Raven's
Mabilis ang usad ng araw at buwan, at isang buwan na rin ang nakalipas at dalawang lingfo nang makapili ang kumpanya ng mga isasalang sa survival show at hindi nga nagkamali si Prim ng hinala. Lahat ng sinabi niya sa akin noong araw na iyon ay nagkatotoo. Out of 120 na nag audition ay 62 people lang ang kinuha nila at isa na ako roon. Hindi ko pa iyon sinasabi sa kaniya. 2 days from now ay magsisimula na ang i-air sa tv ang survival show. Training pa lang ito and I must say na lahat kami ay pinag-iigihan dahil gusto naming may mapatunayan lalo na at malaking hamon ang kahaharapin namin. Kailangan din naming tatagan ang loob namin dahil pito lang ang kailangang matira at mag debut sa Korea.
Hindi ko rin alam noong una na sa survival show na ito ay makakasama ko si Lyle, Jude, Wins at Macky. Nagkagulatan na lamang noong inanunsyo na ang mga nakapasok sa audition. Ngayon nga ay binigyan muna kami ng rest day, uuwi kami saglit at kukuha ng mga gamit na gagamitin sa dorm. Mas okay na raw kasing sa dorm kami tumira pansamantala at hangga't kabilang pa kami sa show para at least natitiyak nila ang safety namin.
"Uuwi na kayo?" Tanong ni Lyle.
"Oo, kukuha ng gamit at maglalakwatsa muna." Sabi naman ni Jude.
"Eh, ikaw Macky at Wins?" Tanong ni Lyle
"Ganoon din." Sabay nilang sabi.
"Ikaw?" Tanong nito sa akin.
"Ganoon din, kailangan ko muna bumawi kay Prim dahil ilang araw din tayong nabusy sa training." Casual na sabi ko rito.
"Naks! Same here. Babawi muna ako kay Kylie. Miss ko na iyong babaeng iyon." Aniya na ikinatawa naming magkakaibigan.
"Paano nga ulit kayo nagkakilala at naging magjowa, kuya Lyle?" Tanong ni Wins.
Agad kaming pumwesto ng upo at handa na para makinig sa kwento ni Lyle.
"3 years ago, habang nasa mall ako nag-iisa at nagdadrama sa buhay at tahimik na naglalakad habang nainom ng milktea ay may nakasalubong akong babae. Actually, nagkabanggaan kami dahil parehas kaming wala sa wisyo non." Pauna nito.
"Oh??"
"Tuloy mo na! Nambibitin pa!" Sabi pa ni Macky.
"So ayon na nga, nagkabanggaan kami and nagkataong may mga bitbit itong mga anek-anek niya. So, tinulungan ko siyang pulutin iyon. Nang tumingin siya sa akin, halata sa mata niyang kagagaling niya lang sa iyak." Pagpapatuloy ni Lyle.
"Tapos?" Atat namang sabi ni Jude.
"Grabeh mga mukha ninyo, halatang interesado sa kinukwento ko, ano?" Sabi ni Lyle. Natawa naman kaming lahat dahil totoo naman kasi.
"Anyway, back to the story. So, out of the blue, I handed her a handkerchief. Baka kasi hindi niya namamalayan at nararamdamang nagdudugo iyong ilong niya. Since, mainipin akong tao before, I gently wiped the blood on her nose. Sabi ko sa kaniya "your nose is bleeding." Kaya no choice siyang kuhanin iyong handkerchief ko. Aalis na rin dapat ako no'n agad nang bigla itong humingi ng pabor."
"Anong pabor?" Tanong ni Miguel. Hinayupak, kanina pa pala ito nakikinig.
"Ay kabayong tumalon!" Sigaw dahil sa gulat ni Lyle. Natawa na lang kami dahil may kabayo bang natalon? Kidding. Nasobrahan yata sa kape itong si Lyle kaya mabilis magulat. Umusog ng kaunti si Wins at Macky kaya umusog din ako para may maupuan si Miguel. Kasamahan din namin siya rito sa show. Isa siya sa may pinakamaganda ang humor. Mabilis din siyang ma-approach. Hindi nga namin namamalayang nagiging close na rin kaming dalawa.
"Ano nga?" Excited na sagot ni Miguel. Napapailing na lang si Lyle.
"Na samahan ko muna siya kahit saglit lang. Wala naman akong gagawin that day kaya pumayag na ako. Pumunta muna kami sa restroom pero syempre hinintay ko siya sa labas. Ang wasted niya kasing tignan that time. Maganda siya pero pumangit dahil umiyak."
YOU ARE READING
Raining In Manila [COMPLETED]
Fiksi PenggemarThis story will focus finding an answer to the question which is, "will you call it love if two broken people are together?" It also includes the different perspectives about love and life, pain, healing of the two different people.