Capítulo 5

52 6 11
                                    

I woke up around four in the morning. Kinusot ko ang aking mga mata at dahan-dahan akong bumangon. Bigla kong naalala ang mga sinabi ni Tita Gorgonia sa akin kagabi. Kailangan ko silang pagsilbihan, kapalit doon ang pagpapatira nila sa akin at pagpapakain. Wala ng libre sa panahon ngayon. Kahit labag sa kalooban ko ay hindi ko maitatanggi na may punto siya. I need to work hard to earn money. I need to work hard in order to live.

Tuluyan akong bumangon at sinuklay ko muna ang aking buhok. Tinignan ko ang aking sarili sa isang maliit na salamin na nakadikit sa may pader ng aking kwarto. Nakita ko ang maputla kong mga labi, ang malaking eyebugs nang dahilan sa aking pagpupuyat nitong mga nakaraang linggo.

I was so stressed to the point that I didn't notice the small circles of my face. Ganoon ba talaga kasama ang mga nangyari sa buhay ko para hindi ko mapansin ang namumutla kong pisngi? Napapailing na lamang ako at nag-ayos ng sarili.

Bumaba ako at kaagad akong dumiretso sa kusina. Naabutan ko ang isang matandang babae na abala sa pag-aasikaso ng mga lulutuin. I swallowed hard. To think that I am working as a maid. I don't know how to cook! Buong buhay ko ay pinagsisilbihan ako ng mga katulong namin. When I try to cook something, my mother will always interrupt me to do something, at baka masaktan lang daw ako sa pagluluto. Or worst, masugatan.

There's a part of me that was in a rage over regret. Kung hinayaan ko lang sana ang sarili ko na matuto, hindi sana ako mahihirapan ng ganito ngayon.

Napalingon sa akin ang matandang babae. She's wearing a black apron. Ang kaniyang buhok ay nakatali mula sa kaniyang likuran. Those little wrinkles were very evident because of her age. Matangos ang kaniyang ilong at may nunal siya sa may gilid ng kaniyang pang-ibabang labi.

She looks strict but seems approachable. Huwag sana niya akong pahirapan. I shoulder some of my father's responsibilities, sana naman ay maayos ang pakikitungo niya sa akin. Dahil, hindi ko kakayanin kung pagtatarayan niya ako.

Mabigat na ang lahat nang iyon para sa akin.

"Mabuti naman at gising ka na, hija. Ikaw ba iyong sinundo nila Ven kahapon?" Pagtatanong nito sa akin habang nagpupunas ng sink.

"Opo," I replied to her.

"Naalala kita. Ikaw 'yung nag-iisang anak ng kapatid ni Ven. Nalaman ko rin ang nangyari sa ama mo. Mabuti nalang at sumama ka rito. Naku, paniguradong mag-alala si Cleopatra kapag nalaman niyang napabayaan ka." Pagpapaliwanag nito sa akin.

Kumunot ang aking noo nang marinig ko ang pangalan ni Mama. Magkakilala sila?

"Kilala niyo po si Mama?" Nagtataka kong pagtatanong sa kaniya.

Nanlaki ang kaniyang mga mata bago ako hinarap ng tuluyan.

"Aba'y, oo naman! Noong bata ka pa ay palagi kayong bumibisita rito sa Iba. Minsan lang kitang makita noon dahil sa tuwing pumupunta sila rito ay hindi ka kasama."

I remembered that part, pero, masyado pa akong bata para maalala ng mas klaro ang lahat ng mga sinabi niya.

"My father's a good person," pagtatanggol ko sa aking ama.

"Oo naman, hija. Mabait naman si Dominic. Nagkaganyan lang naman 'yan simula noong namatay ang iyong ina."

I couldn't help but agree with her. Iyon naman talaga ang dahilan nang lahat. Nagpatuloy siya sa kaniyang ginagawa at nakinig lamang ako.

I don't have the strength to answer her back. Lalo na at ang pamilya ko pa ang pinag-uusapan namin. Natigilan lamang siya nang nagsimula na siyang magluto ng uulamin nila Uncle Ven at Auntie Gorgonia.

Pagkatapos niyang magluto ay ipinaliwanag niya sa akin ang mga dapat kong gawin.

"Maaga kaming gumigising rito, Selene. Alas-cuatro ng umaga. Ako ang nagluluto rito tuwing umaga, at sa tanghali naman ay si Marian. Pagdating naman ng gabi ay balik ulit ako sa pagluluto. Ang gagawin mo lang ay uutusan kitang bumili ng mga rekados para sa lulutuin bukas. At magdidilig ka rin ng mga halaman."

Lies of Darkness (Malapascua Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon