Capitulo 18

28 4 5
                                    

Hindi ako nagpaalam kay Constantine na umuwi na ako at umalis ng mansion. I was just told Reina to tell him that I am going back home.

Sinadya ko talaga iyon na hindi magpaalam sa kaniya, dahil ayokong mabuking niya ako. Paano kung malaman niya na hindi pala ako ang totoo niyang fiancee? Paano kung malaman niya na hindi naman talaga ako ang totoong Dahlia. Bumuntong hininga ako habang pinagmamasdan ko ang labas ng bintana nang aming classroom.

It was raining heavily from the outside. Thinking about what happened there in the mansion made me think and have doubts about our plan with Dahlia. Noong nagkasakit ako ay inalaagan niya ako nang husto. Hindi siya umalis sa harapan ko, at sa tuwing natutulog ako ay nandiyan lamang siya sa kabilang kwarto, nagmamasid sa akin.

If Dahlia were in my situation, I wonder if she would have doubts about choosing him. Pero, kagaya nga ng sinasabi ko, hindi natin mauutosan ang damdamin na magmahal ng isang taong hindi naman talaga natin kayang mahalin.

I don't really have a lot of friends here at our school. Kaya, palaging si Ricky lamang ang kasama ko palagi. Mas mabuti na nga iyong walang masyadong kaibigan, kaysa may kaibigan ka nga, hindi naman totoo sa'yo. I think having fewer friends doesn't stress you too much.

Nang dahil sa pagpunta ko roon sa mansion ng mga Fernandez ay kaagad na nagpadala sa akin si Dahlia ng malaking pera. Ang kalahati ng pera na pinadala niya ay ipinambayad ko sa aming matrikula, ang natitira naman ay itinabi ko para sa pag-go-grocery.

Pagkatapos ng aming klase ay kaagad akong lumabas ng aming classroom. Sinabi sa akin ni Ricky na sa canteen nalang raw kami magkita. Hindi pa ako nakakarating sa school ng canteen ay kaagad akong hinarangan ni James.

In his usual white uniform and messy hair, he stopped in front of me. Nag-angat ako ng paningin sa kaniya at nakita ko ang kaniyang masiglang ekspresyon.

"Hi, Selene! Are you free tomorrow?" Pagtatanong nito sa akin.

Hawak-hawak ko ang aking libro habang pino-proseso sa aking utak ang pagtatanong niya sa akin.

"Bakit? Anong mayroon?" Pagtatanong ko sa kaniyang muli.

I don't have things to do tomorrow, so maybe I can sneak into that, right? Mas mabuti na iyong mag-explore rin ako rito sa Baguio at magkaroon nang mga kaibigan. In that way, I can earn their trust, and they can be my friends!

I saw him brushes his hair and sighed. Parang nahihiya.

"Tomorrow is my birthday. I hope y-you can come," he said in a hopeful tone.

Awang ang aking bibig sa kaniyang mga sinabi at muntik ko nang makalimutan na inimbita na pala niya ako noong nakaraang linggo at nakalimutan ko lang!

Masyado ba na pre-occupied ang aking isipan at nakakalimutan ko na ang ibang mga balita?

Ngumiti ako sa kaniya ng tipid habang ang mga mata niya ay nagpapahiwatig na sana ay pumayag ako sa kagustuhan niya.

"Oo naman. Invited rin ba si Ricky?"

Ayoko naman pumunta roon na walang kasama. He has lots of friends, and most of his friends were studying here. I can say that he is rich. Nanggaling rin ang mga magulang niya sa yaman, kaya, panigurado ako na halos ang mga kaibigan niya na pupunta sa kaniyang party ay mayayaman rin.

Kung ganoon, saan ako lulugar?

Kaagad siyang tumango sa aking sinabi at mas lalong lumundag ang sayang nararamdaman niya.

"Yes, she was invited too! So, paano ba 'yan? I'll wait for you tomorrow to come into my house." He said while smiling at me.

Napapailing na lamang ako sa aking isipan at napatango sa kaniyang mga sinabi.

Lies of Darkness (Malapascua Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon