Chapter 17

56 2 3
                                        

NAPAMAANG si Lauri dahil sa narinig niya mula kay Isaak. Ganoon na lamang ang lakas ng tibok ng puso niya. Nagawa niya pang itakip ang kamay sa nakangangang bibig.

Mahina itong natawa. "Ganyan bang nakakagulat ang sinabi ko?"

"Oo," direktang aniya.

Matunog ang naging pag ngiti nito saka napailing.

Gi-no-goodtime lang ba ako ng isang 'to!

Tinitigan niya ang binata sa mga mata. Nagniningning iyon sa saya habang nakatitig sa kanya.

"But, why?"

"Simply because I have feelings for you, Lauri!"

Napamaang siya lalo rito. Did he just... confessed? Sa naisip na iyon ay parang nagwawala na naman ang kung ano sa katawan niya at nasasagasaan ang mga happy cells niya pero hindi niya iyon magawang sabayan ng ngiti. Masyado siyang nagugulat sa mga naririnig niya mula kay Isaak.

Hindi siya makapaniwala. Buong akala niya dahil sa mga naging pakikitungo niya rito noon ay magiging mahirap na mapalapit ang puso ng binata sa kanya. Pero ano ngayon itong naririnig niya?

Malalim na nagpakawala ng hangin si Isaak. Nang abutin nito ang kamay niya ay para bang hindi pa ito tapos na gulatin siya. Nag-aabang maging ang puso niya sa kung ano mang sasabihin nito.

"Hindi ko makakalimutan kung kailan ako unang nakadama ng atraksyon para sa 'yo, Lauri."

Sinundan niya ng tingin ang kamay niyang hawak nito. Dinala nito iyon sa labi nito at dinampian ng halik ang bubong niyon. Napangiti siya at ramdam niya ang pag-init ang mga mata niya roon.

"That was when I saw you wearing that elegant red gown during your JS Prom with Isaiah. You're so beautiful, Lauri. So enchanting that I couldn't even take my eyes off you."

"Wha-What?" Wala siyang nagawa kung 'di ngumanga sa gulat sa kabila ng malakas na pintig ng puso niya. Hindi niya alam kung paano pa pagkakasyahin ang gulat sa puso niya dahil sa mga ipinagtatapat nito. May nararamdaman ito para sa kanya? And JS Prom? That was nine years ago! At ganoon ng katagal na gusto siya nito? Hindi siya makapaniwala. Paanong hindi niya napansin?

Paano mo mapapansin, eh, inuuna mo ang galit! pagalit na aniya sa isip.

"It was just a simple crush, I thought," pagpapatuloy ni Isaak habang nakangiting nakatitig sa kanya. "Dumaan din ako sa puntong iyon ng buhay ko, Lauri. Naghihintay na makita ka at ang makita ka pa lang ay buo na ang araw ko. I told myself that I would confess to you once you turned eighteen."

"I... Isaak..."

Nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata dahil sa mga naririnig mula sa binata. Baka kapag sinabi nitong magpakasal na sila ay walang pagdadalawang isip na um-oo siya. Ganoon siyang kasaya sa mga sandaling iyon.

"Pero bago ko pa man magawa iyon, may nangyari nang hindi inaasahan." Sa kabila ng ngiti nito, naroon pa rin ang lungkot sa naging buntong-hininga nito.

Itatanong niya pa sana kung ano iyon. Pero agad na niyang nahulaan. Nagalit siya rito.

Bumaba ang tingin niya sa kamay niyang mahigpit pa rin na hawak nito. Panaka-naka ang paglilikot ng hinlalaki nitong humahaplos sa bubong ng kanyang palad. Nakikiliti hindi lang iyon, maging ang puso niya.

It feels surreal. Ang makaharap ito nang ganoon, ang makita ang iba't ibang emosyon sa mga mata nitong nananatili ang tingin sa kanya, at ang mapag-usapan ang nararamdaman nito para sa kanya.

"Hindi ba nawala ang nararamdaman mo kahit naging ganoon ang pakikitungo ko sa 'yo?" tanong niya nang muling mag-angat ng tingin dito.

Umiling ito. "Hindi kailanman, Lauri. Because I know you. And I want to be close to you. I want to be near you. Na kahit ang galit mo magagawa kong harapin, Lauri."

Keep Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon