Capítulo 38

29 1 0
                                    

Sampal ang inabot ni Tino, pagkatapos niyang sabihin ang lahat nang iyon sa aking harapan. Did he really think that he would get me again this easily?

Anong tingin niya sa akin? Isang babaeng disperada na papayag nalang kaagad na halikan niya dahil lang sa mahal ko siya? I wouldn't lower myself for that!

I kept building my confidence and my walls just to get rid of these stupid fucking feelings that I felt for him! Ayoko na siyang mahalin pa! Nahihirapan na ako!

Pagkatapos nang mga nangyari ay tulala siya at hindi makapaniwala na kaya ko siyang sampalin. His jaw clenched. Well, I'm not the same Selene Clio Verluz that you knew before.

I changed.

Nang dahil sa galit ko ay iniwan ko siya sa loob ng comfort room at nagmamadaling umalis. Nang tuluyan na akong makalabas roon ay marahas kong inalis ang mga luhang nagsisilandasan mula sa aking mga mata. Natigilan lamang ako nang makasalubong ko si Engineer Alfred, nagtataka itong nakatitig sa akin. Maybe he was just wondering why my eyes were weary.

"Selene, are you okay?" Nag-aalalang pagtatanong ni Engineer Alfred sa akin at kaagad itong lumapit sa aking direksyon.

I immediately nodded at him. I don't want someone to ask me about what happened. Lalong-lalo na dahil wala silang alam tungkol sa nakaraan ko, at mas lalong wala silang alam sa mga nangyari at sa mga namamagitan namin ni Constantine.

They don't know about it.

"Are you sure? Umiyak ka ba? You can tell me," sabi niya sa akin habang sinasabayan ako sa paglalakad.

Pupuntahan ko si Terrence at aalokin ko na siyang umuwi at bibisita ako kay Selena sa ospital para alamin ang ilang tests results niya.

"I'm fine, you don't have to worry about me."

I am trying my best to keep it cool, especially now that Tino is actually at the back of Engineer Alfred. Ilang hakbang lamang ang layo nito sa kaniya at nakita ko siyang awang ang bibig at kunot ang noo. Nakita ko pa na pinunasan niya ang kaniyang gilid sa kaniyang labi.

My heart pounded even more when I saw a small bloodshot on the underside of his lips. Kinabahan ako bigla at hindi ko mapigilan ang hindi makonsensya sa ginawang pagsampal sa kaniya.

I slapped him so hard that even his left cheek became red and swollen. 

Nawala ang atensyon ko sa aking kausap at hinayaan ang aking mga matang sundan ng tingin si Constantine, na ngayon ay tuluyan nang lumiko. When our eyes met, I knew he was so mad at me. I can feel it, and I can see it in his eyes.

Iyon ang mga bagay na kaya kong gawin at maipagmamalaki sa ibang tao. Ang pagbabago ni Constantine, ang mga kilos niya na hanggang ngayon ay narito pa rin. The way he is mad about something, the way he shows his anger towards one another. The way he became so caring about me was when he made me his woman. 

Lahat nang iyon, nakatatak pa rin sa puso ko.

"Are you excited this coming friday? Pupunta tayo ng Laguna! I'm sure you'll like it there," ani Engineer Alfred.

Napakurap-kurap ako at ibinaling ko ang aking atensyon kay Engineer Alfred. He keeps talking to me about that. Mas excited pa nga siya kaysa sa akin.

Napakibit-balikat ako at napakagat ng ibabang labi. Paglingon kong muli sa direksyon ni Constantine kanina ay nakita kong wala na ito.

"Yeah, sure, Alfred. I'll be there," maikli kong sagot sa kaniya, habang pasulyap-sulyap pa rin ang aking mga mata sa direksyon ni pinasukan ni Constantine.

Engineer Alfred gave me a wide, enthusiastic smile.

"Yes! Can I pick you up? Wala rin naman kasing sasabay sa akin, eh."

Lies of Darkness (Malapascua Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon