Chapter 18

55 1 1
                                    

SABAY na napamaang si Lauri at Isaak sa isa't isa pagkatapos nilang sabay na banggitin ang tatlong salitang iyon. Sabay rin sila nitong natawa kalaunan. Muli siya nitong hinagkan sa labi.

Does that mean he's my boyfriend now? Nakuha niya pang isipin iyon habang nakapikit at sinasabayan ang mabagal na paggalaw ng labi ng binata. Nagkiss na kami, so boyfriend ko na siya, 'di ba?

Itinulak niya ito palayo. Mahina lang naman iyon pero mukhang nagulat ito sa ginawa niya.

"Why?"

"Boyfriend na kita, 'di ba?"

Umangat ang kilay nito. Saglit itong hindi nakaimik at mukhang hindi inaasahan ang itinanong niya saka ito mahinang natawa.

"Ano nga? Ayokong humalik ng hindi ko boyfriend, Isaak."

Pero ikaw naman ang unang humalik, Lauri, ani ng isang bahagi ng isip niya. "Baka iniisip niya ng atat ako masyado? Kahit na! Magiging boyfriend ko rin naman siya, kaya bakit hindi pa ngayon, 'di ba?"

"Ayaw mo yata, eh?" masungit na aniya rito nang hindi ito sumagot. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya habang nangingiti.

"Of course, I want to," anito.

Nakangising inilapit niya ang mukha rito. Wala siyang sinabi, naghintay lang siya sa kung ano mang sasabihin nito. Sinuklay nito ng dalawang kamay ang buhok niya, at hinalikan nito ang noo niya. Napapikit siya roon at dinama ang kagaanang dala niyon sa puso niya.

Hinarap siya nito. Titig na titig sa kanyang mga mata. "I love you, love!"

"Love? Hm, gusto ko 'yan." Hinila niya ang kwelyo ng suot nitong T-shirt palapit sa kanya at hinalikan muli ito sa labi.

"I love you, boyfriend!"

"I love you, girlfriend!" anila sa pagitan ng halik.

Boyfriend ko na siya! sayang-sayabg sigaw niya sa isip.

Napaluhod na siya sa sofa at humahagikgik na nayakap niya ito sa leeg. Isinubsob niya ang mukha niya roon. Amoy na amoy niya rito ang pabango nito na dati ay kinaiinisan niya, pero nang mga nakaraang araw, maamoy niya pa lang iyon ay nangingiti na siya.

Sininghot-singhot niya ang leeg nito, paakyat sa kaliwang pisngi, at saka muling bumaba sa leeg nito. Rinig niya ang malagong na tawa ni Isaak dahil sa ginawa niyang iyon kasabay ng paghigpit ng yakap nito sa kanya.

"Baka maubos ang amoy ko niyan?"

Sininghot niya muli sa leeg ito na muli nitong ikinatawa. Natatawa niya itong hinarap.

"Alam mo bang inis na inis ako sa amoy mo noon?"

Nangunot ang noo nito. Itinagilid pa nito ang ulo at sininghot ang balikat nito na mahina niyang ikinatawa.

"Masyado bang matapang ang amoy? Gusto mong magpalit ako ng perfume?"

Umiling siya. "I mean, noong inis pa ako sa 'yo. Pero ngayon, hindi na."

"May positive effect pala ang pag-ibig sa sense of smell," natatawa nitong ani.

Nakangising inirapan niya ito. Umupo siyang muli kaya lumuwag ang pagkakayakap nito sa bewang niya.

Keep Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon