Chapter 3 💍Kyianna's Point of View
Pagkakatapak ko pa lang sa entrance ng campus, sinalubong agad ako nina Kieran at Cyrielle. Katulad ng dati, hindi na naman napigilan ni Kieran ang pang-aasar.
"Sa wakas! Dumating na rin ang reyna ng hangover," bati ni Kieran, halatang aliw na aliw.
Napairap ako. "Hindi ko nga maalala, Kieran! Tama na 'yan."
"Sino bang hindi magigising ng madaling araw dahil may lasing na tumatawag at nagiging emotional?" Tuloy pa rin si Kieran, nakangiti pa rin habang nagbibiro. "Sabi mo, miss na miss mo daw 'yung ex mo-na hindi ko alam kung sino sa tatlo na yun."
Huminga ako nang malalim. Great.
Another thing I can't remember.
"Well, 'wag kang mag-alala, pre. Nandito naman kami ni Cyrielle para i-guide ka sa mga sablay mo," pang-aasar ulit ni Kieran.
"Thanks a lot," sagot ko, sarcastic. "At least may kasama ako sa sablay."
Habang naglalakad kami papunta sa building, napansin ko ang mga estudyanteng nakatambay sa hallway.
Parang may hinihintay sila.
Napahinto ako, napatanong sa sarili kung ano ang nangyayari.
"Oh my god, Kyianna, tingnan mo," bulong ni Cyrielle. "Si Gab!"
Napatingin ako sa direksyon na tinuturo niya. Dalawang lalaki ang naglalakad papalapit-isang gwapo at isang mas gwapo pa. Alam kong kilala ko sila. Si Gabriel Hawthorne, ang campus king, at 'yung kasama niya, si... Is that Luhence?
"Oh my gosh, si Gab talaga! Nakakakilig!" bulong ng isang babaeng nasa gilid ko.
"Siya si Gabriel, di ba? Yung kapatid niya, si Luhence, sa CTE," sabi ng isa pang estudyante.
Luhence? Wait... so tama nga ako. Siya 'yung kasama ni Gab. Napatingin ako kay Luhence, pero mabilis din akong umiwas. Para akong nahuli sa akto ng pagtingin sa kanila.
Napansin ko rin na malamig ang tingin ni Luhence. Dire-diretso lang siya habang si Gab ngumiti at kinindatan pa ako. Napahinga ako nang malalim. Okay, Kyianna, act natural.
"Feeling ko siya talaga si Luhence," bulong ko kay Cyrielle.
"OMG, siya nga! Pero grabe, Kyianna, ang intimidating niya ha? Parang hindi siya approachable," sagot ni Cyrielle.
Sakto naman at humirit si Kieran.
"Well, guys, move on na. Hindi naman ako ang pinagkakaguluhan dito," biro niya, suot pa ang kanyang sunglasses.
Napatawa na lang kami sa kalokohan ni Kieran, pero hindi ko pa rin mapigilan ang pag-iisip tungkol kay Luhence. Ilang beses ko na siyang nakikita, pero parang hindi siya interesado makipag-usap. Parang laging may distansya.
---
Matapos ang ilang oras ng klase, nagdesisyon kami ni Elle na pumunta sa canteen. Gutom na rin kami pareho. Habang naglalakad kami papunta sa pila, biglang may bumangga sa akin.
"Ano ba yan!" bulong ko, sabay tingin sa babae. Si Aria, ang pinakasikat na bully sa campus.
"Oh no! Sorry ha," sabi niya, pero halata namang sarcastic. Nabuhusan ako ng cucumber juice at cherry pie sauce ang blouse ko.
Nag-init ang ulo ko. "Excuse me? Ikaw yata ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo," sagot ko, hindi na nakapagtimpi.
"Distansya o ambulansya?" biglang hirit ni Cyrielle, sabay taas ng kilay.
Aria smirked. "How dare you talk to me like that? Anak ako ng governor!"
"Anak ka man ng governor, hindi 'yan makakatulong kapag nasira na ang mukha mo," dagdag ni Cyrielle. Natawa ang ilang estudyante sa paligid namin, pero si Aria, mukhang hindi na natuwa.
"Hmph! This isn't over, B!tch," sabi ni Aria, tapos sabay baling sa mga kasama niyang minions at umalis na sila.
"Wow, ang drama," bulong ni Cyrielle. "Okay ka lang, bebs?"
"Yeah, okay lang. I mean, seriously, bully na nga, ang arte pa," sagot ko, kahit na medyo inis pa rin ako.
"Feeling ko, kaya siya ganyan kasi insecure. And, hello? She's probably pissed off kasi alam niyang engaged ka kay Luhence," sagot ni Cyrielle.
Natawa ako nang bahagya. "She can have Luhence. This is all for show, Elle. I'm not even interested."
"Sigurado ka ba? Kasi si Luhe..." teasingly added Kieran, na kanina pa tumatawa.
Hindi na lang ako sumagot. Sa totoo lang, ang hirap ipaliwanag. Hindi ako sigurado kung ano'ng nararamdaman ko tungkol sa engagement na 'to. Ang alam ko lang, malamig si Luhence sa akin, at parang hindi ko gusto ang pakiramdam na iyon.
---
Isang araw, habang papasok ako ng campus, nakita ko si Luhence na kausap si Aria sa gilid. Mukhang seryoso ang usapan nila, at si Aria, halatang kinakabahan. Hindi ko alam kung tungkol sa akin ang pinag-uusapan nila, pero halata sa body language ni Aria na hindi siya komportable.
"Malas na lang ni Aria. Si Luhence pa ang nakabangga niya," sabi ni Kieran, halatang tuwang-tuwa.
Pagkatapos ng ilang minuto, lumabas si Aria mula sa opisina ni Luhence, umiiyak. Dumaan siya sa harapan ko, pero hindi niya ako pinansin. Tumakbo siya palayo kasama ang mga kaibigan niya.
Si Luhence, lumabas din, pero hindi ko magawang lapitan siya. Tumalikod na lang ako at iniwan kasama ko at naglakad papunta sa klase. Ano bang nangyayari?
---
Later that day, natanggap ko ang imbitasyon para sa isang party. Party ng mga Hawthorne. Agad ko itong pinakita kay Cyrielle at kay Kieran.
"Oh my god! Party ito ng pamilya ni Luhence! Siguradong maraming high-profile na tao dito," sabi ni Cyrielle, excited.
"Wow, Luhence's family party? So ano, Kyianna, may pag-asa na bang magkaroon ng spark?" tanong ni Kieran, sabay ngisi.
"Walang ganon, Kieran," sagot ko, napapailing. "This is just another formal event."
"Kahit ano pa 'yan, sure ako na magiging highlight ng gabi 'to," hirit ni Cyrielle, sabay wink.
Sa totoo lang, kinakabahan ako sa party. Hindi ko alam kung bakit, pero may pakiramdam akong hindi ito magiging simple o normal na gabi.
Habang nag-aabala kami sa mga detalye ng party, nagtinginan kami ni Cyrielle. "Kyianna, parang nai-stress ka," sabi niya, nag-aalala.
"Hindi naman," sagot ko, subalit alam kong hindi siya naniniwala.
"Kung magpapanggap ka na okay ka lang, hindi ito makakatulong sa'yo. Baka mas mabuti pang kausapin mo si Luhence," mungkahi ni Kieran.
"Eh, bakit naman ako makikipag-usap sa kanya? Wala akong kailangan sa kanya," matigas kong sagot.
"Okay lang yan, Kyianna. Sabi mo, engaged ka sa kanya, di ba? Kailangan mo rin naman siyang kausapin," paliwanag ni Cyrielle.
Hindi ko na lang sinagot ang dalawa. Sa isip ko, mas mabuti na lang na umiwas. Baka kung masyado akong malapit sa kanya, lalong magiging kumplikado ang sitwasyon.
--------
Follow me on my other social media accounts!
TikTok: @brielle_moon
Facebook: Msspancke Dreame
Discord: brielle.moon_87362
Instagram: itsme_pancke
BINABASA MO ANG
That Campus President is my Fiance (CAMPUS SERIES #1)
RomanceKyianna's life has never been her own-not since she was forced into an arranged marriage with Luhence Hawthorne, the ruthless and untouchable mafia prince. But even while tied to Luhence, her heart is secretly drawn to Gabriel Hawthorne, his captiva...