Capítulo 1

74 7 13
                                    

I still can vividly remember everything that happened. Ang pagkawala ni Mama, ang pagbagsak ng mga negosyo namin, ang pagbagsak ni Papa.

It was a cold afternoon where the rains poured outside in our house. Samahan mo pa nang napakalakas na kulog na tila ba'y galit na galit ito. I was in my room and just watching the window. Hawak-hawak ko ang maliit na litrato ng aking ina. Tears fell down my cheeks as I remembered everything that she has said to me. Those words of wisdom she have taught when I was very young. Ngayon na wala na siya ay hindi ko alam kung saan pa ako kukuha ng lakas.

Pinagmasdan ko ang kaniyang litrato. She's holding me, those eyes were the prettiest. Noong mga araw na wala pa siyang dinadalang problema. Noong mga araw na hindi pa siya nagkakasakit. My heart was aching and I hugged her frame with firmness. Napabaling lang ako sa pintuan nang bigla itong tumunog.

"Ma'am Selene, handa na po ang pagkain ninyo." sabi ng isa sa mga katulong namin.

It was the third day when my mother died. I don't think I will ever be recovered from this kind of trauma. Ang hirap dalhin, ang hirap buhatin, ang hirap mabuhay.

Kaagad akong umalis sa aking kinatatayuan at dumiretso sa labas. The maids stopped gossiping and talking when they heard my footsteps. Ang iba ay nagmamadali pa itong bumalik sa kanilang mga puwesto at hindi makatingin sa aking direksyon.

I don't want to start a fight. Lalong lalo na dahil presko pa sa puso ko ang pagkawala ni Mama.

They have prepared me a pasta and an orange juice. Bago ako kakain ay napag-isipan kong dumiretso muna sa opisina ni Papa. I want to take a lunch with my father. At least, I still have him, right?

Kakatok na sana ako sa pintuan nang matigilan ako dahil sa pagsigaw ni Papa. Mukha itong may kausap sa telepono at kahit sa labas ay maririnig mo ang kaniyang galit na boses.

"Anong ibig sabihin na hindi pa nababayaran?! I already paid the interest. Don't tell me, gusto pa nila na dagdagan ko iyon!" ayoko sanang makinig pero hinayaan ko ang aking sarili na makinig na lamang.

After all, it was my father's problem he's dealing with. Ngayon lang ako nagka-interes na makinig, lalong-lalo na pagdating sa negosyo.

"Ano?! Nababaliw na ba sila?! Hinding-hindi nila makukuha ang bahay! I'll get the best lawyer at tignan lang natin kung sino ang matatalo!" umawang ang aking bibig at nanlaki ang aking mga mata.

What is he talking about? What house is he talking about? Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso. May mga bagay pala akong dapat malaman. Kung alam ko lang talaga ang mangyayari ay sana hindi ko nalang hinayaan ang sarili na maging bulag sa lahat ng bagay.

Kaagad akong bumalik sa lamesa nang marinig ko ang mga yapak ni Papa. Pinagmasdan ko siyang nakakunot ang noo habang naglalakad papalapit sa aking direksyon. Marahas siyang umupo sa dulo at kaagad na kumuha ng pagkain. Alam kong may hindi magandang nangyari. I saw it in his eyes. They were very evident.

"Papa, if you wouldn't mind me asking... how's the business?" out lf nowhere I asked him about that.

Napatigil naman siya sa kaniyang ginagawa at napaangat ng tingin. Kitang kita ko ang pagkagulat niya nang magtanong ako sa kaniya. It was unusual for him. Tumikhim siya, bago niya ibinaba ang paningin sa kaniyang pagkain.

"Why are you asking such a random question, Selene?" he said in a baritone voice.

Halatang iniiwasan niya ang mga ganoong klaseng tanong.

"I was just wondering, Papa. Nag-aalala lang kasi ako." tipid kong sabi sa kaniya.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago niya ako nilingon.

Lies of Darkness (Malapascua Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon