Nandito na naman kami kung saan una kaming nagkita. Dating pwesto kung saan una kaming nagkausap at dati ring pwesto kung saan kami bandang umupo na swing.
"Ganda ng view, ano?" Pagbabasag nito ng katahimikan. Totoo naman, ang ganda ng view. Sobra.
"Oo, sobra." Iyon na lang ang nasabi ko. Bumuntong-hininga ako at pumikit. Pinapakiramdaman lang ang bawat pagdampi ng hangin sa balat ko.
"Mapagkakatiwalaan ka ba?" Bigla kong tanong dito.
"Hindi ko alam, depende sa nararamdaman mo sa akin." Seryosong sabi nito. Matagal bago ulit ako magsalita.
"Wala namang masama kung mag o-open up ka sa isang taong hindi mo masyadong kakilala. Alam ko namang hindi lahat ng gusto mong i-open, hindi mo sasabihin. Iilan lang doon." Magsasalita na sana ako pero muli itong nagsalita.
"Hindi naman masamang mag breakdown minsan at ipakita kung ano iyong tunay na nararamdaman mo." Hindi na ako nakapagsalita dahil sa sinabi nito. Alam kong may point siya pero hindi kasi ako sanay sa ganoon. Pakiramdam ko kapag nag breakdown ako tapos may nakakita sa akin, mahinang tao na ako kahit hindi naman dapat ganoon.
"Oh." Sabay abot nito ng panyo. Hindi ko namalayang lumuluha na naman pala ako kagaya ng unang pagkikita namin. Wala na rin akong nagawa kung hindi ang tanggapin iyon.
"Bakit ka umiiyak?" That's it. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung anong dahilan. Hindi ko alam ni hindi ko nga namalayan.
"H-Hindi ko alam." Iyon na lang ang nasabi ko.
"That's normal. Normal na nangyayari iyan pero minsan alam mo naman talaga iyong dahilan pero akala mo hindi dahil clouded ang nararamdaman mo pati ang isip mo. Alam mo iyong dahilan pero pakiramdam mo ay hidni kasi nga hindi mo ma-identify kung alin ba roon sa mga naiisip mo ang tunay na dahilan kung bakit ka nagkakaganyan." Seryosong sabi nito.
Bawat litanyang sinabi nito ay parang tinuturok ang puso ko. Tama siya e pero para bang ayaw tanggapin ng sistema ko. First time kong nakarinig ng ganito. Tagos sa puso. Hindi ko alam pero unti-unting nababawasan iyong thoughts at pakiramdam ko na lahat ng tao huhusgahan ako kapag nalaman kung bakit ako ganito.
"Keep it to yourself kung hindi mo pa kayang i-share. Hindi ako mamimilit pero gusto ko ring malaman mo na darating pa rin iyong time na mapupuno ka na at wala kang magagawa kung hindi mag breakdown at ipakitang may kahinaan ka rin."
"Alam mo ba iyong pakiramdam na natatakot kang magbreakdown sa harap ng ibang tao?"
"Oo."
"Iyon iyong nararamdaman ko ngayon." Pagpapakatotoo ko rito.
"Natatakot ka saan?"
"Na baka husgahan mo rin ako kagaya ng ibang tao. Na baka sabihin mong puro lang itonkalokohan at nag-iinarte lang ako."
"Bakit hindi mo subukan?" Sa sinabi niyang iyon ay napatingin ako sa kaniya na may gulat sa aking mukha. Nakatingin lang ito sa malayo at kalmado lang ang pag swing.
"H-Huh?"
"Bakit hindi mo subukang sabihin sa akin kung ano ba talaga ang bumabagabag sayo para malaman mo kung kagaya nga ako ng ibang tao?" Napaiwas ako ng tingin dito. Ilang minuto pa akong nag-isip bago ulit magsalitan Bahala na pero sa ngayon, pipiliin ko munang maging mahina. Nakakapagod na rin kasi. Sa tingin ko, panahon na rin muna para magbawas ng mga dinadala ko.
"Hindi ako mentally at physically stable."
"I know, that's visible kahit pilit mong tinatago. Halata pa rin." Napangisi ako dahil sa sinabi niya. Siguro ay madali talaga akong basahin at hindi kagaya niyang napakahirap.
"Normal lang ba?"
"Ang?"
"Makaramdam ng anxiety? Depresyon?" Kasabay no'n ay ang pag lingon ko rin dito halos pabulong ko na nga ring sinabi iyon. Lumingon din ito sa akin at kagaya ng mga nakaraan ay wala pa rin akong makitang kahit na anong emosyon sa mga mata niya. Nakatingin lang ito sa mga mata ko na animo ay inaaral ang mga emosyong nakapaloob dito.
"Oo, hipokrito ako kapag sasabihin kong hindi. Isa pa, hindi ako naniniwalang walang nakakaramdam niyan."
"Bakit?"
"Kasi ilan o karamihan sa mga taong nakapaligid sayo ay nakakapagbigay ng stress sayo, o ang paligid mismo ang nagbibigay no'n sayo. Inshort, sila mismo dahilan kung bakit mo iyan nararamdaman." Dire-diretsong sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko.
"Huwag mo sanang masamain pero bakit ka may mga linya sa wrist mo? Na sa palagay ko ay malalim pa." Aniya at nagbigay pa ng tingin sa wrist ko kahit covered naman ito dahil sa jacket na pinahiram niya sa akin.
"Bata pa lang ako, hindi ko na maramdaman iyong affection and attention ng parents ko sa akin. Para akong black sheep sa pamilya. Kapag may nagawang mali ang kapatid ko ay ako agad ang sinisisi kesyo hindi ko masyadong binabantayan o hindi ko talaga binibigyan ng pansin. Sa tuwing mababa ang grades ko para sa kanila ay kinukumpara ako sa iba. Wala akong mapagbuntunan ng galit, ayokong ibaling sa iba o sa mga kapatid ko iyong galit ko o kung ano man ang nararamdaman ko sa mga panahong iyan. Natuto akong pigilan ang sarili ko sa pag-iyak dahil baka mapagalitan pa ako lalo o kaya masabihang marami akong arte sa katawan kaya naman sa tuwing nasasaktan ako sa mga sinasabi nila, sinasaktan ko iyong sarili ko." Mahabang sabi ko.
"Sinasaktan mo na lang sarili mo kasi naniniwala kang mas mabilis mag hilom ang physical wounds and pain kesa sa emotional wound na matatanggap mo?"
"Oo."
"Pero matanong kita, noong sinaktan mo ba sarili mo nabawasan iyong emotional wound na natanggap mo sa kanila?" Hindi ako makasagot agad sa tanong nito dahil kahit na pagbali-baligtarin ko pa ang mundo ay "hindi" ang sagot sa tanong niya.
"Ako ang sasagot sa tanong ko sayo. Hindi iyon nabawasan." Aniya.
"Hurting yourself while others are hurting you through their words are just stupidity." Walang filter na sabi nito na nakatingin pa rin sa mga mata ko. Para akong sinaksak ng patalim sa puso nang paulit-ulit dahil sa mga sinabi nito. Gustuhin ko man siyang sumbatan at sabihing mag dahan-dahan naman siya ay hindi ko magawa dahil lahat ng mga sinabi niya ay tama.
"You didn't wish to live in this world or to be a part of this world but your parents wanted you to live in this world and wala kang choice. Harming yourself because of the pain that they're causing you, harming yourself because you're tired, harming yourself because you wanted to end it? Believe me kahit gaano mo pa kagustong mawala sa mundong ito kung hindi mo pa time para lisanin ito, gigising at gigising ka pa rin para mabuhay the next day pero hindi ibig sabihin no'n wala ka nang kwentang tao o kaya naman hindi mo na deserve mabuhay sa mundong ito, they're hurting you because natatakot silang maunahan mo sila sa pananakit. Natatakot sila kasi alam nilang kapag naunahan mo sila, ikakasira iyon ng imahe o kaya ng kung anong meron sila kaya ka ginaganyan pati na mismo ng sarili mong pamilya."
"But you know, what they're doing is too much."
"Hindi masamang lumaban o manumbat minsan lalo na kung pakiramdam mo ubos ka na o kaya paubos ka na. Kaya mo lang naman kasi hindi magawa kasi natatakot ka. Natatakot ka saan? Kasi baka itakwil ka kasi nga magulang mo pa rin sila."
"You are already strong because you've handled all of those stuffs only by yourself pero hindi pwedeng butihing anak at mabait ka lagi. Ubos ka na, maawa ka naman sa sarili mo. Kung kinakailangang lumayo ka sa kanila edi gawin mo. Pagod na mental health mo, maawa ka naman." Hindi pa rin ako makapagsalita.
"Sometimes you also need to realise that choosing yourself is not really a crime, especially if you're already done with them and you want to cut ties with them and you can't just do it because of your thoughts and beliefs that they're still your family and those people is a home for you. That's not how life works, Primavera. Open your eyes. Sometimes giving up to those kind of people will give you a relief and let you have a good and better life."
YOU ARE READING
Raining In Manila [COMPLETED]
Fiksi PenggemarThis story will focus finding an answer to the question which is, "will you call it love if two broken people are together?" It also includes the different perspectives about love and life, pain, healing of the two different people.
![Raining In Manila [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/347342328-64-k984892.jpg)