuot na ang relo at ready na para umalis. Pagkababa ko ay hindi ko na makita si Alex. Saan na kaya iyon nagpupunta? Anyway, alam niya naman kung paano umuwi. Huwag lang siyang uuwing may sugat o ano dahil baka kung ano ang magawa ko.

Nagbayad din agad ako baka kasi makalimutan ko. Sayang din iyon para sa kikitain ng driver at saka ayaw ko rin namang magka-minus point sa langit.

Hindi rin naman nagtagal ay nakarating agad ako sa pupuntahan ko. May usapan kasi kaming magkakaibigan na mag gagala. Pagkarating ko ng rito sa meeting place ay wala pa sila Jude. Ako na naman ang on time. Mukhang mga maliligo pa lang ang mga iyon, tinext ko na lang silang nandito na ako.

O-order na lang muna ako ng fries at sundae since nagreply silang tatlo na medyo malelate sila. As if may choice naman ako. Ikakain ko na lang ito.

Pagkaorder ko ay bumalik muna ako sa pwesto ko, 10-15minutes pa naman bago makuha ang order.

"Mind if I join you muna?" Napaangat ako ng tingin dahil sa nagsalita. Si primavera.

"Nah, hello." Iyon na lang ang nasabi ko.

"May hinihintay ka?" Tanong nito.

"Yup!" Maikling sagot ko.

"I see,"

"Nagkita ulit tayo/Nagkita ulit tayo." Natawa na lang kami pareho dahil sabay pa naming sinabi iyon.

"Kumusta?" Tanong nito.

"Okay lang, how 'bout you? Kumusta?"

"Doing good." Sabi nito.

Hindi rin nakaligtas sa mata ko ang wrist nito. Napansin ata niya kaya agad nitong iniwas at tinago sa ilalim ng table ang left hand nito.

"Sorry," Iyon na lang ang nasabi ko.

"F-For what?"

"That you experienced that. To the point that you've hurt yourself." Hindi ito nakapagsalita at umiwas ng tingin.

"You're doing great, keep it up. I got'ta go. Nasa baba raw kasi ang mga kaibigan ko. See you around!" Sabi ko rito at saka ako umalis. Nagsinungaling ako dahil alam kong naging uncomfy siya sa naging asal ko. Tinext ko na rin sila Jude na nasa baba ako at hindi sa dating pwesto namin kapag nakain kami rito.

I wonder what happened to her. All of a sudden, gusto ko siyang makilala. Gusto kong malaman kung anong history niya.

Raining In Manila [COMPLETED]Stories to obsess over. Discover now