Capítulo 36

23 1 0
                                    

Hindi ako makatulog buong gabi, pagkatapos ng lahat nang mga sinabi ni Selena sa akin. Tahimik na ang buhay ko, tapos magugulo ulit nang dahil lang dito!

Gusto kong magalit kay Selena pero wala akong magawa. Akala ko noon ay hindi siya seryoso sa kaniyang mga sinabi sa akin na maghihiganti kami sa mga Verluz, pero, hindi ko lubos rin maisip na ganito kalaki ang galit niya sa pamilya ng aming ama.

Napabuntong hininga na lamang ako habang nagbabasa ako ngayon ng report. I am her secretary in the meantime, since she is really busy handling things in the Philippines. Pagkatapos ko kasing grumaduate ng kolehiyo ay kaagad niya akong pinagtrabaho rito sa kompanya.

Thinking about using the Fernandezes again makes me weak even more. Hindi ko na kayang magpanggap pa at gamitin ulit ang mga ito. Despite the circumstances that happened between me and the family of Constantine, they have still shown me their goodness. Naputol lamang ang lahat nang iyon nang sinira nila Auntie Gorgonia at Dahlia ang lahat. Kahit wala silang prowebang nagpapatunay sa mga ipinagbibintang nila sa akin, nanalo pa rin sila sa huli.

I don't want to be involved with his family anymore, and I don't want to be involved with Constantine either. Ayoko nang guluhin ang nananahimik niyang buhay. He's married now, for sure; it's either Dahlia or the other woman. 

My heart ached when the memories of me and him flashed through my mind. Sa pitong taon na lumipas, hindi siya nawala sa isipan, lalong-lalo na sa puso ko. I have thought about him almost every day of my life for seven long years. My heart was still screaming his name. 

Pero, hindi na puwede. Kahit gaano ka pa kayaman, Selene, it won't change the fact that you lied to him, and the family of his will never accept you.

Kinamumuhian ka nila...

Nabalik lang ako sa realidad nang biglang tumunog ang aking telepono sa gilid. Kaagad kong inalis ang mga luhang tumulo, mula sa aking mga mata. I sit straight and confidently answered the telephone.

"Yes, this is Selene speaking."

"Hello, is this Selene Clio Verluz?" Pagtatanong ng kausap ko sa kabilang linya.

"Yes," tipid kong sagot sa kaniya pabalik.

"Ma'am, pulis po ito. Ka-ano-ano niyo po si Selene Gelmor? Dinala po kasi namin siya sa ospital ngayon."

"What?!"

Napatayo ako nang wala sa oras. Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso at hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ngayon.

"A-anong nangyari sa kapatid ko?!"

"Na-disgrasya po kasi, Ma'am. Nabunggo po ang kaniyang sasakyan sa kasalubong nito. Baka po ay puwede po kayong pumunta rito kaagad," sabi sa akin ng pulis.

Napahilot ako sa aking sentido at nag-isip kaagad ng gagawin. I can't go home right away! Nasa ibang bansa ako!

"Sir, I'm really sorry, I can't go home right away. Nasa States po ako ngayon. Susubukan ko po ang aking makakaya para makauwi kaagad riyan sa Pilipinas." Pagpapaliwanag ko sa pulis sa aking sitwasyon.

"Sige po, Ma'am. Kasalukuyang nasa operation room pa po si Ms. Gelmor," sabi niya.

My hands were shaking when he said that to me. Unti-unti ng nanlalabo ang aking mga mata nang dahil sa mga luhang lumandas.

"What happened to her? Ba-bakit kailangan niya ng operasyon?" Nanghihina kong pagtatanong sa kabilang linya.

"Malakas po kasi ang pagkakabunggo ng sasakyan nito sa naging kasalubong niya, tumama po ang ulo niya sa steering wheel."

Lies of Darkness (Malapascua Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon