09: Healing Her Inner Child

29 1 0
                                        

"Duibuqi, lan wanle."

(Translation: I'm sorry, i'm late.)

Pagkarinig ko no'n ay agad kong nilagay sa gilid ang phone at saka tumingala. Nakatingin lang ito sa akin, ngumiti ako at saka ngumisi.

"Meiguanxi, wo mingbai."

(Translation : It doesn't matter, I understand.)

Kita sa mga mata nito ang pagkagulat.  Halos hindi maipinta ang itsura nito dahil sa sinabi ko. Tumikhim ako at saka tinuro ang natutunaw nang sundae. Umupo naman ito at saka nagpasalamat dahil sa pagkaing nilalantakan niya na.

"Hindi ko alam na multilingual ka pala, Mr." Mukhang inis nitong sabi dahil taliwas itong asarin ako gamit ang mandarin. Napangiti na lang ako dahil doon.

"Amazed?" Tanong ko rito na may halong pang-aasar.

"Hindi."

"Hindi raw pero halos hindi mo na masara iyong bibig mo kanina nang marinig mo akong mag chinese." Pang-iinis ko rito. Natawa na lang ako nang mag roll eyes ito at mag flip hair.

"Ang ganda mo." Agad ko naman iyong inabutan ng tubig na nasa gilid lang dahil nabilaukan ito sa sinabi ko.

"Sorry, nagsasabi lang ng totoo." Sabi ko rito habang tawang-tawa.

"Shut up, gusto mo ba akong mamatay dahil lang nabilaukan?" Asar nitong sabi.

"Nahh, sorry na nga e."

"Whatever! Kumusta araw?" Tanong nito.

"It was fine. Already enrolled. What about your day? How's it?" Pagbabalik ko ng tanong.

"Okay lang, enrolled na rin naman."

"Nice! Saan tayo mamaya?" Tanong ko.

"I don't know, ikaw nag-aya e." Naiilang pang sabi nito.

"Quantum tayo?" Tanong ko rito. Kita ko kung paano lumiwanag ang mukha nito dahil sa sinabi ko.

"Okay," Aniya.

"Raven?"

"Hmm?"

"Pwede mo ba muna ako samahan i-meet sila Kylie at Mikay later? May ibibigay kasi ako. That's why may backpack akong dala." Aniya na nahihiya pa.

"Yeah sure." Iyon na lang ang nasabi ko. Hindi rin naman nagtagal ay natapos din siya sa pagkain, tumambay pa kami ng 5 minutes sa mcdo saka nagpasyang umalis na. Papunta na kami sa mini-garden ng SM dahil doon daw sila magkikita. Mas nauuna siyang maglakad kaysa sa akin. Habang patagal na patagal kaming nagkakasama ay nakikita ko kung gaano siya ka-genuine na tao, she's just simple and pure and walang halong kaplastikan. Whenever I'm with her, I always want to hear her laughter, see her smile, how her eyes smile too.

Habang patagal din nang patagal ay parang nagiging kumportable ako sa kaniya. It's like she always give me peace vibes, warm vibes. Nakakalimutan ko iyong mga problema ko, when I'm down, it's like I just want to be with her.

She's wearing black polo that is a croptop style and a black trauser and white shoes together with the white backpack na hindi naman masyadong kalakihan. Sa dulo ng buhok niya ay naka-curl na nakakadagdag sa kalinisan nito kung titignan. In short may sense of fashion siya.

"Are you still okay?" Tanong nito sa akin nang makarating kami sa meeting place nila.

"Hmm, ikaw?"

"Yes."

"Thank you for the compliment earlier. It's just that hindi ako sanay. It was my first time to be complimented with someone who isn't my close friend or relative." Aniya.

Raining In Manila [COMPLETED]Stories to obsess over. Discover now