Nakauwi na rin si Prima noong nakaraang araw pa. Anyway, maaga na naman akong nagising ngayon at ako na naman ang nagluto ng makakain for breakfast. Hindi naman nagtagal ay kusang bumaba na rin si kuya.
"Napapadalas ata iyong pag gising mo ng maaga?"
"Baka nasanay na."
"Hmm. May errands ka ba ngayon?"
"Hmm, oo."
"Ano?"
"Mag e-enroll ako."
"Ohh, ngayon na pala iyon? Anong kurso nga ulit ang kukuhanin mo?"
"Tourism."
"Okayy,"
Hindi na kami nagsalita after no'n at nagpatuloy na lang sa pagkain. Agad kong tinapos ang pagkain ko at tinext si Jude.
To Jude:
Hoy, pupunta ka univ?
From Jude:
Oo. Sabay na tayo.
To Jude:
Okay
Nagpaalam ako kay kuya na magpiprepare na dahil mahirap na baka abutin kami ng siyam-siyam kapag mamaya pa kami mag-e-enroll. Lalo na at sure na marami ang mag e-enroll ngayon. Paunahan pa man din ng slot.
After 20 minutes na pagligo ay nagpalit na ako. White plain shirt at black pants lang ang gamit ko then white shoes. Sinuot ko rin ang relo ko at kinuha na ang bag na nasa swivel chair ko.
After ay bumaba na ako at umalis na ng bahay. Nag commute na rin ako dahil coding ngayon. Papaliguan pa kasi ni kuya yung motor kaya hindi ko rin magagamit.
Habang nasa jeep ay tinext ko si Prim.
To Prim:
Prim, may gagawin ka today o kaya mamaya?
Naghintay pa ako ng ilang minuto bago mareceive ang reply ni Prim. Napangisi ako sa reply.
From Prim:
Wala naman, bakit? Papa-enroll lang ako.
To Prim:
Labas tayo?
Kagaya ng sa una ay ilang minuto rin ulit ako naghintay ng reply. Matagal ba talaga ito magreply o may ginagawa lang?
From Prim:
Okay, text kita kapag tapos na ako. See yah!
To Prim:
Yeah sure, ingat!
From Prim:
Yeah, you too.Sakto namang nasa una na akong destinasyon pagkatapos ko basahin ang reply niya. Sumakay ulit ako ng isa pa at hindi naman gaanong katraffic kaya naman nakarating agad ako ng univ.
Pagkapasok ko pa lang sa gate ng Brent State University ay marami na akong nakitang mga estudyante ring magpapa-enroll. Agad ko namang nakita si Jude kaya naman lumapit ako rito.
"Kanina ka pa?"
"Kararating lang din. Tara na? Baka mawalan tayo e."
"Sige."
Pasado naman kami sa exam at confirmation of slot na lang kaya kami ulit nandito. Well we consider it as enrollment na rin since kailangan din namin isecure at ipasa ang mga papers pang nirequire sa amin. May interview session pa kami. I don't know why they need interview session pa but anyways whatever. Ang goal ko lang naman ay maconfirm ang slot ko at makapagtapos ng pag-aaral, iyon lang.
YOU ARE READING
Raining In Manila [COMPLETED]
FanfictionThis story will focus finding an answer to the question which is, "will you call it love if two broken people are together?" It also includes the different perspectives about love and life, pain, healing of the two different people.