Capitulo 29

22 2 5
                                    

My heart has been shattered into pieces. Hindi ko na alam kung paano ko pa ba ito maibabalik, maibabalik sa dati, kung saan kompleto ito. That there's no heartbreaks and pain...

Unti-unting bumabagal ang aking paglakad, hindi inalintana ang malakas na ulan at ang malakas na kulog.
Even the clouds were mad at me. I am all so wet, and the water is still dripping down on the tip of my hair. 
Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ko ang paligid. I smiled with a pain plastered in my soul.

Pagkatapos nang mga nangyari ay pinilit akong ilabas ng mga body guards palabas ng opisina. Kinaladkad nila ako at itinapon sa labas, kahit na umuulan nang malakas.

I wish time would stop, take me back to the past, and make everything right.

Pumara pa rin ako ng taxi at nagpahatid sa Baguio, hindi ko na inisip ang halaga nang aking mababayaran ngayon.

I just want to go home, far away from here. Far away from Constantine and his family, even Auntie Gorgonia and Dahlia. Ito na rin naman ang magiging huli. This is the end.

"Ma'am, ayos lang po ba kayo?" Nag-aalalang pagtatanong sa akin ng taxi driver.

He doesn't look old. Mukhang ka-edad ko lamang siya.

Napansin niya siguro ang ayos ko ngayon.

Napalingon ako sa kaniya at kaagad na tumango. I don't want anyone else to know what I have really felt. Kinikimkim ko naman talaga ang lahat simula pa noon. Kaya, ano pa ba ang bago kung sasabihin ko sa iba ang nararamdaman ko?

People will just invalidate your feelings and then give you a backhanded compliment. Kahit nasaktan ka na, magpapanggap pa rin sila na para bang wala naman silang ginawang mali.

"Sigurado po ba kayo, Ma'am?" Pagtatanong niyang muli sa akin.

"Yes," I answered him shortly.

Nang makarating na ako sa boarding house na tinutuluyan ko ay kaagad akong pumasok sa loob ng gate. Naabutan pa ako ni Esteban Juan sa labas ng kanilang bahay.

It looks like he is waiting for someone. Hindi siya mapakaling palakad-lakad nang pabalik si EJ sa kanilang balkonahe. Tumigil lamang ito nang makita ako.

Nanlaki ang kaniyang mga mata nang maabutan ako at makitang basang-basa.

"What happened to you?! Bakit basang-basa ka? Saan ka galing?!"

Umawang ang aking bibig nang makita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata. He walked in my direction and even held my elbow. 

Tinignan niya ako nang mula ulo hanggang paa.

"Selene, anong nangyari?" Malamig niyang tanong sa akin.

Thunder makes a scene again. Good thing I didn't flinch anymore.

Hindi na ba ako natatakot?

"Wala," maikli kong sagot sa kaniya.

Pagod ako ngayon at hindi ko na kakayanin pa ang sumagot sa mga tanong na ibabato niya sa akin.

"Tell me the truth," ani Esteban Juan.

Nilingon ko siya at nagtama ang aming mga mata.

"Why are you acting this way? You should only care about Ricky. Hayaan mo na ako. Kalimutan mo nalang na nakita mo ako ngayong gabi na ganito ang hitsura." Iyon lamang ang isinagot ko sa kaniya at kaagad na binawi ang aking siko at dumiretso sa aking kwarto.

Pagkapasok ko sa loob ng aking kwarto, ay doon na tumulo nang tuluyan ang aking mga luha. Ang mga natitirang mga luhang nagpapahiwatig nang aking paghihirap at sakit.

Lies of Darkness (Malapascua Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon