Prólogo

104 7 12
                                    


"Isang pasahero nalang at tutulak na tayo!"

Nag-angat ako ng tingin sa isang lalaki na ngayon ay nakikipagsabayan sa kapwa mangingisda. Pinagmamasdan ko ang bawat mga taong umaalis at pumapasok sa loob ng palengke. Mahigpit kong hinawakan ang aking itim na jacket at mas lalong hinapit ito sa aking katawan.

The sun is already setting for darkness. Nag-aagaw na ang liwanag at ang dilim. Ang bawat paghampas ng alon sa malayo ay mas lalong nagpapagabag sa akin. The boat moved when the fisherman went inside. Buong pwersa niyang pinaandar ang makina ng bangka at kaagad kaming tinangay ng hangin.

Umalon ang aking mahabang buhok dulot ng sariwang hangin na ngayon ay bumalot sa buong pagkatao ko. I licked my lower lip and close my eyes slowly, kasabay ng bawat pagtibok ng aking puso. Hindi ko kayang lumingon sa aking pinanggalingan. Natatakot ako't baka nandoon sila at huhulihin at papatayin.

I feel the coldness of the wind and the tranquility that the sea brought to me. Mahigit isang oras ang naging byahe bago ako makarating mismo sa Malapascua. Dahan-dahang lumabas ang mga turista at ako ang pang-huling lumabas.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng isla. It never changed. The last time I went here when I was twelve years old, that was the last memory I have with my mother, here in Malapascua and the rest were the memories of us in Zambales. Ano nga ba ang nangyari? At bakit nandito ako sa sitwasyong ito? What did I do to deserve all the hell that is happening to me right now? I saw the people who went to the sea just to swim. Ang iba naman ay nakahiga lamang sa sun lounger habang dinadama ang pagkakataong makapagbakasyon. Wala nang atrasan ito, Selene. If you go back there, posibleng patayin ka nila, or worse... pahirapan.

I've never been selfish my whole life. I've sacrificed a lot! Why people can't see that?! Why they only see the bad in me and the mistakes that I have made? Bakit iyon lamang ang tumatak sa mga ulo nila at hindi ang mga nagawa kong tama? Marahas kong pinunasan ang aking pisngi. This is not the right time to cry, Selene. This is your life starting from now on.

You have to forget him. You have to forget his family. Everything. He's superior, and do you think that he will still forgive you, after all the bullshit you did to him?! Bumuntong hininga ako at naglakad pa ng ilang kilometro bago ako makarating sa isang restaurant. No. I don't want to eat in a restaurant. I only have few hundreds. Hindi dapat ako nag-aaksaya ng pera. This is the only money I have before I went here. Dumiretso ako sa may carenderia at doon namili ng pagkain.

"Eneng, anong sa'yo?" the old woman asked while holding a spoon.

Tinuro ko ang pagkain na gusto ko at kaagad akong umupo sa loob. After a few minutes, they serve the food.

Kumulo ang aking tiyan nang maamoy ko ang sinigang na manok. I also ordered fried chicken and rice. I've never been so hungry before, ngayon lang. Kaagad kong kinain ito, napatigil lamang ako nang may marinig akong mga boses mula sa aking likuran.

"Nabalitaan mo na ba ang nangyari, Anita?" hindi ako lumingon at hinayaan na lamang ang aking mga tenga na makinig sa mga pag-uusapan nila.

"Aba, oo naman! Nabalitaan ko kanina lang. Sana nga ay mahanap na ang magnanakaw na iyon! Ang kapal ng pagmumukha para siraan at pagnakawan ang mga Fernandezes!" ramdam ko ang galit niya habang nagsasandok ng kanin.

"Paniguradong kamatayan ang makukuha ng taong 'yun!"

Those words cut me into pieces. Para itong kutsilyo na paulit-ulit akong sinasaksak. My hands shaking when I tried to hold the spoon carefully.

Am I a destruction?

Am I a chaos?

Am I a... thief?

Lies of Darkness (Malapascua Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon