Chapter 17 💍
Kyianna's Point of View
Dalawang linggo na ang lumipas mula nung narinig ko ang pag-uusap nina Luhence at Cassy.
Simula noon, iniwasan ko na si Luhence kahit na magkasama kami sa iisang bahay. Sa tuwing makikita ko siya sa hallway o sa dining room, napapabagal ang hakbang ko.
Gusto kong kausapin siya, gusto kong itanong kung totoo nga ba ang lahat ng sinabi ni Cassy. Pero natatakot akong marinig ang sagot.
Kahit pa sabihin kong hindi ako apektado, parang laging may bumabalik sa akin sa bawat sinabi ni Cassy.
Ramdam ko ang bigat ng mga salita niya
“Ginagamit ka lang ni Luhence para saktan ako.”
Ang bawat pahayag niya ay parang tinik na bumaon sa puso ko.
Paano kung totoo?
Paano kung totoo ngang wala akong halaga kay Luhence?
Isang gabi, habang naglalakad ako pababa para kumuha ng tubig, nakita ko siya sa sala, nakaupo at abala sa pagbabasa ng isang document.
Ni hindi niya ako tiningnan, pero naramdaman kong napansin niya akong dumaan.
Tumigil ako sandali sa tabi ng hagdan, nagdalawang-isip kung lalapit ba o hindi. Pero sa huli, bumalik din ako sa kwarto nang hindi siya kinausap.
Sa eskwela naman, lalo pang tumindi ang mga parinig ni Cassy.
Alam niyang wala akong masasabi, at sinamantala niya iyon.
Tuwing magkasalubong kami, pinapakita niya sa lahat na siya ang kawawa at ako ang masama.
Parang gusto niya talagang ipakita na ako ang dahilan kung bakit siya nasasaktan.
“Masaya ka na ba, Kyianna?” tanong niya minsan habang nakatayo kami sa tapat ng locker ko.
Naroon ang mga kaibigan niya, nakikinig, at nakangiti na parang may pinapanood na pelikula.
“Kaya ka lang naman pinili ni Luhence kasi wala akong choice. Kung hindi ako nawala, hindi ka man lang mapapansin niyan.”
Pinipilit kong manatiling kalmado, kahit ramdam ko ang pagkulo ng dugo ko.
“Wala akong sinasabi, Cassy. Hindi ko sinisira ang pangalan mo.”
Ngumisi siya, itinapon ang buhok pabalik.
“Wala ka nga sigurong sinasabi, pero alam mo ba kung ano ang ginagawa mo? Ang pagkukunwari mo ang sumisira sa'kin.” Ipinakita niya sa lahat ang pekeng pagngisi na parang sinasabi,
“Siya lang talaga ang dahilan kung bakit ako nagiging ganito.”
Gusto ko na sanang sagutin siya ng deretsahan, pero alam kong hindi iyon makakatulong.
Pati na rin si Luhence, alam kong hindi rin ito makakabuti sa sitwasyon namin. Kaya sa halip, nagdesisyon akong hindi na lang siya pansinin, kahit gaano kasakit ang bawat salita niya.
Pagdating ko sa bahay, umakyat ako sa kwarto ko at sinubukang mag-focus sa mga ginagawa ko. Pero kahit gaano ko ka-pilitin ang sarili ko, bumabalik ang bawat narinig kong sinabi ni Cassy.
Kasalanan ko bang dumating ako sa buhay ni Luhence?
Kasalanan ko bang nagdesisyon siyang piliin ako?
Walang sagot sa bawat tanong ko, pero kahit papaano, nararamdaman kong kailangan ko munang maging malakas.
Late na talaga ako nakauwi galing school ,sinadya ko na magtagal sa library para lang maiwasan si Luhence dito sa bahay.
Ayokong makita siya, ayokong makaramdam ng kahit anong bagay na wala namang patutunguhan.
Sa isip ko, paulit-ulit kong sinasabi arranged marriage lang 'to, Kyianna. Huwag kang magpa-apekto.
Pagbukas ko ng pinto, nandoon siya, nakatayo malapit sa hagdan, nakatitig sa akin na para bang kanina pa ako hinihintay.
Nagulat ako pero pinilit kong hindi magpakita ng emosyon, dumiretso ako sa hagdan, nagbabakasakaling hayaan na lang niya ako.
“Kyianna,” tawag niya, may halong lamig at pag-aalala ang boses niya.
“Are you avoiding me?”
Napahinto ako, pero ayoko siyang harapin. Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili.
“Hindi naman,” sabi ko, pinipilit na walang emosyon sa tono ko.
“Pagod lang ako.”
Lumapit siya nang ilang hakbang, at naramdaman ko agad ang tensyon sa pagitan namin.
“Look, if you’re mad, you can tell me. I’m just trying to understand.” His voice softened a bit, his eyes scanning my face, looking for answers.
Huminga ako nang malalim at napangiti nang bahagya, pilit pinanatili ang malamig na ekspresyon.
“Mad? Bakit naman ako magagalit?” sagot ko, tinatago ang sakit at pagdududa sa puso ko.
“This is all just part of the arrangement, right? Hindi mo naman kailangang mag-alala.”
Napakunot ang noo niya, halatang hindi siya natuwa sa sinabi ko.
“You know it’s not just an arrangement to me, Kyianna,” he said, his voice lower, almost a growl.
“I can see something’s bothering you, and you keep shutting me out.”
Nag-iwas ako ng tingin, tiningnan ko na lang ang sahig, iniwasan ang mga mata niyang parang nakakabasa ng lahat ng nararamdaman ko.
“Luhence, pwede ba? Huwag na lang natin gawing komplikado pa ito. Alam natin pareho kung bakit tayo nandito—walang ibang dahilan.”
Hinawakan niya ang braso ko, matibay pero hindi masakit. Ramdam ko ang init ng kamay niya, at doon ako muling nanghina.
“Why do you keep pushing me away? I’m not your enemy, Kyianna.”
Pakiramdam ko’y may bumigay na pader sa loob ko, pero pinilit kong itayo ulit ang mga ito.
“This is just a business deal, Luhence. I don't want to think about things that don't matter. We both agreed, right? This is only an arrangement.”
Sa sagot kong iyon, bumitaw siya, pero hindi nawala ang pagtingin niya sa akin, his gaze almost desperate.
“Fine,” he muttered, a slight bitterness in his tone.
“If that’s how you want it, Kyianna. But remember this, I’m not here to hurt you. And if you can’t see that…” He trailed off, letting his words hang.
Nagulat ako nang bigla siyang lumapit, halos wala nang distansya sa pagitan namin.
Bago ko pa maintindihan ang nangyayari, naramdaman ko ang mga labi niya sa akin—isang halik na mabilis pero puno ng damdamin.
Sandali lang iyon, pero pakiramdam ko'y tumigil ang oras.
Napatulala ako habang lumayo siya, leaving me breathless and confused. Bago pa ako makapagsalita, tumalikod na siya at naglakad palayo, his footsteps echoing down the hallway.
Para akong nawalan ng lakas, halos hindi ko na maramdaman ang bigat ng mga paa ko. Binalik ko ang kamay ko sa labi ko, ramdam ko pa rin ang halik niya doon—halik na nagdudulot ng mas malalim na pagdududa sa puso ko.
A/N: Don't forget to follow and vote for this story! Thank you💛🌻
Follow me on my other social media accounts!
TikTok: @brielle_moon
Facebook: Msspancke Dreame
Discord: brielle.moon_87362
Instagram: itsme_pancke
BINABASA MO ANG
That Campus President is my Fiance (CAMPUS SERIES #1)
RomanceKyianna's life has never been her own-not since she was forced into an arranged marriage with Luhence Hawthorne, the ruthless and untouchable mafia prince. But even while tied to Luhence, her heart is secretly drawn to Gabriel Hawthorne, his captiva...