Chapter 13

527 3 0
                                    

[SEBASTIAN]

Sinamahan ko sina Mama at Mavy sa check-up nila dito sa ospital kaya naman nang matapos sila ay dinaan na rin namin si Kara.


"Chitaaa!" salubong ng anak ko kay Kara. Agad naman siyang kinarga ni Kara at bumati sa amin ni Mama.


"Hello, iha. Nako, pasensya na at nakaistorbo pa ata kami sa iyo ngayon." Pagpaumanhin ni Mama kasi nakita namin siyang kakatapos lang gamutin ang isang pasyente.


"Ah, hindi naman po Tita. Tapos na rin po ako sa shift ko kaya okay lang po hehe." sabi nito tsaka naman kami inaya papunta sa munting opisina niya, "Let's go there baby, para di ka mahawa dito." pag-aya niya kay Mavy din.


Naunang maglakad sina Kara at Mavy na masayang magkahawak kamay pa.


"Uh..Ma, yung favor ko po sana." paalala ko kay Mama.


"Ay, oo nga pala! Nako!" gulat na sabi ni Mama nang maalala ang pakiusap ko sa kanya. Napalingon naman sa amin sina Kara kaya itong si Mama ay dali-daling sinundan sila at kinuha si Mavy mula kay Kara.

"Nako, pasensya na anak. May pupuntahan pala kami ng apo ko nakalimutan ko." pagpapaliwanag ni Mama may Kara.


"Ah, okay lang po. Ingat po kayo." Paalam niya kina Mama at ako naman ay lumapit na sa kanya, "Oh, hindi ka ba sasama sa kanila?" tanong niya sa akin.


"Nope. We're going somewhere." sabi ko dito sabay ngiti.


"We? Ako at ikaw?" paninigurado niya sa akin.


"Yup, may iba pa bang tao dito?" Pagconfirm ko naman sa kanya.

"Eh baka kasi si Pam ang tinutukoy mo." sabay nguso niya sa papalapit na Pam.


"Uy, hi Seb!" Masiglang bati nito sa akin nang makalapit, "Hello po, Doc." medyo normal na boses naman niyang bati kay Kara na tinanguan lang siya.



"Excuse me," paalam ni Kara tsaka pumasok sa opisina niya.



"Seb, sabi ni Mommy magdinner ka daw later sa bahay." sabi ni Pam sa akin.


I have known Pam and her family over the last 5 years pa lang since kakalipat lang din nila dito noon. Her dad was my dad's patient kaya naman medyo naging kaclose na rin ng parents ko si Pam.


"Don't say no. Matagal ka na daw niyang inaaya." pag-udyok pa muli sa akin ni Pam.



"Sig-" naputol naman ang sasabihin ko ng bumukas muli ang pinto ni Kara.


"Oh, nandito pa pala kayo. Excuse me lang." pagdaan ni Kara sa gilid ko tsaka naglakad na sa hallway palabas ng ospital.



"Uh..sorry Pam, maybe next time." sabi ko kay Pam tsaka sinundan si Kara.




"Hey, wait up." paghabol ko kay Kara. Ang bilis naman maglakad nitong babaeng 'to.




"Stop following me." nakatalikod niyang sabi sa akin at nagpatuloy pa rin sa paglalakad.



Nang makalapit na ako ng sapat sa kanya ay hinawakan ko na siya sa kanyang braso.



Masama naman niya akong tinignan at hinablot ang kanyang braso.



"There are people watching us, Seb." sabi naman nito na ipinagtaka ko.



"So what?" pakielam ba ng ibang tao?


My Irresistible NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon