04: With Him

47 1 0
                                        

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko dahil sa nararamdaman kong may nakattitig sa akin. Ramdam ko pa rin ang pananakit ng ulo ko pero hindi ko na iyon inisip.

"Gising ka na pala." Napatingin ako rito at nakita sa Raven. Pinagmasdan ko rin ang paligid at sigurado na nga akong wala ako sa bahay ko. Sigurado akong sa kaniya ang pamamahay na ito.

"Anong oras na?" Ang sabi ko rito.

"It's already 8 pm. Dalawang oras kang tulog." Aniya.

"Sorry." Iyon na lang ang nasabi ko.

"Okay lang, bukas ka na rin umuwi lalo na gabi pa naman at wala na ring masyadong masasakyan kapag ganitong oras." Sabi nito bago tumayo at naglakad palabas ng kwarto pero bago pa man ito tuluyang makalabas ay inaya ako nitong kumain sa baba dahil sure raw siyang kumakalam na ang sikmura ko. Hindi naman siya nagkakamali. Kaya ako nagising dahil nakakaramdam ako ng gutom maliban sa ramdam kong may nakatitig sa akin.

Inayos ko muna ang pinaghigaan ko at saka bumaba na. Nakita ko siyang nilalagay ang mga niluto niya sa lamesa.

"Kain na." Malamig nitong sabi. Sabay kaming umupo at nauna siyang sumandok.

"Kumusta pakiramdam mo?" Tanong nito sabay subo ng pagkain.

"Maayos na. Salamat ulit." Ang sagot ko naman dito.

In fairness, masarap ito magluto kahit wala sa itsura niya. I mean, mukha kasi siyang hindi nagawa ng gawaing bahay pero alam ko namang halos lahat ng mga lalaki sa mundo ay marunong magluto.

"Hoy, kumain ka huwag mo akong titigan. Wala naman akong ginawang masama sayo." Masungit na sabi nito na ikinatawa ko. Hindi ko kasi namalayang nakatitig na pala ako sa kaniya. Anyway, kumain na nga ako at halos maubos na namin iyong mga niluto niya.

"Ham, hotdog and egg lang ulam tsaka sinangag na rice lang ang nandyan, wala pa kasi si kuya nasa kaniya ang mga groceries e. Mamaya pa siya uuwi. Pasensya ka na." Namumula pa ang tengang sabi nito dahil yata nahihiya siya.

"Okay lang." Sabi ko rito.

"Hmm, okay ka lang ba talaga?" Halata sa tono ng boses nito na curious siya kahit malamig pa rin.

"Hindi, pero ayos na." Iyon na lang ang nasagot ko.

"Bakit?" Ang sunod na tanong naman nito. Hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. Alam ko namang mas okay na maging open sa mga ganitong bagay sa isang stranger dahil wala naman kayong koneksyon pero parang meron akong kutob na baka pagsisisihan ko kapag inopen ko sa kaniya kung ano ang dahilan bakit hindi ako okay pero sige, bahala na nga. Mukha naman siyang trusted. Magaan din naman ang pakiramdam ko sa kaniya.

"Okay lang naman kung ayaw mo i-share, hindi naman ako namimilit." Sabi nito.

"Sagutin mo muna tanong ko." Bigla namang kumunot ang noo nito at naningkit pa lalo ang mga mata natatawa ako pero gwapo pa rin naman siya.

"Matanong ba talaga kayong mga babae?"

"Most of the times. Sige na!" Pagpupumilit na natatawa kong sabi rito.

"Okay, ano?"

"Tingin mo matatawag pa ring 'love' iyon kung iyong dalawang tao e broken tapos nag-stay pa rin sila sa isa't-isa?"

"Lalim ng tanong mo. Konti na lang iisipin ko nang broken ka." Seryosong sabi nito. Ngumiti na lang ako at hinintay ang magiging sagot nito sa tanong ko.

Tapos na rin kami parehas kumain, pinapababa lang namin saglit iyong mga kinain namin para hindi sumakit iyong tiyan.

"Siguro oo."

"Bakit?"

"Depende kasi iyan sa kung anong nangyari sa kanila e. Pwedeng oo dahil kahit pagod o gusto na nilang sumuko, gusto pa rin nilang subukan ulit kaya sila nag i-stay sa isa't-isa at pwede rin namang hindi kapag hindi na talaga clear iyong plano o gusto nilang mangyari sa relasyon nilang dalawa." Tumango-tango ako after niya sagutin ang tanong ko. Pinagmasdan ko siya nang mabuti.

Blonde ang buhok niya, medyo matangkad din siya, matangos ang ilong, mukhang may lahi, medyo chubby ang lips, nakaka-attract ang jawline nito, singkit ang mga mata niya and kissable rin ang lips niya.

"Matutunaw ako kakatitig mo." Seryosong sabi nito.

"Alam mo, ang lalalim ng mga sagot mo sa mga tanong ko. Bakit?"

"Anong bakit?"

"Bakit?"

"Wala naman, pinag-iisipan ko lang munang mabuti bago sagutin."

"Ilang taon ka na?"

"20."

"Oh I see. Matured ka in fairness."

"Compliment ba yan?"

"Hala, oo ha?!" Natatawang sabi ko. Tumawa na lang din ito.

"Bakit ang gaan ng pakiramdam ko sayo?"

"Ewan ko. Masyado naman kasi akong gwapo para gumawa ng malalalim na kasalanan." Aniya.

"Siraulo!"

"Hey!"

"Oh kuya!"

"Oh, may kasama ka pala. Hindi mo man lang ako sinabihan." Sabi ng kuya niya, magkamukhang-magkamukha sila.

"Hi po." Iyon na lang ang nasabi ko. Tinulungan din muna ni Raven sa mga pinamili nito magpasok sa ref.

"Hi. Kumain na kayo?" Tanong nito sa akin.

"Opo, katatapos lang." Casual na sabi ko. Hindi ako sanay sa ganito at aaminin kong medyo kinakabahan ako kahit wala naman dapat ikakaba.

Maya-maya pa ay nagpaalam itong aakyat muna sa kwarto niya. Naiwan na lang ulit kami ni Raven dito sa kusina. Binabalot na naman kami ng katahimikan.

"Gusto mo bang maglakad-lakad muna?" Tanong nito sa akin.

"Sige, tara." Pagpayag ko na lang dito.

May kutob akong kayanako inaaya maglakad-lakad muna ng isang ito dahil may mga gusto pa siyang malaman tungkol sa akin at ganoon din naman ako sa kaniya.

"Kuha lang ako ng jacket." Pagpapaalam nito na ikinatango ko na lang.

Hindi ko alam kung anong meron sa kaniya pero sa mailing panahon na nakasama ko siya ay hindi ko siya makitaan ng dahilan para hindi pagkatiwalaan. Gusto ko siyang makilala nang lubusan. Gusto ko pa siyang makasama. Gusto kong malaman ang history niya.

That's weird, alam ko pero iyon kasi ang nararamdaman ko. Hindi ko alam pero ito ang unang pagkakataon na pakiramdam ko nakatagpo ako ng taong hindi ako huhusgahan sa mga desisyong nagawa o magagawa ko, tutulungan ako na mag grow as a person, pakiramdam ko ay nakatagpo ako ng isang taong maituturing kong tunay na kaibigan.

"Lalim na naman ng iniisip mo. Tara na?" Doon lang ulit ako nabalik sa katinuan. Hindi ko namalayang nakabalik na pala siya. Tumango ako at saka umalis na kami ng bahay nila.

Raining In Manila [COMPLETED]Stories to obsess over. Discover now