Capitulo 21

30 3 4
                                    


Bumuntong hininga ako habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin. Am I really ready for this to happen? Constantine will announce our upcoming engagement party, paano kung makarating ito sa mga magulang ni Dahlia? Paano kung malaman ito nila Uncle Ven?

I shook my head and avoided the negative things that kept bugging in my head.

"Ang ganda ganda mo, Selene!" Pagpupuri sa akin ni Ricky, habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.

She's the one who did my makeup, and she even lent me her favourite dress. Mabuti na lamang at maraming mga casual dress si Ricky, kaya nakahiram ako sa kaniya.

I am wearing a long, casual, fitted dark blue dress. It has little dotted sparks around the dress, kaya umiilaw ito kapag natatamaan ng araw, kahit sa gabi ay umiilaw ito. Backless ang likod at kitang-kita ang kabuuan ng aking likuran. She even straightened my hair at the back and gave me her silver sandals.

"Ricky, this is too much. Nakakahiya na sa'yo," nahihiya kong sabi sa kaniya.

Kaagad itong umiling sa akin at inikotan ako ng kaniyang mga mata.

"Ikaw talaga! Bakit mahihiya ka pa? Eh, kailangan maging maganda ka sa harapan ng mga magulang ng boyfriend mo."

Oo, sinabi ko sa kaniya na a-attend ako ngayon ng wedding anniversary sa mga magulang ng boyfriend ko. Pero, hindi ko sinabi sa kaniya ang lahat. I didn't tell her about my plans; I didn't tell her that I was just pretending to be someone's fiancée. Ayokong mag-iba ang pakikitungo sa akin ni Ricky. She was the only friend I had in school. She is the only person I know and feel comfortable being with here in Baguio.

"Thank you so much, Ricky!" I hugged her, and she hugged me back.

"Enjoy the party, okay?" Sabi niya sa akin at napatango na lamang ako.

Constantine will pick me up around at six pm, sa Manila. Since, sa Manila gaganapin ang anniversary, doon na ako magpapasundo sa kaniya. Nagtataka nga si Ricky kung bakit ang aga ko raw na umalis, sinabi ko nalang sa kaniya na maagang magsisimula ang party.

I took a private car and asked the driver to take me to Manila. Alam kong nakakapagod ang ginagawa ko, pero hindi naman puwedeng hindi ako mag-ingat. Kung sa Manila ako titira at mag-aaral, paniguradong makakahagilap kaagad sila nang impormasyon tungkol sa akin. Sa Manila, mas maraming nakakakilala sa mga Fernandez. They have a lots of connections in Manila, kaya napagdesisyonan kong manatili na lamang rito sa Baguio at luluwas lang ng Manila, kapag kinakailangan.

Alas singko ako nang makarating ako ng Manila. Nagpahatid ako sa building ng condominium na pagmamay-ari ng aking pinsan, pero hindi na ako pumasok sa loob. Sa labas na lamang ako naghintay.

Pinagtitinginan ako ng iilang mga taong pumapasok at lumalabas mula sa building. Hindi ko na lamang ito pinansin at hinintay na lang si Constantine na dumating.

Napatalon ako nang dahil sa gulat nang marinig kong tumunog ang aking cellphone. Tinignan ko muna sa screen kung sino ang tumatawag. I saw Constantine's name on it.

Buong lakas akong huminga at sinagot kaagad ang kaniyang tawag.

"Yes?"

"Where are you?" He asked on the other line.

"Nandito ako sa labas ng building ng condo ko," pagsisinungaling ko sa kaniya.

"What condominium?" I think he is already driving his car towards me. I can feel it.

"In 'La maison dorée d'Alarie'." Sagot ko kaagad sa kaniya.

"I'm coming; wait for me there," he said in a baritone voice before he turned his phone off.

Lies of Darkness (Malapascua Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon