03: Friends?

57 3 0
                                    

Primavera Forelsket POV

Nang makaalis na ng tuluyan si Raven ay napabuntong-hininga ako nang malalim. Hinaplos ko rin ang wrist ko. Masakit pa rin. Hanggang ngayon ay malinaw at maaliwalas pa rin ang lahat sa akin. I'm trying to move forward pero kahit anong gawin ko, pakiramdam ko ay hindi pa rin ako nakakahakbang ng kahit isa lang palayo sa past ko. Tinanggap ko na pero hanggang ngayon nandito pa rin iyong sakit.

"Prima? Hey?" Tumingin ako sa tumawag sa akin at nakita si Mae kasama sila Jam, Kyle and Andrei.

"Okay ka lang, ate?" Sabay na tanong ng dalawang bading. Si kyle at Andrei. Tumango ako.

"Sure ka?" Tanong naman ni Jam.

"Okay lang ako, umorder na kayo?" Tanong ko.

"Yep. Anyway, nandyan na order mo, bakla!" Sabi ni Mae sabay lapag ng order ko. Kanina pa clouded ang utak ko. Napailing ako.

"Sorry, nasa cloud 9 isip ko." Sabi ko. Hinintay namin ang order nila at mabuti na lang hindi rin naman nagtagal ay dumating na. Kumain na rin kami dahil mag gagala nga kami maya-maya. Kailangan ko rin iyon para mahimasmasan ako. Para na rin hindi ko na maisip si Raven at ang mga sinabi nito.

"Mabuti na lang at mag gagala tayo ngayon, mukha kayong nasa cloud 9 e." Pang-aasar sa amin ni Kyle. Natawa na lang kami dahil sa sinabi nito.

After namin kumain at iligpit ang mga pinagkainan ay umalis na kami. Pumunta muna kami ng SM at naglibot-libot since tapos na kaming kumain at mga busog pa kami.

"Hoy! Tara sa National Book Store!" Aya ni Mae. Wala na kaming ginawa dahil hinila kami nito paloob doon. Nagtingin-tingin kami ng mga books at kahit ni isa ay walang nakakuha ng atensyon namin sa mga books. Ano ba iyan, mukhang wala pa rito iyong a gentle reminder. Gusto ko pa naman sana iyong basahin.

"Wala man lang kayong natipuhan?" Sabi ni Andrei na natatawa.

"Akala mo ay meron ka, wala ka rin oh." Sumbat naman ni Kyle dahilan para matawa kami.

"Tara na, ang daming tao oh." Sabi ni Jam. Lumabas na nga kami at pumunta na lang kami sa last floor at dumiretso sa mini-garden ng sm. Ang sarap ng simoy ng hangin at maganda rin ang view nito.

"Huwag sanang umulan," Random na sabi ko.

"Oo nga, mga wala pa naman tayong payong." Segunda naman ni Andrei.

"Ang init jusko, pawis na ako. Mamaya talaga isasampal ko sa mukha ko iyong cocoberry soap!" Maarteng sabi ni Kyle dahilan para matawa kami. Kahit kailan talaga itong bading na ito.

"How's your life mga beh?" Tanong ni Mae.

"Okay lang, same old pa rin. Nababanas pa rin ako sa pinsan ko," Ani Kyle.

"Okay lang, mahalaga maganda pa rin ako kahit hindi pa bati ni papa." Sagot naman ni Andrei.

"Nasa situationship pa rin kainis!" Sagot naman ni Jam.

"Okay lang," Iyon na lang ang sagot ko.

"E, iyong saiyo, Mae?" Tanong ni Jam.

"Madrama pa rin ang buhay pero maganda pa rin naman ako. Iyon ang mahalaga."

Now, you know kung bakit natitiis pa namin ang isa't-isa. Napangiti ako. They're always there, and i'm grateful to have them in my life.

Marami pa kaming napag-usapan hanggang sa isa-isa nang nagsisipaalaman dahil hinahanap na nga ng mga magulang hanggang sa maiwan na akong mag-isa. Ayoko pa kasing umuwi.

Naka-croptop lang din ako at medyo nilalamig na pero kaya ko pa naman kaya naman nagulat ako at napalingon agad sa naglagay ng jacket sa balikat ko. Agad na bumungad si Raven sa harap ko kasama ang tatlong lalaking hindi ko mga kilala na sure akong kasama niya. Hindi ito nagsasalita at nakatitig lang sa mga mata ko. Malamig ang titig nito. Agad akong umiwas ng tingin at nagpasalamat na lang.

"Ikaw lang mag-isa?" Pagbabasag nito sa katahimikan na bumabalot sa amin.

"Oo, nagpaiwan ako e."

"Okay," Aniya.

"Btw, this is Jude." Pagpapakilala nito sa mukhang may amerikanong lahi dahil matangos ang ilong, kakaiba rin ang puti nito. Matangkad din ito. May isang hikaw sa left ear.

"Hi!" Ani ng Jude.

"Hello," Iyon na lang ang sabi ko.

"This is Macky," Pagpapakilala naman nito sa isa pa, pakiramdam ko ay introvert din. Gwapo rin naman.

"Hi!"

"Hello!"

"And this is Wins." Pagpapakilala niya sa isa pa na sa tingin ko ay pinakabata sa kanila at tahimik lang din.

"Hello!"

"Hi!"

"This is Primavera." Pagpapakilala sa akin ni Raven sa mga kaibigan niya. Nakipagchika pa sila sa akin at umalis na rin naman pagkatapos. Kami na lang ulit ang magkasama.

"Sorry kanina." Sabi nito.

"Okay lang." Sabi ko.

"Did I make you feel uncomfy?" Tanong nito sa malamig pa ring tono.

"Hindi." Honest na sagot ko.

"How are you feeling?" Tanong nito.

"I don't know." Pagsagot ko ng totoo rito.

"May tanong ako, Raven." Tumingin ito sa akin at saka tumango. Tiningnan ko ang mga mata nito at saka nagtanong.

"Do you feel lonely too sometimes?"

"Yes, of course."

"Why? Is there any reason?" Tanong ko ulit.

"Kasi parte ng buhay iyon. You need to feel lonely, sad, in pain, happy sometimes."

"Bakit?" Tanong ko ulit. Ngumiti ito at saka sumagot.

"Para ma-convince mo sarili mong buhay ka pa." That's deep pero sapat na para makuha ko ang punto niya.

"Do you feel lonely right now?" Tanong ko ulit.

"No, do you?" Pabalik nitong tanong.

"Yes." Sabi ko. Hindi ito agad nagsalita kaya naman nagtanong ulit ako.

"Why do people hurt other people?" Nanginginig na ang mga labi ko dahil pinipigilan ko ang mga luha ko sa pagpatak. Lumapit ito sa akin at saka ako niyakap.

"Because they believe or feel that if they hurt other people, they'll be happy." Bulong nito sa akin.

"Why do people cheat?" Para na namang tinuturok nang paulit-ulit ang puso ko.

"There's no exact reason to that. It's just that, they wanted to do it. It's their choice to cheat to the person who loves them." Bakit halos lahat ng sinabi niya ay tumatagos sa puso ko?

"Hindi ba nila alam na masakit iyon?" Nanginginig kong sabi.

"Alam pero kung doon sila sasaya, gagawin nila. I'm sorry that you need to experience that kind of trauma."

Iyon na ang huling narinig ko bago ako tuluyang matumba sa hindi alam kung anong dahilan.

Raining In Manila [COMPLETED]Where stories live. Discover now