Chapter 15

501 4 0
                                    

[SEBASTIAN]

"Here, drink some water." pag-abot ko kaya Kara na nakaupo ngayon sa may bandang pintuan. Tanging ang ilaw lang dito sa veranda at ilaw sa kalsada kasama na rin ang kaunting liwanag ng buwan ang nagbibigay liwanag sa amin ngayon.


Kinuha naman niya ang baso saka humigop ng kaunti at bumalik sa pagtulala.


Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero ayoko namang pilitin si Kara. Gustuhin ko man siyang tulungan maibsan ang kung ano mang gumugulo sa isipan niya ngayon pero ayoko siyang mahirapan na i-open up ito sa akin.


Kaya naman ay umupo na lang ako sa tabi niya tsaka umakbay sa kanya at ipinatong ang ulo niya sa balikat ko.


Baka sakaling sa ganitong paraan ay kahit papaano matulungan ko siya. Cause I know sometimes a presence of someone is all that you need.



"Nung umagang 'yon, nagmamadali akong pumasok sa school para sa isang event na hindi man lang ako nakapagpaalam kina Mommy and Daddy. Not knowing na hindi ko na ulit siya mahahalikan bago ako pumasok sa school at hindi na sila masasalubong pagkauwi." biglang kwento ni Kara.



Hinimas ko naman ang kanyang braso para icomfort siya. I know damn well how she feels. Not being able to see someone ever again. It hurts like no other.


"Akala ko ay okay na ako. Na sa nakalipas na 16 years ay kaya ko ng wala sila, na hindi na ganon kasakit tuwing maaalala ko sila. Pero hindi pala." mapait niyang sabi sabay punas ng luha.


Humangin naman bigla kaya mas inilapit ko si Kara sa akin para hindi siya gaano lamigin.



Malapit na maghatinggabi at malamig na ang simoy ng hangin kaya naman mas nakakadagdag ito sa kalungkutan na nararamdaman ni Kara.


"Today's their death anniversary. I will never forgive myself for not waiting for them to wake up and say my goodbye and give them my goodbye kiss. Do you know how much that hurts?" tanong nito sa akin.


"Yeah, I know. It will kill you everytime and you have no other options than to blame yourself for everything." sagot ko sa kanya


Lumayo naman siya sa akin at tinignan ako.


Nakakunot ang noo niya, "How would you know?" tanong nito sa akin.


"Well," panimula ko sabay hinga ng malalim, "I know what you're feeling cause I've been there before and I'm still hurting too. And I know how that pain specially go worse when it's near or their death anniversay already." pagshare ko sa kanya.

Pareho na lang kami ngayon nakatingin sa kawalan habang sinisimoy ang hangin.


"I'm sorry.." mahina niyang sabi sa akin.


"It's okay. I guess I needed someone to talk to so that I can somehow ease my pain." pag-assure ko naman sa kanya.


"Um..is this about your wife? Mavy's mom?" maingat na pagtanong nito sa akin.


"Not my wife, but Mavy's mom." pagconfirm ko sa kanya.


"Oh so hindi kayo kinasal?"


"Haha silly, she was my younger sister." natawa naman ako ng bahagya pero I can't blame her din since wala siyang idea and she's just asking.


"Ohhhh...sorry sorry" Pagpaumanhin niya agad


"It's okay," ngiti ko sa kanya tsaka tumingin muli sa kawalan.


My Irresistible NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon