Chapter 17

524 2 0
                                    

[KARA]

Papunta kaming sementeryo dahil death anniversary pala ni Serena ngayon.

Naunang umupo si Pam sa passenger seat pero wala lang naman sa aking umupo sa likod kasi nandito naman si Mavy na nakayapos sa akin.

Nauna ng dumalaw ang mga magulang nila Seb kaninang umaga at inantay lang si Seb ni Mavy. Half day pala si Seb sa trabaho at talagang sa akin siya dumiretso para kumain at kainin ako. Hayst.


Habang nasa byahe kami ay nagkkwento lang sa akin si Mavy ng mga kaganapan niya sa school. Sobrang cute at matalinong bata! Parang gusto ko na rin tuloy magka-anak.


Hindi naman lumagpas sa akin ang mga nakaw na tingin ni Seb sa rearview mirror. Kinakausap siya ni Pam pero maiikli lang ang sagot nito.





"Hi mommy! I'm okay naman po. I'm a good boy! Look I got a star po oh." pagkausap ni Mavy sa puntod ng kanyang ina.


Nakatayo lang kami sa gilid at pinapanood si Mavy.


"Also, Mommy don't worry cause Lola and Daddy Seb are taking good care of me! Also Tita Kara!" nagulat naman ako sa pag special mention sa akin ni Mavy at naramdaman ko ang dalawang pares ng mga mata sa akin. Parang yung isa matalim pa nga ang pagkakatingin pero nakatuon lang ang pansin ko kay Mavy.


Nag-alay lang kami ng bulaklak at onting dasal tsaka bumalik na rin sa kotse upang umuwi na dahil inaantok na si Mavy.


Same pwesto ulit kami sa sasakyan at di na nga nakayanan ni Mavy kaya heto siya at nakadantay ang ulo sa lap ko habang mahimbing ang tulog.






"Bye, thanks sa paghatid. Pasabi na lang kay Tita dalaw ako one of these days." Paalam ni Pam kay Seb na tinanguan lang ni Seb.


"You okay there?" rinig kong tanong ni Seb kaya napalingon naman ako sa kanya.



"Ah yeah, ngayon ko lang napansin medyo marami na rin pala nagbago dito mula nung umalis ako." sagot ko naman sa kanya habang nakatanaw sa labas.



"Not much actually. May kaunting bahay lang na bago but the people still here are the same."


Napatingin naman ako sa batang nasa kandungan ko ngayon at hinaplos ang kanyang buhok.


Mukhang nasasanay na ako dito pero nakakatakot pa rin baka kalaunan ay mawala ulit ang mga taong nagiging malapit sa akin.


"We're here." pag-anunsyo ni Seb pagkaparada niya ng sasakyan sa tapat ng bahay niya. Itong si Mavy naman ay mahimbing pa rin ang tulog dito sa akin kaya naman ay kinarga na lang siya ni Seb.


"Thanks pala for coming with us and for taking care of Mavy." pasasalamat sa akin ni Seb matapos niyang maihiga sa kama si Mavy.


Hinawakan niya ang isang kamay ko bago kami tuluyang lumabas sa kwarto ni Mavy at isarado ang pinto.


"No problem, I just wish I knew Serena earlier." sabi ko naman dito bago kami makaupo sa couch.


"I think you two will get along very well. She once dreamed of becoming a doctor too but Mavy happened and she was happy." pagkwento ni Seb sa akin habang minamasahe ang kamay ko.


"I would be happy too kung si Mavy ang anak ko. Sobrang cute kasi and lambing." I said to Seb while thinking of the cute little things Mavy did.

"Well...you could be his Mom" sabi ni Seb sa akin kaya naman napakunot ang noo ko dito.

"Ha?"


My Irresistible NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon