Chapter 1

1.7K 32 8
                                    

Chapter 1 💍

Kyianna’s POV

It was a perfect Saturday afternoon. Nasa mall kami ni Cyrielle, catching up and doing some light shopping. Hindi kami nagkikita lately dahil sobrang busy sa school  work, so we planned a much-needed hangout.

Habang naglalakad kami sa luxury section ng mall, may nakita akong something na sobrang nakahinto ng mundo ko. Standee siya ng ultimate crush ko, malapit sa isang high-end perfume store. Grabe, hindi ko kinaya yung gwapo niya! Kahit picture lang, parang siya yung tipo ng lalaki na kahit sa litrato lang, titigil yung puso mo. Gabriel Hawthorne.

Hoy! Kyianna, tingnan mo! Para siyang nakaabang sa labas ng mall,” sabi ni Cyrielle, natatawa habang kinikilig.

Baliw ka talaga. Wag ka ngang gumawa ng eksena, baka may makarinig,” hirit ko, trying to hide the fact na kinikilig din ako. I rolled my eyes pero hindi ko napigilan ang maliit na smile na gumuhit sa labi ko.

Lumapit kami sa standee, mas lalo siyang gwapo up close. I pulled out my phone, planning to take a picture. Buti na lang, wala masyadong tao. Kinikilig ako sa thought na kahit sa picture man lang, kasama ko siya.

Ugh, bakit ba kailangan niyang maging ganito ka-perfect?” bulong ko sa sarili ko habang naghahanda nang kunan ng litrato ang standee.

Nag-ring ang phone ni Cyrielle.

Wait lang, Kyianna. Saglit lang ‘to, it’s my mom,” sabi niya, naglakad palayo para sagutin ang tawag.

I stayed behind, staring at Gabriel’s standee like a lovesick teenager. Grabe, parang di ko na mapigilan. Gusto ko na talagang kunan ng litrato!

Just as I was about to snap a picture, may humawak sa braso ko nang sobrang lakas. I gasped in shock, almost dropping my phone. Nilingon ko agad kung sino yung humawak sa akin.

May isang lalaki na naka-face mask at naka-baseball cap, sobrang nakatakip ang mukha niya. Before I could react, hinila niya ako palayo sa crowd. Mabilis niyang dinala ako sa isang sulok ng mall, behind a large display where no one could see us.

Anong—” I started to say, pero tinakpan niya bigla ang bibig ko. Halos mag-panic ako sa takot. Sino siya? Anong kailangan niya sa akin?

Shhh,” he whispered, his voice low and firm. “Don’t make a sound. They might see us.

Nag-freeze ako. Sino bang ‘they’? Tumitig ako sa lalaki, trying to understand what the hell was going on. Nag-struggle ako, trying to push him away, pero sobrang higpit ng hawak niya sa akin.

Sinilip ko ang paligid, at doon ko nakita na may mga lalaking naka-black suits na naglalakad, clearly bodyguards. Bigla akong kinabahan. Nagtatago ba siya sa kanila?

Matapos ang ilang saglit, mukhang hindi kami nakita ng mga bodyguards. Nang mapadaan na sila, lumuwag na ang hawak ng lalaki sa akin. Pero bago pa ako makapagsalita, may ginawa siyang hindi ko in-expect.

Tinanggal niya ang mask niya—at bigla niya akong hinalikan.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. My first instinct was to push him away, pero hindi ko magawa. Parang tumigil ang oras. His lips were soft, warm, and surprisingly… familiar? The kiss was intense, as if it was the only thing keeping him alive. Sinubukan kong tumutol, pero the moment his hands held me closer, my body betrayed me. Imbes na lumaban, I found myself melting into the kiss.

Sobrang lalim ng halik niya, na para bang matagal na niya akong kilala. My mind was screaming to stop, but my heart was beating too fast to care. Nang makaalis na ang mga bodyguard at tumigil na siya sa paghalik, I was left breathless, my lips tingling from the intensity.

That Campus President is my Fiance (CAMPUS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon