Chapter 1

1.2K 3 0
                                    

[KARA]

"Okay." tanging sagot ko lang kay JP nang sabihan niya ako na gusto na niyang makipaghiwalay sa akin.

"T-talaga? Okay lang, Kara?" Hindi makapaniwala niyang tanong sa akin ngayon.

"Yeah, I'm okay with it. Now, excuse me." I said to him as I got up from my seat.


What a way to ruin our anniversary dinner right?


"K-Kara, teka lang-" pagpigil niya sa akin pero agad ko siyang pinutol,

"Don't worry, I'll pay the bill." And that was my goodbye to him.







Saturday morning

It's been a few days since we broke up and hindi ko lang gets bakit kinukulit pa rin ako nito ni JP.

"Ano pa ba ang kailangan mo, JP? Wala naman akong gamit na ibabalik sa'yo kasi wala ka namang binigay sa akin so bakit ba hindi pwedeng matahimik ang buhay ko, ha?" Irita kong sagot sa kanya sa telepono.


Kanina pa siya tawag ng tawag at narindi na ako kaya naman ito ang naging litanya ko sa kanya.

"Umm..I just really want to apologize. I didn't mean to hurt you and break up with you-"

"Then what, JP? What was the reason?" Sa totoo lang ay ayoko nang malaman pa pero gusto ko lang rin itanong para sa ikapapanatag rin ng utak ko.

Alam ko nanan na never ako nagkulang sa kanya. Damn, siya pa nga 'tong mas maraming atraso sa akin eh. Nabulag lang ako ng "pag-ibig" niya at sa kagustuhan na may makasama sa buhay.


"I..I fell out of love. That was my fault and not yours, Kara, I just want you to know that." pagrarason ni JP kaya naman natawa ako ng slight. Damn right, kasalanan niya talaga.

"Okay, now please stop bothering me." Ayaw ko ng humaba pa ang usapan namin. Wasting time on others should stop right now, Kara. Tama na.

"Okay, thanks Kara for understanding. Bye." agad na binaba ko ang tawag at napabuga ng hangin.


"Hay nako, Kara. Ikaw na naman mag-isa. Dapat masanay ka na eh, kaso sa ibang bagay mo sinanay sarili mo. Yan tuloy, nasaktan ka." Kailangan kong paalalahanan ulit sarili ko.


Bago ako matulog ay tinignan ko ulit ang family picture namin, "Ma, Pa, ang daya niyo naman eh. Bakit kasi iniwan niyo ako. Sana sinama niyo na lang talaga ako nung time na yun, edi sana magkakasama tayo kung nasan man kayo ngayon."

Tanginang mga luha 'to. Hindi ba 'to titigil? Ughhh kainis na.




Monday morning

"Bakla, decided ka na talaga?" nandito ngayon itong bestfriend kong beki..na mukhang hindi. Paano ang brusko ng katawan eh.

"Oo baks, gusto ko lang muna huminga." Tama, kailangan ko lang makahinga at makalimot.

"Baks, breathe in breathe out. Ganon lang" tinuktukan ko tuloy siya. Namimilosopo na naman eh.

"Ewan ko sayo. Eh kung kanina mo pa ako tinutulungan. Ang laki laki ng katawan mo wala namang kwenta."

Hays, mamimiss ko rin tong bestie slash housemate ko. Pero baka saglit lang naman ako don sa amin, madali lang 'to. Dapat sanay na ako sa mga ganito eh.


"B-bye bakla...a-ayaw m-mo bang..ihatid kita?" maiyak-iyak na paalam sa akin ni Bryan. Nakakainis. Nahahawa na ako sa pag-iyak niya.

"Ano ka ba! Ito naman eh, ayoko ng umiyak eh!" pinalo ko siya pero maya-maya lamang ay magkayakap na kami dito sa tapat ng gate namin at panay ang iyak.


Natapos din naman ang crying session namin at finally pinakawalan na niya ako. Maka-arte naman kasi itong si bakla eh 2 hours away lang naman ako. Kayang-kaya niya akong dalawin.

Pero mamimiss ko rin talaga tong bruha kong bestie. Malaki ang pasasalamat ko dito kasi siya yung naging sandalan ko magmula high school kami hanggang ngayon na 30 years old na kami pareho.

Magmula mawala ang mga magulang ko nung 2nd year high school ako ay si Bryan na at ang pamilya niya na ang naging pamilya ko. Inalagaan nila ako at tinuring na parte ng kanilang pamilya.

Namuhay din kami ni Bryan magkasama dito sa Manila nung college kami. Buti na lamang ay may mga naipundar mga magulang ko kaya naman ay hindi ako namoblema sa pagtuition ko at sa titirhan ko.

Ipinagkatiwala ko muna kay Bryan ang bahay na pinamana sa akin upang bisitahin naman ang bahay namin sa probinsya at doon muna manirahan.

I have enough savings naman to keep me alive for at least 3 years kaya okay lang na umalis ako sa trabaho ko. Para na rin hindi ko makita si JP.

Mukhang madali ko man natanggap ang kanyang pakikipaghiwalay pero isa na siguro 'yon sa naging coping mechanism ko. Ang tanggapin na lang ang mga bagay-bagay. Masasaktan naman ako kahit ano pang gawin ko eh.

My Irresistible NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon