10: She's A Working Student

27 1 0
                                        

Primavera's

It's been 3 days since we spent our time together. Tatlong araw na rin simula nang hindi kami magkita at hindi nagc-cross ang landas naming dalawa. We still communicate sa text and call sometimes but it felt different when we're together. Marami na siyang nalalaman sa akin pero ako maliban sa paborito niyang kanta ay wala na akong alam tungkol sa kaniya.

Ngayon nga ay nasa bahay lang ako. Wala naman kasi akong gagawin. Nasosoffucate ako kapag nandito ako pero wala naman akong choice e. Anyway, nagdecide akong bumaba na lang muna para sana makapagkape.

"Oh, gising ka na pala? Buti naisipan mo pang bumaba?" Sarkastikong sabi ni mama.

"Ma, pagod ako." Iyon na lang ang sabi ko rito. She is my stepmom. My biological mom? I don't know where the hell is she pero aaminin kong minsan gusto ko rin siyang makita, makasama at makilala pero mukhang hindi na mangyayari iyon.

"Huwag kasing puro gala." Aniya.

"I am not."

"Oh talaga? edi huwag kang puro landi to the point na gabi ka na nakakauwi at kung minsan ay hindi na talaga nauwi." Sarkastiko pa ring sabi nito. Hindi ko na lang ito pinansin at dumiretso lang sa kusina. Kahit kailan ay hindi na talaga kami magkasundo niyan. Mama ang tawag ko sa kaniya dahil siya rin naman ang nagsabi and isa pa iyon din ang sinabi sa akin ni Dad. Nagtimpla ako ng kape ko at sa pagdampi pa lang ng labi ko sa baso ay muntikan ko nang mabitawan ang baso dahil sa hapding naramdaman ko.

Naalala ko na naman ang nangyari kagabi.

—Flashback—

Kauuwi ko lang galing sa work. I'm a working student sa McDonald's nga pala. Pagod na pagod ako at akmang didiretso na sana ako sa kwarto ko nang hilahin ni mama ang buhok ko. Masakit.

"Ma, ano ba masakit‽" Matapang kong sabi sa kaniya at inalis ang kamay nito aa buhok ko.

Isang sampal ang natamo ko rito. Gulat pa ako nang gawin niya iyon sa akin. Mas dumagdag pa iyong sakit at hapdi na naramdaman ko sa pisngi ko nang makitang hindi man lang tinanggal ni mama ang singsing nito bago ako sampalin. Hindi ito nagsalita at tinignan lang niya ako ng masama.

"Ano na naman bang ginawa ko at galit na galit na naman kayo?" Tanong ko sa kanilang mag asawa dahil sa pagtanong ko ng pataas ang tono ay muli akong nakatanggap ng sampal mula naman kay Dad. Gusto kong umiyak pero walang luhang tumutulo sa pisngi ko. Tila ba pagod na rin.

"Totoo ba ang narinig ko? Kaya ka laging wala sa bahay dahil nakikipaglandian ka?" Matigas na sabi ni Dad at galit na galit.

"Hindi. Saan niyo ba nalaman iyan?" Tanong ko rito.

"Sige! Ipaliwanag mo iyan sa amin! Hindi ka nakikipaglandian pero may kahawak-kamay habang naglalakad in public place‽" Sabi ni Dad sabay bigay sa akin ng phone niya.

Bumungad sa akin ang nakatalikod na pic namin ni Raven noong nasa sm kami. Magkahawak kamay habang naglalakad. Bigla ay nakaramdam ako ng pagkirot sa puso ko. Mukha pa yatang madadamay siya sa problema ng pamilya namin.

"Oh ano‽" Tanong ni Dad.

"Kami nga iyan, pero hindi kami naglalandian in public places, Dad!" Matigas kong sabi rito.

"Didn't I told you na bawal kang magboyfriend?"

"I remembered everything what you've said. I just don't want to listen to you."

Akma pa sana ako nitong sasampalin ni mama nang hilain ito ni Dad palayo.

"Okay then, you're grounded for a month!" Galit nitong sigaw sa akin.

Raining In Manila [COMPLETED]Stories to obsess over. Discover now