MAHINANG napapa-headbang si Lauri sa kantang "The Wire" ng sikat na American rock band na Haim na pumapailanlang sa kanyang silid. Sa kabila ng pagiging soundproof ng silid niya ay maririnig pa rin iyon sa hallway ng ikalawang palapag ng kanilang kabahayan.
Nasa harap siya ng kanyang wavy full length mirror at pinagmamasdan ang sarili. Wearing her black glittering mesh long sleeve croptop and its mini skirt. Idinagdag niya sa kanyang outfit ang itim din na platform cut out boots.
Napailing siya sa itsura, hindi dahil pangit ang outfit niya kung 'di dahil parang hindi birthday party ang pupuntahan niya. Kung bakit itim pa ang dress code na napili ng kaibigan niyang si Hera para sa birthday party nito ay hindi niya alam. Nag-aalala tuloy siyang baka hindi magmukhang birthday ang pupuntahan niya. Isipin pa lang ang maingay na nightclub na puno ng mga nakaitim na tao... it's kinda weird. O baka siya lang ang nakakaisip niyon?
Naiiling sa mga naiisip ay binalingan niya ang kanyang mukha. She just put a light makeup on her face. Nagsuot siya ng silver dot earings. Tatlong gitnang daliri sa kaliwang kamay ang may maninipis na singsing at ang index finger at middle finger sa kanang kamay.
Sinuklay niya ng kamay ang pixie cut niyang buhok na bi-n-lower na niya kanina pagkatapos niyang magshower. Natural ang bagsak niyon at humaharang sa kanyang noo ang side bangs niyon na hindi lumalampas sa kilay niya. Mas kitang-kita ang maliit niyang mukha dahil sa bago niyang hairstyle.
Nang makuntento sa itsura ay agad na niyang dinampot sa bench sofa na nasa paanan ng kama ang kanyang gabine curved shoulder bag.
Palabas na sana siya ng silid nang maalala ang kanyang cell phone. Binalikan niya iyon na nakapatong sa vanity mirror. Binunot niya ang pagkakasaksak niyon sa charger at pinatay ang tugtog. Umikot ang mga mata niya nang makita roon ang eight missed calls. Galing lahat iyon sa iisang caller.Pababa na ng hagdan nang marinig niya ang pagpalahaw ng kanyang cell phone. Hindi niya iyon pinansin dahil alam na naman niya kung sino ang tumatawag. Tumigil iyon ngunit hindi pa man siya nakakatapak sa labas ng bahay ay muli 'yong nag-ingay. Napaikot ang mga mata niya at marahas na napabuntong-hinga saka kinuha niya sa bag ang cell phone.
Daniel calling...
Napairap siya at nayayamot na nagpakawala muli ng buntong-hininga. Ayaw niyang masira ang maganda niyang mood pero mukhang wala siyang balak tigilan ng isang ito. Baka hindi pa man siya nakakaalis ay naka-isang daang tawag na ito.
"Siguraduhin mo lang na importante ang sasabihin mo, Daniel Lorenzo," mariing aniya bago sinagot ang tawag.
Dumadagundong na malikot na tugtugin, maiingay na pag-uusap, hiyawan, at tawanan ang sumalubong sa kanyang pandinig.
"Nasaan ka na?" May bahid pa ng pagtawa na tanong ng kaibigan. Malakas ang boses nito na pilit sinasapawan ang ingay ng kinaroroonan nito.
"Iyan ang itinawag mo nang itinawag? Kahit kailan talaga hindi ka marunong maghintay! Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na huwag mo akong tatawagan nang tatawagan kung hindi importante?" yamot na aniya.
Maliligo pa lang kasi siya kanina ay panay na ang tawag nito. Ilang beses na niyang ikinainis dito ang ganoong ugali ng kaibigan. Tatawag nang tatawag pero wala namang importanteng sasabihin. Minsan pa naman ay kinakabahan siya kapag ganoon. Akala niya'y emergency, iyon pala ay itatanong lang kung ano'ng ginagawa niya o kung nasaan siya. Gusto niya ngang i-silent na lang ang cell phone niya kung hindi lang niya inaalalang baka tumawag ang kanyang ina. Ayaw na ayaw pa naman niyon na hindi siya sumasagot sa tawag nito.
"Bakit ako? Pinatawagan ka lang nila Hera sa akin. Alam mo namang hindi kumpleto ang party kapag wala ka."
"Reasons, Daniel! Noon pa man ganyan ka na!"
BINABASA MO ANG
Keep Me Close
RomanceKung magkakaroon lamang ng pangalan ang salitang hate, that would be Lauri Jade Santillan. She hates everything about Isaak Villavor, ang saksakan sa kagwapuhan na pulis. Ngunit pagkatapos ng isang gabi ng kapahamakan na hindi siya nito iniwan, keep...