Chapter 2

877 4 0
                                    

[SEBASTIAN]

"Nay, ako na po diyan!" agad kong binuhat ang bitbit na mga pinamili ni Mrs. Cruz tsaka siya sinamahan maglakad papunta sa pilahan ng tricycle.

"Nako, maraming salamat iho. Napakagwapo mo na, matulungin pa!"

Napangiti naman tsaka kumaway na sa kanya pagkasakay niya ng tricycle.

"Uy, balita ko raw ay babalik na si Kara sa atin. Si Mareng Tess kasi nakwento na pinalinis daw sa kanya ni Kara ang kanilang bahay at mukhang doon siya titira."

"Kara?" sinong Kara? May Kara ba akong kilala?

"Nako, ang kawawang batang iyon. Magmula mawala ang mga magulang niya ay di kalaunan ay umalis na dito sa atin."

Kara..Alvarez? Siya lang ang naalala kong Kara na namatayan ng magulang dito sa amin. Imposibleng hindi alam ng buong bayan ang tungkol doon.


"Sebastian, iho! Naku tamang tama!" si Aling Tess.

"Yes po?" tanong ko naman dito

"Samahan mo ako iho, at kailangan kong tanggalin ang mga kahoy doon sa bakuran ng mga Alvarez."


Paano pa ba ako makakatanggi kung nahila na niya ako at ngayon ay tinatahak na namin ang daan papunta sa bahay ng mga Alvarez.

Ancestral house na ito pero well-maintained kaya naman ay hindi pa ito naluluma. At doon na nga tayo sa malawak na bakuran nila.

Maraming mga puno dito at mukhang tinrim din ang iba dahil nga ay overgrown na rin kaso nga lang ay hindi nilinis ng mga nagtrim. Hay naman.


"Ito ang sako iho, dito mo na lamang ilagay ang mga sanga at dahon. Pagkatapos mo dyan ay pumasok ka at tumungo sa kusina para sa meryenda mo."

"Sige ho, Aling Tess." hindi na ako nag-atubili pa at sinimulan na ang trabaho.








"Aling Tess, nalinis ko na po buon-"

"Ahh!! Who are you???" nagulat naman ako sa biglang sumigaw kaya naman napalingon ako sa kanya.

"Ah, nasan si Aling Tess?" tanong ko sa kanya, medyo nasaktan lang ako sa kanya kasi tinanong niya kung sino ako eh samantala ako isang lingon ko lang sa kanya nakilala ko na agad siya.


Sino ba namang makakalimot sa magandang kutis ng balat niya at tangkad niya? Sa bilugang mata niya, tangos ng ilong, at kapal ng labi. Hindi pa rin nagbabago si Kara. Maganda pa rin tulad ng dati.


"Teka, sino ka muna? At bakit nandito ka sa bahay ko?" tanong niya ulit sa akin.

"Ouch, Kara. Hindi mo na talaga ako natatandaan?" hindi ko na mapigilan sarili ko kaya naman nasabi ko na ito.

"Wait, you know me??" nakakunot ang noo niya ngayon. Ang cute niya lang.

Taena, Seb. Cute? Ano kayo high school?

"Buong bayan ata natin ay kilala ka." Sagot ko na lang kasa kanya kasi gusto ko pa makita ang inis niyang mukha. Ang sarap pisilin ng namumula niyang mga pisngi.


"Okay, pero hindi kilala at nandito ka ngayon sa pamamahay ko." Mataray pa rin pala talaga siya haha


"Seb, iho!" narinig kong tawag sa akin ni Aling Tess mula sa kusina.

"Seb?" nagtataka na siya ngayon kung sino ako kaya naman ay ngitian ko lang siya.

"Ay naku, Kara nariyan ka na pala! Hindi na kita nasalubong pasensya na at nagluluto ako ng pananghalian mo." Pagbungad ni Aling Tess kay Kara tsaka yakap dito.

"Ah, salamat po." May malumanay na boses pala 'to? Kanina puro pasigaw siya sa akin eh.


"Ay iha, ito si Sebastian. Nagpatulong ako sa kanya linisin ang bakuran niyo at baka may ahas na haha!"

"P-po? Ahas?" nakita ko ang takot sa mga mata niya kaya naman,

"Oo, may napatay na ako kanina na dalawa. Nandon sa sako, gusto mo makita?" Pangloloko ko rito.

"Dalawa??" Lalong nanlaki ang mga mata niya at napakapit kay Aling Tess.

"Huwag kang mag-alala iha, malinis na doon at wala ng ahas. Halika na't kumain na at late na ang lunch mo."

Natatawa naman ako sa sarili ko habang sinusundan sila papuntang kusina.


Napansin kong panay ang libot ng ulo ni Kara sa kusina nila.

"Don't worry, wala naman dito sa loob ng bahay niyo." hay nako Seb, loko-loko ka kasi eh.


"Sure ka ba?"

"Oo, if ever may makita ka, nasa kabilang bahay lang naman ako."


"Tawagin mo lamang si Seb at tiyak na tutulungan ka na niya." sabat ni Aling Tess

"Wala po akong sinabi na ganon Aling Tess. Sabi ko lang nasa kabilang bahay lang ako."


"Pilyo ka talagang bata ka! Haha!" natawa ako at si Aling Tess pero si Kara ay masama lang ang tingin sa akin kaya naman ay mas nilaparan ko ang ngiti ko sa kanya.

"Oh, iha dahan-dahan at baka mabasag ang plato mo."

"Ah hehe sorry po. Medyo matigas lang po yung baka." palusot niya kay Aling Tess tsaka binalikan ako ng isang matalas na tingin.




"Una na po ako" paalam ko na sa kanila tsaka nagpunta sa bahay nila Mama.


"Mavy! Daddy's here!" pagtawag ko sa anak ko. Kapag weekdays kasi ay sina Mama ang nag-aalaga kay Mavy pero inuuwi ko rin siya kapag hapon na.


"Daddy! Yay! I missed you so much!" yakap at halik sa akin ng anak ko.

"I missed you too, big boy! Have you been good to your grandma?" kinarga ko na ito tsaka hinalikan sa mapintog niyang pisngi.

"Yes, po daddy! I ate well din!"

"Very good, soon you'll be big as me." sabi ko rito tsaka pinagpantay ang aming mga ulo.

"Can't wait for it daddy!" excited niyang sabi tsaka yakap sa leeg ko.

"Seb, kumain ka na dito" alok ni Mama sa akin pero busog pa ako.

"Okay lang po, Ma. Kumain na po ako."


"Saan ka kumain? Nagluto ka ba? Anong niluto mo?" mausisa talaga tong si Mama.

"Dyan po sa kabilang bahay." Sabay turo ko

"Ah oo nga pala at bumalik na si Kara! Nako madalaw nga iyong batang iyon." Naeexcite si Mama naman tsaka kinuha sa akin si Mavy.

"Let's go baby. Samahan mo si Lola." wala naman na akong choice kundi sundan sila.

My Irresistible NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon