Capítulo 35

27 1 0
                                    

I was watching the cars moving and the people who have their own lives and businesses. Napakibit-balikat na lamang ako habang pinagmamasdan ko ang mga ito.

Living in a big city makes me wonder about the life of a countryside girl. Dahil... iyon ang nakagisnan ko, iyon ang naging buhay ko at naging parte ng alaala ko. Napabuntong hininga ako at napangiti ng mapait.

It's been seven years since I left the Philippines. Since I left Papa, Oh, God knows how much I miss him! Nangako pa ako noon na tutulungan ko siyang makalaya, na hindi ko hahayaan na magtagal siya roon sa loob ng silda, pero, wala pa rin akong nagawa.

Sunod-sunoran pa rin ako hanggang ngayon.

My heart aches at the thought that I can't do anything about it. Na, hinayaan ko lamang iyon kay Papa na mangyari. He wouldn't forgive, for sure. Sa pitong taon na lumipas, hindi ko man lang siya nabisita sa Pilipinas. Hinayaan ko si Selena na siyang gumabay sa akin. Miss na miss ko na si Papa, pero alam ko rin kung gaano kinamumuhian ni Selena ang isang Dominic Verluz.

Sa tuwing nababanggit ko nga si Papa sa kaniya ay pinapahinto niya ako sa pagku-kwento. Wala rin naman kasi akong magawa dahil kailangan ko nang tulong niya. Walang-wala ako noon, at kung hindi dahil kay Selena ay hindi ko mararating ang lahat nang ito.

I took business because that is what Selena wants me to take. Kahit ayoko, kahit na napipilitan lamang ako ay sinunod ko pa rin siya. Even when my heart desires to teach, desires to be a teacher, ibinaon ko nalang ang lahat ng mga pangarap ko sa limot. I studied business here in State. Pinagtapos ako ng pag-aaral ni Selena.

Those seven years weren't easy for me. Maraming pagkakataon ang nagdaan na wala akong ibang ginagawa kung hindi ang umiyak nang dahil sa lungkot. Lahat nang iyon nilabanan ko nang may tapang, kahit na nanghihina na ako, pinipilit ko pa rin na lumaban. I have to be strong in all ways. I have to control my own emotions, because surely this kind of feeling will drive me into my own weaknesses. Ayoko ng ipairal ang kahinaaan ko.

I don't want to deal with this kind of emotion, this kind of love that even I couldn't conquer. Nakakatakot ang magmahal. Unti-unti ka niyang uubusin, unti-unti ka na mawawala sa iyong sarili.

Sa loob ng pitong taon, napagdesisyonan ni Selena na ipasok ako sa kompanya nila. Inaral ko lahat nang mga sinabi niya sa akin, ang lahat nang mga itinuro niya. I studied every principles and how to handle the business. Nagsimula rin naman ako sa umpisa, naging intern ako, naging sikretarya niya.

She was strict while teaching me to be an independent businesswoman. Kailangan, kahit pati sa negosyo ay hindi ko ipapakita ang pagiging mahina ko.

SG's real state is one of the most famous and richest businesses in the Philippines and even abroad. Hindi sinabi sa akin noon ni Selena ang tungkol rito, ang tungkol sa trabaho niya. I couldn't just believe that she was really rich!

SG stands for Selena Gelmor, she is married already. Her mother died in such a young age, kaya, natuto siya mamuhay nang mag-isa. Magtrabahong mag-isa. My father didn't acknowleged him as his own daughter. Hindi siya kailanman lumabas sa bibig ni Papa para aminin ang katotohanan sa amin.

That's why I understand her to feel this way, dahil kung ako ang nasa posisyon niya, gagawin ko rin ang mga ginagawa niya ngayon. I never felt ignored by my own father, and I couldn't bear the pain that a daughter felt when ignored by their father. Hindi iyon madali. It is a kind of pain that is deep, drowning, and endless. There is still a bridge that you won't break. Selena builds that bridge to protect herself from hurting again, and I will support her in building more. 

Napatigil lamang ako sa aking pagmuni-muni nang may biglang tumawag sa aking telepono. Nabalik ako sa realidad at sinagot ang tawag.

"Yes?"

Lies of Darkness (Malapascua Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon