Chapter 5

675 3 0
                                    

[KARA]

Grabe ang pa-first day sa akin dito sa ospital. May dalawang code blue sa ICU tapos may natuklaw ng ahas sa ER. Tapos may naheart attack sa may palengke kaya naman dali-dali din naming pinuntahan.

Mabuti na lamang ay 6pm na at natapos na rin ang 12hr shift ko for today. Wala naman sanang maging emergency tonight, gusto ko magpahinga.


Pagkauwi ko sa bahay pasado alas syete ay agad akong nagtungo sa kwarto ko tsaka hinanda ang aking damit pantulog. Kumain na ako sa labas bago pa umuwi kaya naman pagkaligo ko ay didiretso na ako sa pagtulog.




Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang may kumatok sa pintuan ko. Hindi ng kwarto ko pero ng bahay.


8:30pm na ah, sino naman kaya 'to?



Agad akong tumayo at naglakad palabas ng kwarto at nang nasa sala na ako ay nagsalita ako, "Sino 'yan?"



"It's me." sino pa ba ang may baritonong boses dito?


Agad ko namang binuksan na ang pinto at bumungad sa akin ang bagong ligo na Sebastian. Naka white tshirt at plaid pajamas siya ngayon.


"Yes?" tanong ko dito kasi parang tuod siyang nakatayo lang dito sa pintuan.


"Uh-uhmm ehem. Dinner?" sabi niya sabay angat ng mangkok na hawak niya.

"Thanks, pero nakapagdinner na ako eh. I-breakfast ko na lang 'to bukas." pasasalamat ko sa kanya sabay abot ng mangkok.


"Ah okay, sige um. Good night, Kara." awkward na paalam naman niya sa akin.


Ano bang meron dun? Parang tanga. Pero bahala siya, natatakam lang ako dito sa adobo na binigay niya. Luto kaya niya 'to?

Nilock ko na ulit ang pinto tsaka nagtungo sa kusina at inilagay na sa ref ang mangkok. Baka pwede ko na ring baunin to bukas. Ang dami kasi ng binigay niya eh.


Pagkasara ko ng ref ay tsaka ko lang narealize ang suot ko.

Tangina, naka oversized tshirt nga lang pala ako tapos walang bra at shorts.

Hay, Kara. Masyado kang nasasanay magdamit ng ganito porke't walang malisya kay Bryan sa bahay niyo dati.


Bakit nanan kasi tuwing gabi ko pa to nakikita si Seb, hanep din sa timing yun ah.















"Uy, fiesta na pala dito sa isang linggo! Ka-excite naman!"
"Oo nga eh, may mga bisita rin ba kayo galing ibang bayan?"
"Ikaw ba, Kara meron?"

Nagulat si Kara ng masama siya sa usapan ng mga nurses ngayon sa station.

"Ah..not sure pa kung makakapunta dito yung friend ko." nabanggit ko kay Bryan na fiesta dito next week and para naman maibsan ang pagkamiss niya sa akin ay in-invite ko siya. May mga bakanteng kwarto naman sa bahay namin kung gustuhin niyang tumira kasama ako or pwede namang dun siya sa bahay nila.


Kaso kasi, depende din sa shift siya ng araw na yon eb. So sana makapunta si bakla.


"Hi Mavy!" narinig niyang bati ng isang nurse.

My Irresistible NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon