Capítulo 7

41 5 11
                                    

Ang ihip ng hangin ay bumalot sa aking buong pagkatao. Ramdam ko ang lamig na kahit ang aking puso ay binalot. Nakatingin lamang sa karagatan habang nag-iisip ng malalim.

I hugged my knees while watching the waves. I'm in peace right now. Buti pa ang mga alon ay matiwasay ito habang hinahampas ang bawat-isa. Ang mga naglalakihang mga windmills ay patuloy lamang itong umiikot na para bang nagpapahiwatig na kailangan nilang kumilos.

Ang bawat pitik ng segundo ay nagpapahiwatig ng buhay. How... did I reach this point in life without surging? How did I survive without even showing a single tear to everyone?

Umawang ang aking bibig at biglang naalala ang ama na nakakulong ngayon. I really wanted to talk to him again. I want to visit him, again. Kahit na isang beses na lamang sa isang buwan. That's why I really need to save money. Titiisin ko nalang ang mga insulto nila, mga tinging mapagmataas.

Lumipas ang mahigit isang oras at napag-desisyonan ko nang bumalik ng mansion. Inayos ko muna ang aking sarili at pinunasan ang aking mga luha, bago tuluyang bumalik.

Nasa malayo pa lamang ako ay naririnig ko na ang mga halakhak nila Uncle Ven at ang kaniyang pamilya. Nasa veranda sila, nag-ku-kwentuhan tungkol sa mga nangyari sa kanilang anak. I don't have a choice but to walk in front of them! Kung sana mayroong back door, para doon nalang ako papasok, pero wala naman.

Hindi ko sila pinansin at hindi ko rin sila nilingon. Napahinto lamang ako sa aking paglalakad nang tinawag ako ni Uncle Ven.

"Selene, come here." utos niya sa isang baritonong boses.

Bigla akong kinabahan nang makita ko ang malamig na titig ng kaniyang asawa. Umangat ang labi nito at tinaasan ako ng kilay. Habang si Dahlia ay nakahalukipkip lamang habang pinagmamasdan ako. Parang sinusuri ang buong pagkatao ko.

"Magandang umaga po, Uncle Ven." Pagbati ko sa kaniya.

He stopped reading from his newspaper and removed his glasses.

"I didn't have the chance to introduce to you, my daughter." He proudly said.

Tinuro niya ang kaniyang anak na babae at ngumiti. Nginitian ko ang anak nila at ngumiti rin naman ito pabalik sa akin.

I am a bit relieved that she is not just like her mother. Sana nga ay hindi.

"This is Dahlia Eleonora Verluz, our only daughter. She's done with her semester. She's here for a short vacation. Kung ano man ang gusto niyang gawin o i-u-utos sa'yo, sundin mo." Pagpapaliwanag ni Uncle Ven sa akin.

I didn't protest on that. Kagaya nga ng sabi ko kanina ay kailangan kong kumilos. Kailangan kong mag-ipon ng pera, para maka-bisita ako kay Papa.

"That's actually a good idea, Darling!" Masayang sabi ni Auntie Gorgonia at lumingon ito sa kaniyang anak na para bang may sarili silang pinag-uusapan gamit ang kanilang mga mata.

"Masusunod po," sagot ko sa kaniya pabalik.

"Are you the daughter of Tito Dominic?  This is my first time seeing you. Another Verluz, indeed."

"Oh, hija, don't bother! Don't be confused! She's still a Verluz, hindi man halata dahil sa estado ng buhay nila." Insultong sabi ni Auntie Gorgonia.

Not even minding my presence here! Kailan ba sila matatapos?! Mukhang kanina pa natapos ang pag-uusap tungkol sa akin, bakit iniiba nila ang usapan? Bakit ini-insulto nila ako?

Ipinagsalikop ko nalang ang aking mga kamay at yumuko. Kahit na ipagtanggol ko pa ang sarili ko ay mauuwi pa rin naman sa wala. I don't have the strength to argue with them. With these kind of people. Masasayang lamang ang laway ko.

Lies of Darkness (Malapascua Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon