Chapter 10

47 4 0
                                    

NANG tingalain ni Lauri ang yumakap sa kanya ay nakita niya ang kanyang ina. Pinunasan niya ng kamay ang basang mukha at mabilis na tumayo. Tinalikuran niya ito.

"Please, mommy, iwan mo muna ako. Ayoko munang marinig ang kung ano mang sasabihin mo." Ayoko munang marinig ang galit mo.

"I want to talk to you, Lauri."

Napaupo siya sa kama. Nakatalikod pa rin sa ina. "Please, mom, gusto ko munang makapagpahinga," pakiusap niya.

Ilang minuto pa bago ito sumagot. Nakikiramdam lang siya rito.

"Rest and we'll talk later," sambit nito. 

Maliit ang ginawa niyang paglingon. Pinanood niya ang mommy niya na magtungo sa pinto. Nang makarating ito roon ay itinuon niyang muli ang tingin sa harapan. Ibinagsak niya ang katawan sa kama nang marinig ang pagsara ng pinto ng kanyang silid. 

Dumaloy ang mga luha sa kanyang pisngi. Kinakain ng lungkot ang puso niya. Naroon ang mga magulang niya pero hindi niya maramdaman iyon. Para bang napakalayo pa rin ng mga ito.

Nakita niya ang sariling umiiyak habang inaalala ang dahilan kung bakit tuluyang naging bakal ang puso niya. 

Panay ang hikbi niya habang nakasubsob ang mukha sa unan. Hindi siya makapaniwalang magagawa iyon ng kanyang mga magulang.

Simula umpisa ay alam na ng mga ito kung gaano niya kagusto ang fashion na ang mga magulang niya rin ang naging tulay kung paano niya nadiskubre ang pangarap niyang iyon. Bata pa lamang ay palagi na siyang isinasama ng mga ito sa kung saan-saang party. At hindi ang masasarap na pagkain ang palaging nakakakuha ng pansin niya sa mga iyon kung 'di ang mga pananamit ng mga bisita. Habang nakikita ang mga elegante, makukulay, at sopistikadang mga damit, ay para bang nagniningning ang kanyang mga mata. 

She loved watching how those people danced and moved while wearing those clothes. Looking majestic, classy and comfortable. Gusto niya rin niyon. Gusto niyang gumawa ng bagay na magbibigay ng ganda sa tao. Pero mukhang hindi na mangyayari iyon. 

Lalo niyang naisubsob ang mukha nang marinig ang pagbukas ng pinto ng kanyang silid. 

"Are you still crying, Lauri?" 

Nahihimigan niya ang inis sa boses ng kanyang ina kaya lalo lamang nadagdagan ang sama ng loob na nararamdaman niya. Sa halip na aluin siya nito ay ganoon pa siya pakitunguhan. Hindi pa yata sapat na inalisan siya nito ng pangarap.

"It's for your own good. Aasikasuhin mo na lang ang kumpanya. Nakahain na. Hindi ka na maghahanda ng sahog at hindi mo na kailangan pang magluto. Ano pang gusto mo?"

"Pero hindi iyon ang gusto ko!" aniya pagkatapos ng mabilis na pagbangon. Patuloy na bumubuhos ang mga luha sa kanyang mukha.

Mariin siyang tinitigan ng kanyang ina. Tikom na tikom ang bibig nito. Marahas ang naging pagbuga nito ng hangin saka siya tinalikuran. 

Mabilis niya itong hinabol. Hinarangan niya ito at mahigpit na yumakap dito. "Mommy, please! Ito lang ang gusto ko, mom. Please!" pagmamakaawa niya. 

"Tapos na ang usapan natin dito, Lauri! Gagawin mo ang gusto ko!"

Pilit na inalis nito ang pagkakayakap niya kahit paulit-ulit siyang nagmamakaawa. Tinalikuran siya nito at iniwan sa silid na tumatangis dahil sa kabiguan.

Patuloy niyang kinumbinsi ang mga magulang nang mga sumunod na araw pero desidido na ang mga ito na hindi siya pakinggan. Naging bingi ang mga ito sa bagay na unang una niyang hiniling sa mga ito.

Keep Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon