Capítulo 34

22 1 0
                                    

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at ang una kong napansin ay ang ilaw na nanggagaling sa isang chandelier, na nakalagay sa gitna.

Kumunot ang aking noo at dahan-dahan akong gumalaw. Nanghihina pa rin ako nang dahil sa nangyari.

Teka, anong nangyari? Why am I here?!  The last time I checked, I was on a bench, sitting alone! Umawang ang aking bibig nang unti-unting pumasok sa isipan ko ang mga nangyari kagabi. May lumapit sa akin na isang babae at nagpakilalang kapatid niya ako.

No! No! It couldn't be! Imposibleng may kapatid ako sa gayong ako lang naman ang nag-iisang anak ng mga Verluz, ako lang ang anak ni Dominic Verluz!

My mind was still in a state of chaos when someone opened the door.Iniluwa roon ang isang matangkad na babaeng dalaga. She is older than me. Hindi lamang iyon halata dahil makinis ang kaniyang balat at maputi siyang babae. Ngayon ko lang rin napansin na nakatali ang aking magkabilang kamay.

She looked at me from head to toe. I just couldn't believe that I had another sister. Mahirap paniwalaan sapagka't wala rin naman siyang sapat na ebidensya na nagpapatunay na anak talaga niya ang babaeng ito.

The guards were also both by her sides. Nagbabantay ang mga ito at alarma.

"Finally, you're awake now."

Sabi nito sa akin sa isang matigas na ingles...

Hindi ko mapigilan ang hindi kabahan. I don't know this woman, and unfortunately, I don't know her background. If this is another type of kidnapping, I will surely be dead. Wala nang magliligtas pa sa akin sa kapahamakan.

I ruined his life, ruined his heart, and even pushed him away harder. 

I was about to change my life. To change the way I live, but she came in the middle of it. Imposible talagang may anak si Papa sa ibang babae, masyado niyang mahal si Mama para makapanloko ng iba.

"Pakawalan mo na ako, wala kang makukuha sa akin." Malamig kong sabi sa kaniya as I tried to shake my hands just to get rid of the rope.

Narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga at inutosan ang lalaking nasa kaliwa para kumuha ng isang upuan. Unti-unti itong lumapit sa akin at umupo sa aking harapan.

The two armed men were still there, standing.

"Manang-mana ka talaga kay Cleopatra, buti nalang at hindi ka nagmana kay Dominic."

Fears crept into my heart when she mentioned the names of my parents. May iba pa ba na hindi sinasabi sa akin si Papa? May iba pa ba siyang nililihim sa amin? Bukod sa pagsusugal at sa pagpasok ng mga sindikato?

"Bakit mo kilala ang mga magulang ko?"

She rolled her eyes to me and answer me back.

"As I have told you, Selene, I am your sister."

"Sinungaling ka! Hindi ako naniniwala sa'yo!" Sigaw ko sa kaniya.

Nagpupumiglas ako habang kausap ko siya. Napahinto lamang ako sa aking ginagawa nang lumapit sa akin ang dalawang lalaki para bantaan akong huwag gumalaw at gumawa ng masama sa babaeng nasa harapan ko ngayon.

Nanlalabo na ang aking paningin nang dahil sa mga nagbabadyang mga luha. I just want to live in peace! Handa ko nang iwan ang nakasanayan ko nang buhay. Handa ko ng iwan si Constantine!

"Maiintindihan ko kung ayaw mong maniwala sa akin. Hindi mo ako nakita sa mga nagdaang taon, Selene, but to tell you the truth, I am your sister. Bago pa ikasal si Dominic sa ina mo, nabuntis niya si Mama. Mama was so excited telling him the truth that he will having a child to her, pero anong ginawa niya? He wants me gone! He wants my mother to abort me instead!"

Lies of Darkness (Malapascua Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon