Capítulo 40

33 1 0
                                    

This is the last chapter of Lies of Darkness, and the next one is Epilogue (Constantine's POV). I still can't believe we made it this far! I started writing this installment #3 for almost nine months, and now it's finally ending. Thank you for your unwavering support and love for Constantine and Selene's story. Salamat at isa kayo sa mga naging inspirasyon ko na sumulat ulit ng akda.

See you in Leandro's story!

...

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at ang unang bumungad sa akin ay ang puting kesame. The room was actually filled with white curtains and white paint. Ngayon ko lamang napagtanto na nasa isang hospital room pala ako.

I moved slowly to the other side. Natigilan ako nang makita ko ang mahimbing na natutulog na Constantine Fernandez. His hair was a bit damp and messy; he is leaning his half body on the right side of my bed, sleeping peacefully.

Pero, kahit na mahimbing ang pagkakatulog niya ay nakakunot pa rin ang noo nito. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong hinimatay kanina. As far as I can remember, kumain naman ako ng breakfast at hindi nagpalipas ng gutom.

Natigil lamang ako sa aking pag-iisip nang biglang gumalaw si Tino sa aking tabi. His hooded eyes bore into me immediately. Nakita ko ang pag-iiba ng kaniyang ekspresyon. Ang kaninang nakakunot ang noo at mukhang galit, ngayon ay maamo itong nakatitig sa akin.

His eyes were always my favourite part of him. It was always genuine, soft, and gentle towards me. Kahit na gaano pa siya kagalit sa akin, kahit na kamuhian pa niya ako, wala pa rin nagbago. Ganoon pa rin ang pagtitig niya sa akin, kahit na alam kong pinipigilan niya ang pagiging ganoon sa akin, pero, mas lalong nanlalambot ang puso ko sa tuwing pinapakita niya ang totoong nararamdaman niya sa akin.

He's not always as strong as it seems, and he's not expressive of what he feels. Pero, pagdating sa akin, kahit na pagtingin niya ay kilalang-kilala ko. I know when he's mad, happy, confused, and stressed. I studied him for years. even when I didn't contact him and found him for almost seven years.

Kaagad niyang hinawakan ang malambot kong kamay at idinala niya iyon sa kaniyang mga labi para halikan.

"What do you feel? May masakit pa ba sa'yo?" Nag-aalala niyang pagtatanong sa akin.

Napalunok ako at sumagot sa kaniya kaagad.

"Yes, hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong nahilo kanina."

He licked his lower lip and was still staring at me.

"How about my cousin? How about Dahlia?" Pagtatanong kong muli sa kaniya.

Kahit na galit na galit pa rin ako sa kanila ay hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala sa kanila. Lalong-lalo na si Dahlia. Even when she's strict with me and almost insults me every day, she still has a space in my heart. Kahit na gaano pa niya kasamang tao, palagi siyang may lugar rito sa puso ko.

I hope you'll realize that Dahlia...

"Huwag mo na silang isipin pa. Nasa lugar na sila kung saan sila nararapat," malamig na sabi ni Constantine sa akin.

Mas lalong kumunot ang aking noo. Anong ibig niyang sabihin? May alam ba sila na hindi ko alam?

"What do you mean?"

Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa aking kaliwang kamay. He sighed and looked at me with awe in his eyes.

"They're the culprits for stealing the money from the company. May kutob na ako noon pero hindi ko 'yon pinansin kasi nasa iba ang atensyon ko. I was preoccupied at that time, and I was more devastated when you left me. Kaya, ngayong nagkaroon na ako nang pagkakataon na buksan ang kasong iyon, ginawa ko na. I did my investigation and hired men to do the work. Kahit na nakabawi naman ang kompanya, kasalanan pa rin ang pagnanakaw." Pagpapaliwanag sa akin ni Tino.

Lies of Darkness (Malapascua Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon