[KARA]
Matapos ang eksena namin kanina ni Seb sa parking lot ay agad na akong pumunta sa dapat kong puntahan.
Nagpapalit talaga ako ng shift para maaga ako makapag-out at para na rin madiretso ko ito sa day-off ko tomorrow.
Today's my parents' death anniversary.
And what more could make it heavier than having rumors around you? Hays. Akala ko pa naman tatahimik ang buhay ko kapag nandito na ako sa probinsya pero parang mas gugulo pala.
Ano ba naman itong napasok ko. Hay, Kara.
Nakarating naman ako agad sa sementeryo at agad na naglakad patungo sa puntod ng aking magulang.
I may not have visited this town for some years but this place is an exception. I always make sure that their resting place is always neat and clean.Maaliwas ang paligid ngayong araw. Sakto rin na hindi na ganon katirik ang araw at mahangin kaya naman ay agad akong umupo na sa damuhan.
Kaunti lang din ang mga tao dito sa sementeryo at parang ako lang din ang nasa bandang parte na ito ng sementeryo kaya makakapag-emote pa ako sa parents ko.
"Hi Mommy and Daddy," panimula ko pagkaupo ko sa tabi ng puntod nila.
Nilagay ko na rin ang mga bulaklak na binili ko at itinabi sa mga lapida nila.
"Miss na miss ko na kayo. Magparamdam naman kayo sa akin. Hindi naman po ako matatakutin eh." medyo natawa pa ako sa request ko sa kanila kasi kung ang iba ay nagrerequest sa panaginip na lang silang dalawin pero ako ay gusto ko sa bahay nila ako dalawin at bulabugin.
"Mommy, nagtanim ako ng mga halaman na gusto mo. And in fairness malago sila. Namana ko ata sayo ang green thumb mo." ngiti ko habang kinukwento kay Mommy ang mga halaman na itinanim ko sa garden niya.
"Daddy, I'm doing great naman sa residency ko. I know you've always wanted me to follow your footsteps kaya ito ako ngayon, pagod. Joke lang, Dad haha" nagagawa ko pa talagang magpatawa, hay.
"Kidding aside po. I'm doing very well naman po kahit na walang araw na hindi ko kayo namimiss. Kaya huwag po sana kayo mag-alala dyan sa akin."
Napayakap ako sa mga tuhod ko tsaka nagbunot ng mga damo at napatingin sa langit.
Staring at the sun doesn't hurt me that much anymore after grieving the loss of my parents. I don't think anything can ever hurt me that much.
"Mom and Dad, sorry kung ngayon na lang ulit bumalik sa bahay natin. I know you both wanted me to take care of it kaya ngayon ayun ang isisigurado ko sa inyo. I don't think I'll ever leave this place again kahit na nasasaktan ako tuwing naalala ko kayo."
Biglang nagflashback sa akin ang mga Sundays namin na pagkatapos ng misa sa umaga ay binibilhan nila ako ng cotton candy sa labas ng simbahan at hahayaan makipaglaro sa mga bata sa playground.
I fell in love with camping and having picnics because Dad would always make sure to bring us to different camping sites here just to admire nature and have some breather.
Na tuwing summer ay nagroroadtrip kami papunta sa kabilang bayan para makapagswimming sa dagat.
How I wish I could turn back time.
"Siguro kung buhay pa kayo ay kinukulit niyo na ako ngayon magkaroon ng anak para may malaro at maalagaan na kayong bata. I'm sorry pero mukhang malabo pa po yun sa ngayon kasi yung ex ko ibang babae ang binuntis haha," dinadaan ko na lang sa tawa ang kwento para naman maibsan kahit papaano ang lungkot sa puso ko.
BINABASA MO ANG
My Irresistible Neighbor
Ficción GeneralGenre: Erotic Romance (M/F) Language: Taglish Disclaimer: This work is an Adult Romance that contains sexually explicit scenes of two consenting adults. Reader discretion is advised. Bawal sa bata, kaya kung di ka pa 18, dun ka sa malayo! 😜 Bumalik...