Chapter 19💍
Kyianna’s POV
Nakatayo ako sa harap ng salamin sa comfort room, konting powder lang ang dinadagdag ko sa pisngi. Muffled ang tunog ng music mula sa labas, pero ramdam ko pa rin ang bass, parang kasabay ng sariling heartbeat ko. Tonight wasn’t just any party birthday ‘to ng parents ni Luhence. Lahat ng importante sa kanya, nandito.
Kailangan kong maging composed, kailangan kong magmukhang ready to face his world.
Hindi naman ako uminom nang sobra isang sip lang ng champagne para lang maging polite.
I wanted to keep a clear head. Sinabi ko sa sarili kong tonight, magiging chill lang ako.
Smiling in the mirror, I tried to keep that cool, perfect image na walang iniisip.
Habang inaabot ko ang compact sa loob ng purse ko, may kakaibang texture akong nahawakan.
Hindi ito ang smooth na metal ng compact ko parang papel na lukot. Napakunot-noo ako, slowly pulling it out.
"Huh?" I whispered to myself, feeling a strange chill as I unfolded the small, crumpled note.
Pagka-open ko, tumambad sakin ang madilim, matalim na handwriting, parang may galit ang bawat letra.
"You’re wasting your time with him. Luhence doesn’t deserve you, and he never will. When I’m through, he’ll be gone for good and so will everything you think you have with him."
Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko habang binabasa ang bawat salita. May galit dito, hindi lang basta selos, kundi galit na ramdam ko hanggang buto.
Ang bawat word sa note na ‘to, parang gustong iparamdam sakin na seryoso siya. Whoever this was, they didn’t just hate me, they hated Luhence, too. This wasn’t just a warning parang promise ito na may balak talaga siyang gawin.
I folded the note, shoving it back into my purse with shaky hands. Sino ‘to? Cassy was the first name that crossed my mind pero ibang level ‘to.
Si Cassy, oo, madalas may drama. Pero this felt… darker, parang mas may lalim yung galit.
Nakahawak ako sa edge ng sink, pinipilit kalmahin ang sarili ko. Hindi ito ang inaasahan ko tonight.
I was supposed to enjoy the night, to celebrate with his family, hindi para maki-deal sa ganitong klase ng threat.
"Get it together, Kyianna," I whispered, trying to mask the fear crawling up my spine.
Inayos ko ang sarili ko sa harap ng salamin, putting on a practiced smile kahit na alam kong may takot sa mga mata ko.
Hindi ko pwedeng ipakita ‘to.
Hindi ko hahayaang sirain ng kung sino man ‘tong may galit kay Luhence ang gabi ko.
Pero kahit anong pilit kong i-ignore, hindi mawala sa isip ko ang mga salita.
"Luhence doesn’t deserve you… When I’m through, he’ll be gone for good..." Whoever this person was, hindi lang ako ang target niya.
He wanted Luhence gone. Parang tinatrato niya si Luhence na isang obstacle na kailangan niyang alisin.
My thoughts started racing, connecting dots na kahit ako, hindi ko maintindihan kung tama ba ang mga iniisip ko.
Sino kaya ang may galit kay Luhence ng ganito?
Huminga ako ng malalim, pinilit tumayo nang diretso.
I pressed my hands together para hindi sila mag-shake, forcing a calm smile kahit pa medyo hirap akong kontrolin ang kabog ng dibdib ko.
Hindi ako pwedeng magmukhang takot, lalo na sa harap ni Luhence.
BINABASA MO ANG
That Campus President is my Fiance (CAMPUS SERIES #1)
RomanceKyianna's life has never been her own-not since she was forced into an arranged marriage with Luhence Hawthorne, the ruthless and untouchable mafia prince. But even while tied to Luhence, her heart is secretly drawn to Gabriel Hawthorne, his captiva...