Chapter 6

609 4 0
                                    

[SEBASTIAN]
Nakalipas na ang isang linggo, hindi ko na rin masyado nakikita si Kara. Busy kasi kami mag-ayos para sa fiesta ng bayan.

"Daddy, I love the colors! It's so wonderful!" nagniningning ang mga mata ng anak ko nang makita ang mga decorations sa bawat bahay at poste dito sa amin.


"Yes, anak. It's so beau..." si Kara ba yon?

Siya nga.

"tiful, Daddy! Haha!"

Sobrang ganda niya ngayon. Naka floral dress siya at nakalugay ang maganda niyang buhok.


Sabado ngayon at bukas ang fiesta pagkatapos ng misa para sa patron ng bayan namin. Siguro day off niya ngayon kaya nandito siya.


"Daddy, it's Chita!" bigla naman akong hinila ng anak ko papalapit kay Kara na nasa isang stall ng mga kakanin.

"Hewwo po!" binati agad ni Mavy si Kara at agad kaming nilingon nito.

Damn, mas maganda sa malapitan.

"Hi, baby!" bati nito kay Mavy tsaka yumuko para magpantay sila ni Mavy.


Pero mukhang delikado ako kasi sa pagyuko niya nasilayan ko ang dibdib niya.

Seb, magpigil ka. Kahit na gusto mong hawakan ang malulusog niyang dibdib ay dapat mong pigilan kasi nasa pampubliko kayong lugar.


Pero grabe, mas nabaliw ako sa kanya ngayon na isang linggo ko lang siyang hindi nakita kesa sa halos 15 years na hindi ko siya nakita.


"Chita, are you going to our house tomorrow po?" tanong ni Mavy kay Kara.


Good boy din 'to. At least hindi ako mahihirapan kausapin pala si Kara.


"I'll try, baby."


Tsk. Kanina pa siya baby ng baby sa anak ko, hindi niya man lang ako pinapansin dito.

Pwede rin naman akong maging baby niya. Or gumawa kami ng baby.

Teka.

"Ehem, pwede ka makikain sa amin bukas. Welcome ka naman doon, gusto rin ni Mama nandon ka daw sana." pagkuha ko na sa atensyon siya.

Tumayo naman siya ng maayos tsaka ako tinignan sa mata.

Nagtataka naman ako kasi ang seryoso ng tingin niya. May nasabi ba akong mali?


"Hi Mavy wavy! Nandito lang pala kayo, kanina ko pa kayo hinahanap" biglang sulpot ni Pam sa gilid ko at agad na kinuha at kinarga si Mavy.


"Hi Pam" rinig ko namang bati ni Kara, "Um, sige una na ako. Bye." tsaka siya nagpaalam sa amin.


Wala naman akong magawa pa kundi sundan lang siya ng tingin papalayo. Iba din timing nito ni Pam eh.

"Ah, pauwi na rin kami kaya dito na kami dumaan." palusot ko na lang kasi iniiwasan ko rin talaga 'tong si Pam.

Alam kong may gusto siya sa akin at dahil naging magkaibigan ang magulang namin ay mas lumalapit siya sa akin at sa anak ko.

Kaya tuloy ay napapaghinalaan kami ng buong bayan na magkarelasyon.


"Oh okay, sabay na ako sa inyo pauwi."

Hay, hindi talaga ako makakatakas dito sa babae na 'to.



"Hi po, Tita! Nice to see you again po!" bati ni Pam pagkarating namin sa bahay.

My Irresistible NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon