11: Accidentally Meet His Mom

25 0 0
                                        

Raven's Mom Pov

Papunta na ako ng parking lot ng McDonald's nang bigla akong may makitang babae sa hindi kalayuan na para bang anytime soon ay bibigay na. Dali-dali akong lumapit dito at mabuti na lang bago pa siya matumba sa sahig ay nasalo ko na ito.

"Jusko, anong nangyari sayo?" Tanong ko rito at saka tinapik ang pisngi nito pero wala akong response na nakuha.

"Tulong!"

"Tulong!"

Mabuti na lang at matapos ang pangalawang sigaw ko ay may nakarinig sa amin. Nilapitan ako ng security guard ng Mcdo at saka tinulungang buhatin ang batang babae na sa tingin ko ay kaedaran lang din ng bunso ko. Agad kong pinatunog ang kotse nang makarating kami ng parking.

Dahan-dahan naming pinahiga ang batang babae sa likod ng sasakyan ko at maingat na nag drive palayo. Nagpasalamat din ako sa guard na tumulong sa akin.

7:30 na rin ng gabi kaya naman hindi na uso ang mabigat na traffic dito sa amin kaya naman makakauwi agad kami nito. I prefer na magtawag na lang ng doctor na titingin sa kaniya sa bahay kesa dumaan pa kami ng hospital dahil marami ring mga pasyente sa ospital at hindi ako sigurado kung maaasikaso siya kaagad. Karga ko rin sa konsensya ko kung sakaling may mangyari nga sa batang ito. Nang malapit na kami sa bahay ay agad kong tinawagan ang bunso ko para pagbuksan kami ng gate at para na rin may makatulong ako sa pagpasok sa kaniya sa bahay. Mabuti na lang at hindi pa siya umaalis ng bahay dahil naalala kong may imemeet siyang kaibigan.

Mabuti na lang at malapit pa lang kami sa bahay ay nakita ko nang nakaabang ang bunso ko sa may gate. Pinagbuksan kami nito ng gate at pinark ko muna ang sasakyan. Bumaba ako at saka lumapit sa kaniya.

"Anak, pakitulungan ako kay ate girl ipasok sa loob. Tatawagan ko rin ang tita mo para ipatingin siya. Bigla kasi siyang natumba kanina mabuti at nasalo ko siya agad baka kung hindi ay kung ano na ang mangyari sa kaniya."

"Alright, mom." Sabi nito. Pumasok agad ako ng bahay at tinawagan ang kaibigan kong si Lyn.

Pinahiga ni Raven ang babae sa may sofa at saka lumapit sa akin.

"Mom, tubig?" Sabay abot nito ng tubig sa akin.

"Thank you, 'nak!" Sabi ko rito at saka lumapit sa babae. Pinatong ko ang likod ng palad ko sa noo nito. Ang init masyado.

"Mom, nandito na si tita Lyn!"

Hindi ko pa namalayang may nag doorbell na pala. Pinapasok agad siya ni Raven at agad na lumapit sa amin si Lyn. Agad nitong nicheck ang temperatura nito at chineck ang mga vital signs at kung ano pa ang ginawa nito sa babae.

"Mataas ang fever niya kaya na rin bumigay na mismo ang sarili niya. Pinagod niya rin ng husto ang sarili niya. She's been suffering from anxiety and stress kaya she forced herself to do things na hindi niya naman kaya. Kaya bumigay ang katawan niya." Sabi nito habang pinupunasan ang katawan nito.

"Raven, pakitulungan kami please. Kailangan namin siyang palitan ng damit dahil babad sa pawis ang katawan niya baka anong mangyari sa kaniya." Sabi ni Lyn. Tumango si Raven at since ang kwarto niya ang unang madadaanan namin ay sinabihan kong doon na lang muna siya. Pumayag naman agad si Raven. I'm glad na naiintindihan niya kung bakit doon ko napagdesisyunang pagpahingain ang dalaga pero hindi rin ako pwedeng magkamali, alam kong may kakaiba sa mga kilos at titig ng anak ko sa dalaga. I can see it in his eyes. He's not that expressive when it comes to his emotions but it's different this time.

"Sige na, anak. Thank you!" Sabi ko rito at hinalikan ang pisngi. Lumabas naman si Raven at sinimulan na naming palitan ni Lyn ang damit ng dalaga. Mabuti at kasya sa kaniya ang mga damit ko. Nang matapos na kami at nagpaalam na rin si Lyn. May duty pa kasi siya. Nagpasalamat naman ako rito. May binigay din siyang gamot na ipapainom ko sa dalaga kapag nagising na ito.

Nakarinig ako ng tatlong katok sa room atsinabing pumasok lang siya. Si Raven ang bumungad sa akin. Lumapit ito sa akin at kinuha ang isang upuan para makatabi ako.

"Ano pong nangyari?"

"Bigla na lang bumigay ang katawan niya kanina, 'nak e. Mabuti nga at nasalo ko siya agad kung hindi ay baka nabagok ang ulo niya sa bato kanina." Sabi ko rito.

"Hindi ka ba malelate sa pupuntahan mo, 'nak? Anong oras na oh?" Tanong ko rito.

Umiling ito at saka tumingin sa dalaga.

"Mom, iyong imemeet kong kaibigan ay nasa harap mo po ngayon." Ginulo ko ang buhok nito at pinasandal ang ulo niya sa shoulder ko.

"I knew it the way you stare at her kanina, kung gaano ka kaconcern kanina, i knew it has something to do with you." Sabi ko rito.

"Siya iyong babaeng kinukwento jo sayo, mom." Sabi nito.

"Hmm. Mahal mo, 'nak?" I asked him.

"Mommy?"

"Hmm?"

"I'm healed from my past already not because of her but because of my will to move forward and make myself be better to the person whom I'll want to pursue." Sinabi niya iyon habang nakatingin sa babaeng nakahiga at maayos ang tulog ba nasa harapan namin. Napangiti ako.

"Finally, 'nak!"

"I'm happy for you. Lalo na at puno ng red flag ang ex mo." Sabi ko rito na ikinatawa namin pareho. Magsasalita pa sana ito nang magsalita ang dalaga. Nagpaalam din muna itong maghihilamos lang muna.

"I-I'm damn tired, dad. Please stop hurting me." Kumurot ang puso ko dahil sa sinabi nito.

"S-Stop!" Nagsasalita ito habang tulog kaya naman ginising ko agad ito. Tinapik ko ng tatlong beses hanggang imulat nito ang mga mata niya.

"I have to wake you up because you're having a bad dream, my dear." Sabi ko rito at inabutan siya ng tubig.

"Thank you po." Sabi nito sa akin. Nagulat pa ito nang ilibot niya ang paningin at makita ang paligid niya. Sakto rin ang paglabas ni Raven mula sa banyo.

"R-Raven." Aniya. Nginitian lang siya ni Raven at saka nagoatuloy sa pagpupunas ng buhok niya.

"So, you're Primavera?" Sabi ko rito kaya napatingin ito sa akin.

"A-Ahh, o-opo."

"I'm his mother. Cyril Ishiraz." Pagpapakilala ko rito.

"O-Ohh!" Hindi makapaniwalang sabi nito. Kaya naman natawa ako.

"I knew about what's with the two of you." Sabi ko rito. Halata sa kaniya na nahihiya pa siya.

"My dear, hindi ko alam kung ano ang past mo but I know it's dark but keep on fighting and moving forward. You deserve to be happy too please take care of yourself." Sabi ko rito at niyakap siya.

"My son is inlove with you and I'll not be a hindrance to his happiness." Bulokg ko rito.

"Thank you po." Sabi nito sa akin.

Humiwalay na ako sa yakap at saka nagpaalam at bago pa man ako tuluyang lumabas ng pinto ay nagsalita muna ako umaasang maintindihan niya.

"Prim, minsan kailangan din nating bumitaw sa mga bagay na nagpapasakit sa atin lalo na kung hindi naman nila nakikita ang efforts at lahat ng ginagawa mo para sa kanila. Sometimes, kailangan din nating marealise na hindi sa lahat ng pagkakataon, kaya natin silang pakisanahan ng pang habang buhay lalo na kung wala ka namang nakikitang character development sa kanila. Choosing yourself isn't bad. Please choose yourself this time. Ikaw naman. Happiness mo naman." And with that umalis na ako st ibinilin siya kay Raven.

Binata na ang bunso ko. Their happiness is all that matters this time.

Raining In Manila [COMPLETED]Stories to obsess over. Discover now