Capitulo 22

24 3 3
                                    

I woke up having a very, very bad dream. Umabot sa punto na sobrang bilis nang pagtibok ng aking puso. My heart is beating so fast! It feels like it will explode in my ribcage!

Tandang-tanda ko pa rin ang masamang panaginip ko. I saw my father getting shot straight from the heart! I couldn't help but get worried about him. Ilang buwan ko rin siyang hindi na-bi-bisita, simula noong tuluyan kaming lumuwas ni Dahlia sa Manila. Tumatawag rin naman ako sa kaniya paminsan-minsan, pero nahihimigan kong ayaw niya akong makausap.

It really breaks my heart every time I try to talk to him and care for him. On the other hand, he doesn't feel the same way.

Napapailing na lamang ako at napahawak ako sa gilid ng aking ulo. I am surrounded by big grey blankets. Unti-unti kong ibinuka ang aking mga mata at napagtantong nasa kwarto na naman ako ni Constantine!

What the fuck was happened last night?! Napahawak ako sa aking dibdib nang wala akong maalala! Bakit ako napunta rito?! Paano?

Wait, I really need to clear my mind first! Anong nangyari pagkatapos ng party? Hindi naman siguro ako mapupunta rito kung hindi niya ako dinala, hindi ba? Pero, paano nga? Nalasing ba ako?

Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid ni Tino. The room was filled in tranquility. Ang sinag ng araw ay pumapasok na sa loob ng sliding door ng terrace ni Tino. Nagmamadali akong tumayo at dumiretso sa veranda para tignan ang labas ng bahay.

I saw the maids cleaning the garden. Ang iba pa nga ay nag-chi-chismisan pa! Inayos ko muna ang aking sarili, bago ko napagdesisyunan ang bumaba na.

Nang makababa na ako ay ang una kong nakita ay si Reina na naglilinis ng dining table. Napalingon siya sa aking presensya at nagulat.

"Ma'am Dahlia! Bakit po kayo bumangon? Naku! Inutosan pa naman ako ni Ser Constantine na dalhan kayo ng gatas. Papunta palang sana ako sa silid ninyo," sabi sa akin ni Reina habang natataranta itong pumasok sa kusina.

Sumunod na lamang ako sa kaniya at sasabihin kong ayos lang.

"It's okay, Reian. You don't have to," I answered her back.

Kahit na sinabihan ko na siyang ayos lang ay binigyan pa rin niya ako ng isang basong gatas. Nagmamadali itong inilapag sa bar counter at ngumiti ng tipid sa akin.

"Pasensya na po talaga, Ma'am. Ipinag-uutos po kasi ni Ser Constantine na painomin kayo ng gatas." Pagpapaliwanag sa akin ni Reina.

Wala akong magawa kung hindi ang mapatango na lamang sa kaniya. She is just doing her job, and besides that, I don't want to be a burden to her.

Kumunot ang aking noo at nilingon ko siya para magtanong.

"Reina, nasaan si Constantine?"

Napatigil siya sa kaniyang ginagawa at kaagad akong sinagot.

"Umalis po kasi iyon nang maaga, Ma'am Dahlia. Lumabas po iyon ng mga alas-singko ng umaga. Mukhang mag-jo-jog."

I lick my lower lip and slightly nodded at her. Hindi ko na rin mapigilan ang hindi magtanong tungkol kay Ma'am Ophelia at Mr. Manuel Fernandez.

"Nasaan sila Tita Ophelia at Tito Manuel?" Sunod kong pagtatanong sa kaniya.

"Umalis rin po sila kaninang alas-sais. Pumunta po sila ng palengke, mukhang may bibilhin. Kasama na rin si Ma'am Melanie at iyong asawa niya."

Tumango na lamang ako sa kaniyang mga sinabi. Inubos ko muna ang gatas na ibinigay niya sa akin, bago ako dumiretso sa labas ng bahay. Ngayon ko lang napansin ang kabuuan at kalakihan ng mansion ng mga Fernandez. Inangat ko ang aking paningin sa kabuuan nito.

Lies of Darkness (Malapascua Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon