Capítulo 11

34 4 5
                                    

Nang dahil sa excitement na aking nararamdaman ay kaagad akong pumasok sa loob ng skwelahan. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng skwelahan.

Napangiti pa ako nang may ibang mga studyanteng ngumiti sa akin kahit hindi nila ako kilala. Dumiretso ako sa kabilang building sa may second floor dahil nandoon ang registrar's office. Hindi naman ganoon ka-busy ang office dahil last day na ngayon ng enrollment.

"Good morning, Ma'am." Pagbati ko sa isang babaeng nakasuot ng salamin, maikli ang buhok. Ang kaniyang mga mata ay abala sa screen ng computer.

"Anong year?" Nagulat ako sa biglaan niyang pagtanong sa akin at hindi man lang niya ako binati pabalik.

Inilapag ko muna sa gilid ang dala-dala kong maleta at kinuha muna ang aking mga requirements, bago ko siya hinarap.

"Mag-e-enroll po ako, Ma'am. Gusto ko po sanang mag-enroll under the program of the BSED." Pagpapaliwanag ko sa kaniya.

"Anong major ang kukunin? Ubos na ang slot para sa Science, Mathematics at Filipino. English nalang ang natitira."

Mas lalong sumaya ang aking puso nang malaman kong ang natatanging may available na slot ay ang English Language.

Pagkatapos kong pumunta ng registrar's office ay sinabihan niya ako na kailangan ko munang mag-take ng entrance examination, pagkatapos ay sasabak rin ako for interviewing.

Umabot hanggang alas tres ng hapon ang pag-po-proseso ko para lamang makakuha ako ng slot para sa English Language. Nang maipasa ko naman lahat ay binigyan na nila ako ng enrollment form at pagdating ng kalahating oras ay natapos rin.

Sa wakas, enrolled na ako!

Magsisimula ang pasukan namin sa susunod na linggo at naglaan rin ako ng pera para pambili ng aking magiging gamit para sa school. Ang po-problemahin ko nalang ngayon ay ang aking matutuluyan.

I brought some of Dahlia's clothes from her condo. Naghanap muna ako sa may pinakamalapit na pwede kong puntahan. Nagtanong rin ako sa iba pang mga studyante kung saan may available na pwede kong maging boarding house. Mabuti na lamang at may tumulong sa akin na isang babaeng studyante.

"Halika, sumama ka sa akin. Bago ka rito, 'no? Tamang-tama! May bakanteng espasyo pa doon sa tabi namin. Pwedeng-pwede ka doon." Masaya niyang sabi sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya at nagpasalamat sa kabaitan na ibinigay niya sa akin.

Habang naglalakad kami palabas ay ngayon ko lang napansin ang suot niya. She's wearing high-waisted pants and a floral crop top na may hugis puso sa harapan. Nakatali rin ang kaniyang mahabang buhok. May dala-dalang tote bag. She's petite and has a straight nose and chinita. Her skin looks like a cream to me, parang perlas ito kapag natatamaan ng araw.

Mas matangkad lang ako sa kaniya nang kaonti.

"By the way, what's your name? Gosh! Muntik ko nang makalimutan itanong iyon," sabi niya sa akin habang hindi mapigilan ang matawa.

Matagal akong nakasagot sa kaniya. Starting now, I will have two lives with two different personalities and characteristics. Hindi naman siguro nila kilala ang mga Fernandez dito. Hindi rin nila ako kilala, kaya, ayos lang na sabihin ko sa kanila ang totoo kong pagkatao. After all, I am using my real name here in UP Baguio.

"Selene Verluz," maikli kong sagot sa kaniya.

"I'm Ericka Fatima Alonzo, but you can call me, Ricky." Sabi niya sa akin at napangiti ako.

Ibig ba sabihin nito? Magkakaroon na ako ng isang tunay na kaibigan?

Sumakay muna kami sa isang tricycle, sabi niya sa akin ay limang minuto lamang ang layo ng kanilang tinutuluyan na boarding house, mula sa school. May nadaanan kaming mga nakahilerang mga puno at ang malawak na lupain sa likod ng mga kahoy ay may mga taniman ng lemons, mangga at iba pa.

Lies of Darkness (Malapascua Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon