Chapter 23💍
Kyianna’s POV
Pagkarating namin sa bahay, dumiretso ako sa kwarto. Si Luhence naman ay tumuloy sa mini bar.
Hinayaan ko siyang magpalipas ng oras doon habang ako’y tahimik na nagpatuyo ng buhok gamit ang tuwalya sa harap ng salamin.
Kakatapos ko lang mag-shower at suot ang paborito kong silk nightdress simple pero nakakabighani, at ang robe ko na bahagyang nakatali.
Habang marahan kong pinupunasan ang basang buhok, narinig ko ang katok sa pinto.
“Pasok,” sagot ko, iniisip na si Manang Iliza iyon. Ngunit sa halip, si Luhence ang bumungad. Nakasuot pa rin siya ng fitted polo, ang bahagyang gulo ng buhok niya’y nagpapatingkad sa kanyang kagwapuhan.
Ang mga mata niya’y agad na dumapo sa akin, tila ba sinusuri ang bawat detalye ng itsura ko.
Tumigil ang kamay ko sa pagtutuyo ng buhok nang mapansin kong masyadong matagal ang tingin niya.
Ang lakas ng tibok ng puso ko, ngunit nagawa kong tanungin siya nang mahina,
“What are you doing here?”
Ngunit imbes na sumagot, ngumisi siya isang ngising puno ng panunukso.
Lumapit siya sa akin nang marahan, ngunit may awtoridad sa bawat hakbang.
“Our parents are here,” sabi niya.
“They dropped by after the party.”
Napatigil ako.
“Nandito sila ngayon?!”
Tumango siya, bahagyang ngumisi.
“Relax, sisiw. They just wanted to check on us.” Tumigil ang tingin niya sa suot ko.
“Although, I’m sure they’ll appreciate your choice of outfit.”
“Ang kulit mo!” Napahigpit ako sa tali ng robe ko, pero hindi na niya ako pinakawalan ng tingin.
Lumapit siya sa akin, kinuha ang tuwalya mula sa kamay ko, at marahang inabot iyon sa mesa.
“Let’s go,” aniya, ang boses niya’y mababa ngunit puno ng kumpiyansa.
Wala akong nagawa kundi sumunod, kahit may kaba sa dibdib ko.
Pagkababa namin, bumungad agad ang mga magulang niya. Ang mommy niya’y eleganteng nakaupo sa sofa habang humihigop ng tsaa, at ang daddy niya nama’y nagbabasa ng dyaryo.
Nang makita kami, ngumiti agad ang mommy niya.
“There you are! You two look perfect together,” sabi nito habang masusing pinagmamasdan kami.
Hindi ko alam kung matutuwa o mababahala ako. Lalo pa’t biglang hinila ni Luhence ang baywang ko palapit sa kanya.
“Thank you, Mom,” sagot niya, ngunit ang mga mata niya’y nakatingin sa akin, tila ba binibigyang-diin ang bawat salita.
“You look so stunning tonight, sisiw,” bulong niya sa akin.
“Stop it,” mahinang sabi ko, ngunit ngumisi lang siya, walang intensyong tumigil.
Hinaplos niya ang balikat ko gamit ang hinlalaki, para bang sinasadyang iparamdam ang init ng balat niya.
Tumawa ang mommy niya.
“Stop teasing her, anak. She’s blushing!”
Hindi naman siya nagpaawat.
“She’s cute when she’s mad, Mom. That’s why I keep teasing her.”
BINABASA MO ANG
That Campus President is my Fiance (CAMPUS SERIES #1)
RomanceKyianna's life has never been her own-not since she was forced into an arranged marriage with Luhence Hawthorne, the ruthless and untouchable mafia prince. But even while tied to Luhence, her heart is secretly drawn to Gabriel Hawthorne, his captiva...